Nang malaman ng mga pulisya ang totoong kaganapan sa bahay ampunan na tila ay may katahimikan na ngayon, ay napag-pasya ng mga pulis na sabihin ito sa mas nakakataas sa kanila. Agad na kumilos ang samahan at pinagplanuhan ang mga kailangan nilang gawin. Dumating na ang gabi, ay hindi pa rin mapakali si Hilda nang tawagin si Cristina ng mga pulis upang kausapin, kaya napag-pasya nito na puntahan si Cristina sa kaniyang silid at tanungin ito kung anong sinabi niya sa mga pulis. Ngunit ng pag-punta nito doon ay bigla siyang nilapitan ng isang alagad ay may sinabi sa kaniya, “Madam? May plano na po ba kayo na ating kailangang gawin? Dahil nauubos na po ang inyong oras, sayang po nag natitirang panahon. Malapit na po ang araw na ihahayag ng nakakataas kung sino ang mamumuno ng mundo,” pahay

