Nakarating na sina Daniel kasama ang mga kaibigang sina Stephanie, Chloe at Joshua sa kanilang kompanya. Tulong-tulong ang mag-kakaibigan na dalhin ang kanilang mga maleta, ngunit habang dala-dala ni Stephanie ang kaniyang gamit ay biglang nakaramdam siya ng kakaiba at sa sobrang inis niya noong oras na pinalayas sila sa kanilang matrona ay biglang nag-alburuto na naman ang kaniyang kamay. Sa sobrang nag-liwanag ang kaniyang kamay ay agad napalingon sina Chloe, Daniel at ganoon na din si Joshua na walang alam sa kapangyarihan ni Stephanie “Ahhhhhhhh!” sigaw ni Stephanie nang hindi niya makontrol ang kaniyang kamay dahil sa sobrang lakas. Itinapat nito ang kaniyang kamay sa sahig ngunit itinaas siya nito, “Stephanie!” sigaw naman ni Chloe dahil sa pag-aalala sa kaniyang kaibigan, “Hin

