HER POV Napalunok ako sa narinig ko, hindi ko alam kung ano ba ang sasabihin ko doon. T*ngina, bakit Dylan? Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito. Napahinga ako nang malalim at wala ng sinabi kung hindi ay maglakad palayo sa kanila. “Rhianne!” humabol sa akin si Dylan. Napaharap ako sa kaniya at sabay pinigilan ko siya. “Please Dylan, huwag muna ngayon. Please lang huwag muna ngayon. Let me rest, let me think. Parang awa mo na. I’m begging you, huwag mo muna akong guluhin.” Pagmamakaawa ko sa kaniya. Sa pangalawang pagkakataon, sa haba ng panahon, narinig ko na naman na sabihin ang pagmamakaawa sa harapan niya. I begged for him to let me think. Hindi ko na alam ang nangyayari, hindi ko na alam kung ano yung tama kong gagawin. I don’t know, hindi ko alam wala akong alam. Bakit gani

