Pinilit ni Stephanie na gisingin si Chloe dahil sa kakiabang pag-bangungot nito. Kaya’t nang hindi naging madali ang paggising niya ay mas pinili na nilang buhusan ng tubig si Chloe. At nang mabuhusan ni Chelsie si Chloe ay doon biglang naimulat ni Chloe ang kaniyang mga mata at bumangon sa kaniyang pag-kakahiga. “Chloe!” sigaw muli ni Stephanie sa kaibigan ng bigla iyong bumangon. Agad na tinabihan ni Joshua si Chloe na tila pagod na pagod sa kaniyang pababangungot. “Anong nangyari?!” pag-aalala ni Joshua kay Chloe “H-hindi ko alam,” mahin-hing tugon ng kaibigan na si Chloe “Ronald, ikuha mo ako ng tubig at ibigay mo kay Chloe,” Inutusan ni Daniel si Ronald at agad na kinuha ni Ronald si Chloe ng tubig sa kusina. “Guys, pag-pahingahin niyo muna si Chloe. Stephanie, ikaw na ang bahala

