MARIA ANNABEL POV: KATAPOS ko lang magluto ng hapunan namin ni Kent, alas otso na ngunit wala parin ito. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala sa kanya. Kanina pa itong 3pm umalis para makipagkita sa asawa ko sa bar, limang oras na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay wala parin ito. Lumamig narin ang niluto kong nilagang baboy para sana makahigop agad sya ng sabaw kapag nakauwi na ito, dahil batid kong nakainom talaga ito pag uwi nya. Nauna na akong kumain dahil nakaramdam na ako ng gutom Kailangan ko kasi talagang kumain lalo nanay dumedd sakin ang anak ko. Nang matapos na akong kumain ay inayos ko na ang mesa at binalik sa kaldero ang natirang ulam. Iinitin ko nalang ulit mamaya kapag nakauwi na si Kent. Hinugasan ko narin ang plato ko, saka ako umakyat ulit sa kwarto ko para

