Habang pabalik na sa lugar nila sina Stephanie, Chloe, Joshua at Daniel kasama ang nanay nito ay nagising na si Chloe at eksaktong malapit na sila sa ospital. Pag-kagising nito nang makita na gabi na ay agad itong napaisip kung ano nalang ba ang sasabihin ng matrona sa kanila. Ginising nito si Stephanie ng mahinahon, “Stephanie, anong oras na hindi pa ba tayo hahanapin ng matrona ng ganitong oras?” pahayag ni Chloe sa kaibigang si Stephanie, “Bakit hindi niya tayo papayagan eh yung iba nga hating gabi na hindi pa nauwi, hindi naman niya pinagalitan,” tugon pabulong ni Stephanie habang inaantok-antok pa. Napaisip si Chloe sa mga sinabi sa kaniya ni Stephanie, kaya’t hindi na lamang niya sinagot iyon at inalis na lang niya sa kaniyang isip kung ano mang posibleng mangyari. Tulog pa rin s

