KENT POV Hindi ko napigilan si kuya Christopher na uminom hanggang sa malasing ito. Hinayaan ko nalang siya na ubusin ang stock ko sa loob ng Ref at isa pa aalis narin naman kami kinabukasan. Napatingin ako sa aking relo na nasa bisig ko, tiningnan ko ang oras at halos pasado ala-una na ng madaling araw. Halos tatlong oras din pala kaming nag-uusap habang umiinom ito. "Alam mo Kent, gusto kong makilala ang babae mo.Bakit hindi mo siya pababain dito ng makilatis ng kuya mo". sambit nito halatang lasing na siya kaya kong ano-ano nalang ang lumalabas sa bibig nya. "Kuya 1am na, tulog na iyon at isa pa hayaan na muna natin siyang matulog. Makikilala mo rin naman siya soon". pangungumbinsi ko sa kanya "hmm sige na sige na, oo na. Dito na ako matulog ha inaantok na ako". aniya sabay higa

