HIS POV Natapos ang anniversary namin and thankful ako because humiling siya sa akin. Hindi ko alam kung paano ko siya ia-approach. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin, ang alam ko ay maghintay. “So does it work?” tanong ni Miguel sa akin. Napahinga ako nang malalim sabay napatango. “Yeah it works all well.” Giving her the best time of her life bago kami maghiwalay. Kailangan kong isunod ito sa mga plano ko. Kailangan naming maghiwalay ni Rhianne dahil hindi na ito maayos para sa aming dalawa. “So meron ka bang sagot? Mahal mo na ba?” Napatigil ako sa tanong niya. Hindi ko alam ang isasagot ko. Doon sumagi sa isip ko ang pananatili naming paghahawak sa isa’t isa na parang ayos lang ang lahat sa amin. Nasanay ako, masyado akong ginanahan sa nangyaring maganda sa amin nun

