bc

Guardians of the Amulets

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
mystery
non-hunman lead
magical world
witchcraft
supernatural
special ability
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Rhea the Goddess of nature. Atlas carrier of sky. Coeus the god of Intelligence and Oceanus the god of the ocean deep have been friends since they were kids.

But everything has change when they grown up, They have title, powers-everything. But the forbidden love of Oceanus and greediness of Atlas and Coeus Occurs.

Everything was in a mess, they were blinded by love and selfishness.

Guardians of the Amulets are the key to bring back the peace and prosperity of both mortal and gods world so Rhea decided to create the eleven powerful Amulets that was made by her blood and powers.

Find the chosen one.

Will they going to succeed to defeat the reigning gods?

Read Guardians of the Amulets

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
Sa isang madawag na gubat ay matatagpuan ang apat na batang naglalaro, sila ay binubuo ng tatlong lalaki at isang babae. Ang mga Primordial Titans and Titaness ng mundo. Ang unang batang lalaki ay si Oceanus, siya ang unang titan na magiging susunod na ama ng katubigan. May matikas itong pangangatawan at may maamong mukha, napaka masiyahin nitong tingnan. Ang pangalawang lalaki ay si Coeus, siya ang susunod na taga pangalaga ng kalawakan. Kumpara kay Oceanus na masiyahan ang isang ito at tila walang emosyon, at parang galit palagi. Ang pangatlong batang lalaki ay si Atlas, ang susunod na hahalili sa pagsuporta ng himapapawid, isa itong magiliw at kwelang bata. Ang panghuli ay ang batang babae na si Rhea, ang tataguriang ina ng mga diyos at diyosa, siya ang nag iisang babae sa kanilang grupo at may taglay itong kagandahan na hindi maipagkakaila nino man. "Pahinga na tayo, pagod nako.." natatawa ngunit hinihingal na saad ng batang si Rhea. "Sige nagpahinga muna tayo, napapagod na din ako!" pagsang-ayon ni Oceanus dito. Masayang nagpahinga ang apat na magkakaibigan at kahit nga pagod ay nagagawa pa rin ng mga itong tumawa. "Sana bata na lang tayo palagi" sambit bigla ni Atlas. Namayani ang katahimikan sa kanilang apat dahil sa sinabi nito. Natitiyak nilang maraming magbabago sa oras na gampanan na nila ang kanilang mga tungkulin. Ang napakabigat nilang tungkulin. **** Lumipas ang ilang daang taon at ngayon ay ganap ng mga pinuno ang apat na magkakaibigan, paminsan-minsan nilang binibisita ang isa't-isa upang magkamustahan ngunit sa pagtagal ng panahon ay tila mas natuon na ang kanilang atensyon sa pamumuno. So Oceanus na pinananatili ang kaayusan at kalinisan nang lahat ng anyong tubig, si Coeus na pinananatiling makinang ang lahat ng nasa kalawakan, si Atlas na ngayo'y sinusuportahan na ang himpapawid, at si Rhea namumuno sa mga batang diyos at diyosa sa kaniyang mundong nasasakupan. Nabago ang takbo ng kanilang buhay ng biglang nagtapat ng pag-ibig si Oceanus kay Rhea, nalaman ito ng dalawa nilang kaibigan at tila nainggit dahil maging ang mga ito ay mayroon ng lihim na pagtingin sa kaibigang babae na si Rhea. Walang imik si Rhea dahil labis niya itong ikinagulat. "O-Oceanus.. Alam mong hindi ito pwede" mariing sambit ni Rhea ngunit tila desidido talaga si Oceanus. "Ngunit mahal kita, at walang bawal sa taong nagmamahal" mapilit na saad ni Oceanus. Nagkaroon ng kaunting katahimikan sa pagitan nilang dalawa at tila nailang si Rhea dahil dito. "Patawad Oceanus ngunit hindi talaga maaari...pasensya" sambit ni Rhea saka tuluyan tumakbo papalayo kay Oceanus. Nadurog ng husto ang puso ni Oceanus dahil sa naging sagot ni Rhea kaya nanlulumo siyang tumalikod upang bumalik na sa karagatan. Hahakabang na sana siya sa tubig ng biglang may mag salita sa kaniyang likuran. "Oceanus" Humarap si Oceanus dito at nakilala ang taong tumawag sa kaniya. "Coeus!" natutuwa nitong usal, napalingon din siya sa kasama nito at natuwa sa nakita "Atlas! Andiyan ka rin pala!" pahabol nito. Ikinuwento ni Oceanus ang ginawa niyang pag tatapat kay Rhea at sa naging sagot nita, matiim namang nakikinig ang dalawa na tila may naglalaro sa isipan. "Gusto mo ba siyang mapasayo?" suhestyon ni Coeus. Nagtaka naman si Oceanus sa narinig kaya't nginitian lang siya nito. Inutusan ni Coeus si Atlas na ibahagi ang kanilang naging plano bago makipagkita sa kaniya. At doon na nga sinabi ni Atlas ang malagim nilang plano. Nagdadalawang isip man si Oceanus ay napilit pa rin siya ng dalawa. **** "Magandang araw mga kaibigan, natutuwa ako't kayo ay napadalaw" nakangiting sambit ni Rhea sa tatlong kaibigan ng makita ang mga ito. Napabaling ang atensyon niya kay oceanus ngunit nilihis niya rin ito agad. "Anong maipaglilingkod ko?" tanong nito sa tatlo ngunit hindi ito sumagot ang mga ito, sa halip ay naglabas lamang ng halamang dagat si Oceanus at saka ipinaamoy kay Rhea dahilan para mawalan ito ng malay. Hindi nakapanlaban si Rhea dahil hindi niya inaaasahan ang pangyayari. "Simulan na natin" nakangising saad ni Coeus na ngayon ay may maitim ng awra sa katawan. Buong magdamag nilang pinagsawaan at pinagsamantalahan ang katawan ng kaawa-awang si Rhea. Tila nakalimutan nila ang mga masasayang ala-ala nila bilang magkaibigan. Matapos maisakatuparan ang kahalayang ginawa sa kaibigan ay nagbihis na ang mga ito at akma na sanang aalis ngunit biglang nagsalita si Rhea na ngayo'y diring-diri sa sarili matapos mapagtanto ang ginawang kahalayan ng mg kaibigan. "MGA HAYOP KAYO!!" Sigaw nito habang umiiyak ng ubod ng lakas kaya bumuhos ang ulan at sunod-sunod na kumulog ng malakas. "Kung sana'y sinagot mo ang kaibigan natin ay hindi na hahantong sa ganito ang lahat" nakangising saad ni Coeus, natawa naman sa gilid si Atlas at may bahid naman ng awa ang mga mata ni Oceanus ngunit nagawa na nila ang bagay na iyon kaya wala ng mangyayari pa sa awa niya. "AHHHHH!!!" Sigaw ni Rhea, kasabay nito ang pagtama ng iba't-ibat boltahe ng kidlat sa mga puno. "TINURING KO KAYONG KAIBIGAN AT KAPATID!! MGA LAPASTANGAN!!" muling sigaw ni Rhea na punong puno ng hinanakit at galit, sa bawat pagbigkas niya ng salita ay dumadagundong ang kalupaan, bumubuhos ang ulan at hindi magkamayaw sa pagkulog at kidlat ang kalangitan. Tila walang pakealam naman ang tatlo sa sasabihin ng dating kaibigan kaya matiim lang itong nakatingin dito, mas lalong nagalit si Rhea sa inasta ng mga kaibigan. "MAGBABAYAD KAYO!" Sigaw muli ni Rhea. "HINDI KO NA NANAISIN PANG MAKASAMA KAYO! KAYA SINASAMO KO SA LAHAT NG BATHALANG MAKAKARINIG SA AKIN. IAALAY KO ANG AKING BUHAY!" Natigilan ang tatlo sa binigkas ni Rhea. "Rhea! Itigil mo iyan!" sigaw ni Atlas. Maging si Coeus at Oceanus ay nabahala na rin dahil balak din nila sanang agawan ito ng kapangyarihan. Ngunit hindi natinag si Rhea, namuti ang mga mata nito at lumutang na sa ere. Nabalot na ng poot at galit ang kaniyang katawan. "SA ORAS NA MALAGUTAN AKO NG HININGA, MABUBUHAY ANG LABING-ISANG AMULETAS NA MAGIGING SIMBOLO NG DUGO, LAMAN AT KAPANGYARIHAN KO. ANG MGA ITO ANG MAGIGING DAHILAN NG KAMATAYAN NIYONG TATLO!!!!" Dahil sa labis na pagmamahal ni Rhea sa kaibigan ay hindi niya maatim na siya ang kikitil sa mga ito, sa halip humanap siya ng mga taong gagawa nito. Matapos sumigaw ay sunod-sunod na dagundong ang namayani sa madilim na gabi. Lindol, pag-ihip ng malakas na hangin, paghampas ng alon, pagputok ng bulkan, pag ulan ng malakas at pagkidlat na walang tigil ang sunod sunod na naranasan ng lahat matapos ang nakakabinging litanya ni Rhea. Lumiwanag ang katawan ni Rhea sa ere at tila nahati sa labing-isang piraso ang katawan nito. Binubuo ito ng iba't ibang kulay at sabay sabay na lumipad sa iba't ibang direksyon. Nagkatinginan ang tatlo na may nakakabahalang tingin. "Kailangan natin maagapan ang magaganap" mariing sambit ni Atlas. "Patayin ang mga susunod na tagapagmana at kuhanin ang labing-isang amuletas" suhestyon ni Coeus.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
183.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.0K
bc

His Obsession

read
104.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook