HER POV Hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat ng nangyari kanina. Hindi ko alam kung ano ba ang naging dahilan bakit bigla na lang siyang sumabog ng ganon. Hindi ko na siya nakausap pa kanina nung lumabas ako ng office niya, siguro ay nakiipagkita na siya kay Krystal. Pero tama lang naman ang stand ko, hindi masama ang ginawa kong pagtulong sa kanila dahil that’s my job as well at para na rin makilala pa ang OLIE Atelier. “Hey are you alright? Kanina ka pa nakatulala jan,” wika ni Tristan sa akin. Napatingin naman ako sa kaniya sabay napailing-iling. “Yeah I’m fine, malalim lang iniisip ko. Sorry,” sambit ko. “And about din sa nangyari kanina. Mukhang meron pang initan na naganap.” Napatawa naman siya sabay napailing-iling. “I knew it, iyon ang iniisip mo kanina pa,” wika n

