Chapter 1
ANNABELLE POV:
1. Pauwi na sana ako ngayon galing sa school nang tawagan ako nang kapitbahay namin na sinugod raw sa ospital si nanay. Kaya dali-dali akong pumunta sa ospital kong nasaan ang nanay ko.
Pagdating ko sa ospital at agad akong sinalubong nang dalawa kong kapati na sina merlyn at jonas.
"Ate si nanay hindi pa nagigising". Mangiyak-ngiyak na sambit nang aking bunsong kapatid na si jonas.
"A-ano ba nangyari kay nanay?" Umiiyak na tanong ko.
"Ate si nanay bigla nalang hinimatay kanina habang nagtitinda sa palengke".sagot ni merlyn sakin.
Lumapit ako sa Doctor na kakalabas lang nang kwarto kong saan si nanay.
"D-doc kamusta ang nanay ko?" Agad tanong ko dito.
"I'm sorry per hindi maganda ang lagay Niya, kailangan nyang operahan sa lalong madaling panahon dahil kong hindi kakalat na sa buong katawan niya ang sakit na dumapo sa dito, kailangan nyong maghanda nang malaking halaga bago pa mahuli ang lahat." Sabi nang doctor saka ako tinap sa balikat at iniwan sa hallway na luhaan..
2. Hindi ko alam kong saan kami kukuha nang pera pang opera kay nanay, meron siyang sakit stage 2 cancer sa buto kapag naoperahan daw si nanay ay pwede pa siyang makarecover sa sakit nya, ayaw naman namin na mawala siya agad samin dahil kaming apat nalang ang nagtutulongan ngayon, saan ako kukuha nang malaking pera na kailangan pambayad sa pang opera nang nanay ko". Mangiyak-ngiyak na sambit ko sa kawalan.
Lumapit naman ang dalawa kong kapatid at niyakap ako.
"Ate ano raw sabi nang doctor kamusta daw si nanay?" Sunod-sunod na tanong ni merlyn sakin.
"Sis, kailangan maoperahan ni nanay sa lalong madaling panahon, wala tayong pera pero gagawa ako nang paraan. Hindi ako papayag na hindi maoperahan si nanay kahit buhay ko pa ang kapalit wag Lang sha mawala dahil alam kong kakailanganin pa natin or ninyo sya". Wika ko sa dalawa kong kapatid.
"Ateee". Sambit nang bunso namin na si jona at niyakap rin ako.
Hindi ko alam kong saan ako makakahanap nang pera pero gagawa ako nang paraan kahit magnakaw gagawin ko.. bahala na kong ano man ang mangyari sakin
3. Nagpaalam agad ako sa dalawa kong kapatid matapos kong tingnan si mama mula sa labas nang pinto. Hindi ko sya kayang lapitan dahil naiiyak ako bigla.
"Pangako nay, babalik ako na may dalang pera para sa pang opera mo" , pangako ko sa nanay ko kahit alam kong di nya ako naririnig ay tutuparin ko.
Nagsimula ako sa mga kakilala ko para makautang nang pera, pero lahat sila ay puro walang pera ang sinasagot sakin. Sa mga taong naging kaibigan ko ay ganon rin ang kanilang sagot sakin. Lumapit rin ako sa mga kaanak namin ngunit maging sila ay wala rin naibigay sakin.
Tama nga sila, kapag meron ka kilala ka nila kapag wala kana tatangihan at hindi kana nila kilala.
Dati kasi kapag nakaluwag-luwag kami nila nanay ay nagbibigay kami nang kunting tulong sa kanila,sa mga kaanak namin kaibigan at kakilala kaya nga kami sikat sa lugar namin eh pero iba ang akala ko hindi pala sila marumongy tumanaw nang utang na loob.
4. Sobrang sama nang aking loob, 3pm na nang hapon noon pero wala pa akong hawak na pera. Kalahating milyon ang kailangan ko para mapaopera si mama makaya ko kayang makakuha non ngayong araw?
Wala na akong choice kundi magnakaw or mang holdup nang matatndang mayaman yung tipong hindi nila ako kakayanin kapag nanlaban sila sakin.
Bahala na ang Diyos sa gagawin ko, alam kong mali pero susugal ako alang-alang sa aking nanay
5. Naglalakad na ako ngayon sa isang eskeneta kong saan may iilang mga tao ang naglalakad kahit mainit ang sikat nang araw.
May nakita akong isang matandang babae, may suot itong mga alahas sa kanyang katawan magara rin ang kasuotan sa madaling salita isa siyang mayaman at siya ngayon ang target ko.
Dahan-dahan akong naglakad palapit sa kanya para sabayan ito sa paglalakad, inihanda ko narin ang isang matulis na kahoy na napulot ko sa gilid nang kalsada kanina at akmang itututok ko na ito sa kanya nang biglang may isang kotse ang humarorot at huminto sa harap namin at lumabas roon ang dalawang lalaki at sapilitang isinakay kami nang matanda.
Maya-maya pa ay inihinto nila ang kotse at basta nalang kaming itinulak palabas nang kotse matapos nila makuha ang pakay nila kay lola na sana ako ang gumawa.
Nakaramdam ako nang awa kay lola kahit na binalak ko siyang gawan nang masama kanina..
"L-lola ayos lang po ba kayo?" Tanong ko sa kanya.
"Okey Lang ako iha, ang mahalaga buhay tayo. Nakuha man nila lahat nang pera at alahas ko ayos lang yon ang mahalaga sa lahat imakakauwi pa ako sa bahay at ikaw sa bahay nyo". Ani lola
Naiyak ako nang maalal ko si nanay, hindi ako uuwi hanggat wala akong nadadalang pera sa ospital dahil iyon ang pinangako ko sa kanya.
6. Hindi ko namalayan ang oras at malapit na pala mag 5 PM.
Magkasama parin kami ni lola ngayon na naglalakad para maghanap nang sasakyan balak ko itong ihatid sa bahay nila tapos bahala na ako sa sarili ko.
"Lola, ihahatid na kita sa bahay nyo meron pa naman akong natirang pera para ipamasahe natin". Saad ko dito.
"Salamat iha napakabuti mo, kaawaan ka nawa nang Diyos. Ano nga pala ang pangalan mo?" Aniya maria Annabelle po ang pangalan ko lola". Sagot ko sa kanya.
"Tagasaan ka iha?" Muling tanong nya.
" Sa kabilang bayan pa ako lola". Tugon kom
"Paano ka napadpad dito". Muling tanong nya.
Hindi na ako nagsinungaling pa sa kanya at agad inamin ang dahilan ko.
Naawa sya sakin at gusto raw nya akong bigyan nang pera pag uwi namin nang bahay dahil hihingi raw sya sa anak niyang lalaki.
7.Nakarating na kami sa bahay ni lola, namangha ako sa laki nang bahay niya. Pinagbuksan kami nang maid saka pumasok sa loob.
Papasok palang kami nang pinto ay isang malakas na sigaw ang narinig namin.
"Saan ka nanaman galing tanda"! Sigaw nang lalaki kay lola..
"A-anak, s-a labas ako galing bibilhan sana kita nang pang regalo sayo kaya lang naholdup ako". Sagot ni lola na halatang natakot sa anak nya.
"Damm dahil diyan sa katangahan mo tingnan mo ang nangyari sayo! Bat di ka nilang pinatay nang wala na akong poproblemahin sayo"! Anang lalaki.
Nangigil ako kaya sumagot na ako.
"Hoy gagong lalaki! Igalng mo naman ang nanay mo, baka nakalimutan mo kong hindi dahil sa kanya Wala ka sa mundo wala kang modo"! Sigaw ko dito.
Napunta naman sakin ang galit na mga mata nito at lumapit sakin.
"A sino ka naman miss sa akala mo para sagot-sagotin ako?! Anito.
"A-anak, siya ang tumulong sakin don sa mga nang hold-up, kaya ko sya dinala dito para pasalamatan sa nagawa niyang tulong gusto ko siyang bigyan nang pera dahil nasa ospital ang nanay nya". Singit ni lola.
"Bakit may pera kaba?" Balik tanong nya sa nanay nya.
"Kaya nga anak hihingi ako sayo eh". Nahihiyang sagot ni lola.
"Papayag lang ako kong papayag sya na maging s*x slave ko". Nagulat ako sa sinabi nang lalaking to maging si lola.
"Anak wag naman ganyan, tinulongan nya ako bilang kapalit gusto ko siyang tulongan rin kahit kunting halaga lang para sa nanay nya na 50-50 ngayon sa ospital". Pagmamakaawa ni lola.
"Okey, sapat na siguro ang 5k right? Pero kong papayag siyang maging s*x slave ko sa loob nang isang taon ay meron siyang makukuhang dalawang milyon"! Bigla akong nagpaangat nang tingin sa kanya dahil sa perang binaggit nya.
Kaya walang kaabog-abog na tinanggap ko ang alok niya na maging s*x slave nito kahit masama ang ugali nya.
Tiningnan naman ako ni lola na may pag-alala.
Alam kasi ni lola na kalahating milyon ang kailangan ko para maoperahan si nanay kaya alam kong nauunawaan nya ako.
"Tsk di rin halatang mukhang pera, sige mula ngayon dito kana titira basta kada minuto ay mabango at malinis ka ihanda mo narin ang sarili mo make sure na hindi ka maruming babae". Pagkasabi nang lalaki non ay doon na tuluyang tumulo ang luha ko.