CHAPTER 3: GUARDIAN OF CHLORO AMULET

1019 Words
ERICA'S POV "Please prepare yourselves for our tomorrow's camping. Kindly bring the necessary things that was announced to all of you yesterday. Class dismissed!" Matapos sabihin iyon ng aming guro ay kaniya kaniya ng bulungan ang ginawa ng aking mga kaklase. May natutuwa, naiiyamot, at naeexcite. Ito ang unang camping na magaganap sa Lestine Academy. "Erica my Friend! After last class natin punta tayong mall para mamili ng gamit ha!" sambit ng maarte kong kaibigan. Alam kong kahit tumanggi ako dito ay mapipilit pa rin ako ng gaga. "As if naman na makakatanggi ako sayo no!" mataray kong sabi dito habang umiirap. Natawa lang naman ang luka saka bumalik sa kaniyang pwesto. Pumasok na ang isa pa naming guro at nagsimula ng magdiscuss. Boring.... **** Matapos ang huling klase ay tuwang-tuwa na nagtatalon sa aking tabi si levia, marami daw siyang bibilhin at naeexcite na. "Levia! Nakakahiya ka!" Saway ko dito. "Dedma sa kanila!" mataray ding saad nito. Matapos ang walang sawang sagutan namin ni Levia ay sumakay na kami sa kotse niya at nagmamaneho na papuntang mall. "Levia! Marami tayong kasabayang sasakyan, bagalan mo naman ang pagpapatakbo ayaw ko pang mamatay at makulong ng maaga!" bulyaw ko rito habang nakakapit ng mahigpit sa aking seatbelt. Ngunit tinawanan lang ako ng gaga. Napadasal na lang ako sa lahat ng kilala kong santo. Help me please! Halos mauubusan ako ng dugo ng makaparada kami ng ayos sa parking lot ng mall. Agad kong sinamaan ng tingin ang kaibigan kong si Levia na ngayo'y nakangising demonyo. "Gaga ka!" sambit ko dito habang kunwaring sinabunutan. "Shut up b***h! Oo na di ko na uulitin!" natatawang saad ni Levia na hindi naman sincere sa mga sinasabi. Hindi ko na lang ito pinansin at nagdiretso na lang papalabas ng kotse. Nang makalabas na rin ito ay sabay na kaming pumasok ng mall upang mamili ng mga kakailangan bukas gaya ng, pagkain, tents and Etc. Halos tatlong oras din ang tinagal namin sa mall dahil sa kaartehan ng aking kasama. "Hoy Levia! Baka nakakalimutan mong mag aalas siyete na? Gusto ko pang mag beauty rest!" naiinis kong sambit dito. "Chill ka lang gurl babayaran ko na lang ito at uuwi na tayo" she said then winked at me. Inirapan ko na lang ito. Matapos makapagbayad sa mahabang pila ng mall ay dumiretso na kami sa sasakyan at dumiretso na papauwi. Inihatid ako nito sa bahay at nagpasalamat na lang ako kahit may atraso pa rin sa akin ang gaga. **** *Kringgggg..... Nagising ako ng dahil sa alarm clock na sinet ko kagabi. I checked the time and it's already 4 am in the morning. Humikab muna ako at nag inat-inat saka ginawa ang daily routine ko every morning. After organizing my things inihanda ko na ang aking sarili sa pag alis. **** "So class! Walang makulit ha, mapaparusahan ko talaga kayo 'pag may ginawa kayong kablbalan!" paalala ng tabatchoy naming guidance councilor. Ilang oras din ang naubos at nakarating na rin kami sa aming camp site sa lugar bundok ng makiling. Medyo nakakatakot dahil antataas ng d**o at maraming puno pero gusto ko ang ganitong lugar. There are so much oxygen here and the atmosphere is really good. I loved it. Nagkaroon kami ng activity na kailangan namin mahanap ang itinago nilang Apple sa gubat. Like what the heck? How could we find the f*****g little apple amidst the forest, sucks them! Pinaalalahanan kami na magsama ng isa or kahit ilan at wag daw lalayo dahil hindi raw nila ito tinago sa malayo. Ngunit pasaway ako at nagtungo parin mag isa sa gubat upang maghanap. "Andami nilang arte. Apple? Itatago nila? Baliw ba sila?" naiiyamot kong sambit. Hindi ko namalayan na nakakalayo na pala ako, hanggang sa may matanaw akong ilog. Agad akong namangha sa taglay nitong ganda. Wow! Dalian akong lumapit dito at tinampisaw ang aking mga kamay. Ang linis at malinaw. Sana ganito rin ang tubig sa siyudad. Matapos mag latiti sa tubig ay napagpasyahan ko ng bumalik. Nakakailang hakbang pa lang ako sa damuhan ng makarinig ako ng kakaibigang tunog. "Teka.. Ano yun?" kinakabahan kong tanong sa sarili. "Shhhh.... Shhshshs....." "Wahhh mama!" napasigaw na lang ako habang nagpapalinga-linga sa paligid. Napatigil ako ng makitang may dahan dahang gumagapang sa malaking puno. Isang I-Isang... malaking ahas patungo sa direksyon ko! "AHHHH!!! POTA KA AHAS!" Sigaw ko saka kumaripas ng takbo. Hindi ko na nagawang luminga dahil sa takot na bigla ako nitong sakmalin. Ramdam ko pa rin ang pagsunod nito dahil sa kaniyang tunog na ginagawa at mga kaluskos ng dahon na nadadaanan nito. Takbo lang ako ng takbo hanggang sa natalapid ako ng isang ugat. Wahhhh! Naiiyak nako sa nangyayari sa akin. Dahan dahan akong humarap sa direksyon ng ahas at konti na lang ay malapit na ito sa akin. Luminga linga ako upang humanap ng maaaring ipanghampas dito ngunit tanging malilit na bato at kwintas— Teka? Kwintas? May Malaking bilog itong palawit at tiyak na mabigat, siguro maaari na itong ipambato sa ulo ng ahas. Agad ko itong dinampot at nakahanda na sa ahas. Hinimas himas ko ang kwintas at aksidente akong may nadali dito. "Ay kabayo!" napasigaw ako ng biglang umilaw ang berdeng hiyas nito sa gitna na ikinagulat ko. Lumipad ito at dumikit sa aking leeg na labis kong ikinagulat. Pilit ko itong inaalis ngunit tila naka mighty bond na siya sa aking leeg. "Hshshshshs... Shhshshs" Napatigil ako sa aking ginagawa ng maramdaman ko ang presensya ng ahas sa aking tabi. Dahan dahan akong lumingon dito, isang dangkal na lang at malalamon na ako nito. Ang laki ng bunganga niya huhu! Napasigaw ako dahil dito. "AHHHH!!!!" Matapos kong sumigaw ay natahimik ang paligid. Huh? Anong nangyari? Nagtataka akong napalingon sa paligid at nakita kong nakatumba na ang ahas na may mga tama ng matitilos na tinik sa katawan. Napatingin ako sa dibdib ko at umiilaw pa rin ng berde ang kwintas na nakita ko. Ang weird ayaw niyang matanggal. Pinagpagan ko na lang ang aking sarili at nagpasalamat sa diyos dahil hindi ako nakain ng potashit na ahas na ito. Ngunit Teka... Nasaan ang daan pabalik. Wahhhhh MAMA!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD