CHAPTER 1: GUARDIAN OF TERRA AMULET

1082 Words
EARL'S POV Pakshet namang buhay to oh! Kailangan na lang laging humanap ng trabaho. Bakit ba hindi ako makahanap ng permanenteng trabaho sa pakshet na mundong ito. Nakabusangot akong naglalakad dahil ngayong araw ay panibagong hamon na naman sa akin sa paghahanap ng bagong trabaho. Madalas kasi ay extra lang ako sa pagbubuhat at inuutus-utusan lang sa palengke. Sa edad kong labing-walo ay natuto na akong kumayod ng umaga para sa pamilya. Iniwan kami ng ama ko nung bata kami at si nanay naman ay may sakit sa paa kaya hindi makahanap ng trabaho. Ngayon ay magbabakasakali ako sa isang construction site malapit sa amin, baka makapasa ako dito kahit paano upang makakita ng pera para sa aking pamilya. Kasama ko ngayon ang aking kaibigan dahil sabi nitong sasamahan niya ako mag apply dito. "Pre! Ayun yung site na sinasabi ko sayo oh" sabi nito sakin habang itinuturo ang isang bakanteng lote na ngayo'y binabalak ng hukayin ng mga tao. Nauna siyang lumakad patungo dito at tahimik lang akong nakasunod ngunit tumigil din ako dahil medyo malayo na siya sa akin. Lumapit siya sa lalaking nakahelmet na yellow. Siguro ito yung engineer. Kinausap niya ito at maya-maya pa ay sabay silang nagtungo sa kinatatayuan ko. "Ikaw ba si Earl?" seryosong tanong nito. "O-Opo" nauutal kong sagot dahil kinakabahan ako sa paraan ng pagtingin nito sa akin. Napaka strikto at tila ba napaka seryoso sa buhay. "Marunong ka ba magbuhat? Maghukay? O gumawa ng mabibigat na bagay?" sunod sunod nitong tanong na may mariin na tono. Dali-dali naman akong tumango dito. "Opo! Kayang kaya, sanay na ho ako sa mabibigat na gawain" maayos kong sagot dito. May kasanayan nako sa gawaing ganun dahil sa pagtulong ko sa palengke at pag extra-extra kung saan. "Okay, maaari ka ng mag simula ngayon" sambit nito. Natuwa naman ang kaibigan ko sa narinig at maging ako ay napangiti na rin. "Salamat boss!" sambit ko habang yumuyuko dito dahil sa labis na kagalakan. "Oh siya, magsimula ka na. Walang dapat sayangin na oras. Pumunta ka sa lalaking iyon at kuhanin mo sa kaniya ang iyong PPE, nasa kaniya na rin ang mga gamit para makapagsimula ka na" saad nito habang tinuturo ang direksyon ng isang lalaki sa loob ng tent. Wala na akong sinayang na oras at naglakad na patungo dito pero bago iyon ay nagpaalam ako sa aking kaibigan na ngayo'y papauwi na sa kanila upang makapaghanda naman sa sariling trbaho. "Magandang araw po.. Nasa inyo raw po ang mga kakailanganin ko?" magalang kong tanong dito. Napaharap naman ito sa akin at tinignan ako mulo ulo pababa. Mukhang mataray din ang hitsura nito. Magkakamag-anak ba sila? "Ayun hijo nakapatong sa lamesa. Nakabukod na lahat ng gagamitin mo kaya sa oras na ready ka na ay maaari ka ng magsimula" sambit nito habang may inaayos na mga papeles sa lamesa. Nagpasalamat ako dito saka diretsong nagtungo sa kinaroroonan ng aking nga gagamitin. Inuna kong sootin ang helmet saka sinunod ang iba. Matapos iyon ay kinuha ko na ang pala dahil bago pa lang ang gagawan ng bahay ay may pinapahukay sila. Inihatid ako ng isang construction worker din sa pwesto ko. Sinabi niyang kailangan kong maghukay sinabi niya rin sakin kung gaano dapat kalapad at kalalim ang gagawin kong hukay. Tunango na lang ako dito saka nag inat inat. Sinimulan ko ng maghukay. Hindi pala ito ganong kadali dahil nakakangalay sa mga kamay. Hindi pa ganoong malalim ang nahuhukay ko kaya mahaba pa ang gagawin ko. Tirik na tirik ang araw kasabay ng pagdaloy ng pawis sa aking katawan. "Hijo! Merienda muna!" sigaw ng isang construction worker. Itinabi ko muna ang pala saka pumunta sa tent habang nagpupunas ng pawis. Hinubad ko muna ang damit ko kaya tumambad sa kanila ang six pack abs ko. Joke. "Salamat po" sabi ko saka pumwesto sa isang sulok. Taimtim kong ninamnam ang pagkain at ang preskong hangin na dumadampi sa aking katawan ng bigla akong nakarinig ng mumunting tinig. "ikaw...." "Huh?" Ano iyon? Nagtataka akong nagpalinga linga sa paligid upang hanapin kung saan yung galing ngunit pare parehong busy ang mga kasamahan ko sa pagkain. Ipinasawalang bahala ko muna iyon baka guni-guni ko lang. Matapos ang ilang minutong pahinga ay nagsimula na naman kami sa aming gawain. Maghahapon na at malapit na rin akong matapos sa ginagawa. Isang hukay pa ang ginawa ko hanggang sa may tamaang tila bato ang pala na hawak ko. "Ano yun?" Inulit kong muli ang pagdudukal at gaya nga ng kanina ay may natamaan pa rin ito. Dahan dahan ko itong hinukay at ng makaalis ito sa lupa ay.. "Kwintas?" namangha ako sa hitsura nito dahil parang antique. Mukhang mahal ito pag binenta ah! Jackpot! Tuwang tuwa ako habang pinagmamasadan ang tila kwintas na may malaking bilog na nakalawit. May kukay brown na hiyas sa gitna nito. May dumi pa rin itong lupa kaya kinuha ko ang aking damit upang punasan ang hiyas. Nang makuha ay dahan dahan kong nilapat ang damit ko dito. Wow! Ang kintab nga, kakulay siya ng lupa pero mukhang mamahalin. Pinunasan kong muli ito at nagulat na ako sa nangyari. Matapos kong madiinan ang hiyas na brown ay umilaw ito at kusang lumipad patungo sa aking leeg at tila dumikit sa aking mga balat. Pilit ko itong tinatanggal ngunit may pwersang pumipigil dito. "Ano ba ito?! Engkanto ba may gawa neto!?" naiiyamot ko saad habang pinipilit ko itong alisin. Ngunit ilang minuto na ang nagdaan ay napapagod lang ako kaya hinayaan ko na ito. Bumalik na lang ako sa pala na pinag iwanan ko at nagsimulang maghukay muli ngunit nagulat ako sa aking nagawa! Isang baon ng pala ang ginawa ngunit tila napakalakas na pwersa ang nagtulak sa akin at sobrang lalim ng naabot ng pala. Buong lakas ko itong iniangat at itinapon ang nadakot na lupa. Wow! Pano iyon? Anlakas ko naman ata! Ilang beses kong ginawa iyon hanggang sa lumalim na ang hukay na nagawa at sumakto sa limitasyong ibinigay sa akin. Maaga akong natapos kumpara sa iba kaya nagulat sila ng dahil dito. Nakangiti naman akong nagtungo sa tent at muling isinuot ang damit ko. "Paano ko kaya nagawa yun?" tanong ko sa sarili. Matapos ang ilang minutong pagmumuni ay natapos na rin ang aking mga kasamahan at sabay sabay kaming pumila sa aming boss para sa ngayong araw na sweldo. Inabutan kami nito ng tag lilimang daan kaya masaya akong naglakad papauwi. Napahawak na lang ako sa kwintas na nakita ko saka napangiti. "Mukhang swerte ka ah!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD