NABALITAAN ni Anna ang nangyari sa nanay at kapatid nya, kaya ganun nalang ang inis nya ng marinig mula kay Merlyn ang tungkol sa ginawa ng pinsan nito. Pero mabuti nalang at tuluyan ng umalis ang mga ito sa bahay nila kahit paano, hindi na mag isip ng kong-ano ano pa si Anna. Nakalipat narin sila ng bahay nila ni kent kasama ang yaya ng anak. Bumalik na rin si Mrs Suarez sa bahay nila dahil nakauwi naman na si kent. Katapos lang maghanda ni Anna ng tanghalian nilang lahat, inakyat nya na ang kwarto ng yaya para sabihin na bumaba na ito dahil nakahanda na ang pagkain. Ganun rin si Kent.. huminga muna ng ilang beses si anna bago nya napagpasyahang katukin ang binata. "K-kuya kent kak_ Hindi na naituloy ni anna ang pagkatok ulit ng bigla nalang bumukas ang pinto at iniluwa nun si Kent.

