STILL ANNA POV: Hanggang ngayon hindi parin ako makatulog dahil sa tawag ni Christopher sakin kanina. Ano nanaman kaya ang kailangan nito sakin kong bakit diya tumatawag? Hindi ko tuloy maiwasang hindi kabahan. lumabas ako muna sa aking kwarto, pumasok ako sa kabilang kwarto kong nasaan ang anak ko. Tulog na tulog si yaya habang tulog rin ang anak kong si baby Christ sa kanyang crib. habang papalapit ako sa crib ng anak ko ay hindi ko maiwasang hindi maluha. Ngayon ko lang ulit natitigan ang anak ko mula nong makilala ko si RK. . Hindi ko namalayan na lumalaki na pala talaga ang aking anak halos isang buwan ko rin itong hindi gaanong binibigyan ng pansin. Mahimbing ang tulog nito kaya hinalikan ko na lamang ito sa kanyang nuo saka muling lmabas. sisiguraduhin ko na mula bukas ay mas b

