Tinanong ni Daniel ang dalawang kaibigan na sina Joshua at Chloe, “Ano ba nangyari?” Sumagot naman agad si Chloe, “Ewan ko diyan sa isa na yan, kausap ko lang naman si Ronald kung makaasta akala mo kung sino,” tugon nito sa kaibigan at tumingin kay Joshua, “Ayusin mo ‘yang ugali mo ah, hindi na kita maintindihan,” pahayag naman muli niti kay Joshua. Umalis si Chloe sa harapan ng mga kaibigan, habang si Stephanie naman ay nag-alala at sinundan si Chloe palabas ng kwarto. “Bro? ano ba kasing ginawa mo?” tanong ni Daniel kay Joshua. Tumingin lamang si Joshua, at hindi nakasagot sa tanong ni Daniel. Hinabol ni Stephanie si Chloe, at nang maabutan niya ito ay agad niyang hinawakan ito sa braso, at biglang humarap naman si Chloe. “Chloe, kumalma ka nga! Ano ba kasi ang nangyari? At ngayon g

