Chapter 58: Kamay

1699 Words
Natapos na ang klase nina Stephanie at Daniel, at binalak na ng mga ito na mag-tungo agad papunta sa classroom nina Chloe. Hindi na makapag-pigil ng ihi si Stephanie kaya’t nag-paalam muna ito kay Daniel. “Daniel, CR lang ako, hintayin mo muna ako diyan mabilis lang promise,” pag-papaalam ni Stephanie kay Daniel. Tumango naman si Daniel at nag-tungo na sa loob ng CR si Stephanie. Nang pumasok si Stephanie, ay biglang nabosesan nito ang mga pumasok sa banyo ng babae at yun ay sina Beatrice. Nang matapos si Stephanie na mag-CR ay hindi muna nito naisipang lumabas ay pinakinggan muna ang mga babae na nag-uusap. “Alam niyo, hindi ko alam kung ano ang kailangan gawin sa grupo nina Stephanie ba yun?” pahayag ni Beatrice sa kaniyang mga kasama “Nako, kung hindi lang natin kaibigan si Sydney hindi natin gagawin ang kaniyang pinapautos, wala tayong choice mga siz,” saad naman ni Dorothy Habang nakatayo at nag-iintay si Stephanie na makalabas ang mga ito ay hindi pa rin ito tumitigil sa pakikinig, hanggang sa si Daniel naman ay nag-tataka bakit mukhang matagal na si Stephanie sa banyo. Nang napansin ni Dalia na mukhang matagal ang tao sa loob ng cubicle ay naisipan nitong katukin iyon, “Matagal ka pa ba diyan? Kung sino ka man?” tanong ni Dalia Nagulat si Stephanie at naisipan nitong paltan ang kaniyang boses, “Sorry miss, ang sakit kasi ng tiyan ko eh,” tugon nito “Mygwad, diyan ka pa talaga dumayo gurl, jebs well,” pahayag naman ni Angela. “You know what Dalia, may iba pa naming CR diyan eh, tara na. I’m sure matagal pa yan,” pag-aaya ni Beatrice sa mga kasama. Kaya’t sabay-sabay nang lumabas ang mga ito, at nag-hanap ng ibang banyo na walang tao. Nainip na si Daniel at pinuntahan na nito si Stephanie sa labas ng CR kung nasaan siya, “Hay, nasaan na kaya yun?” pahayag ni Daniel Nang biglang lumabas si Stephanie sa banyo, “Tara Daniel! Sa iba tayo dumaan, nakita ko sina Beatrice!” pag-kakasabi ni Stephanie kay Daniel at agad na hinila ito. Nang makalayo na sina Daniel kasama si Stephanie, ay nag-tanong muli si Daniel, “What happen Stephanie? Bakit ba tumakbo tayo dito sa kabilang building? Is everything okay? May nanakit ba sayo?” tanong ni Daniel kay Stephanie “Wala, walang nanakit sa akin. May nalaman lang ako kanina noong nasa banyo ako,” tugon agad ni Stephanie kay Daniel “At ano naman yun? Tanong muli ni Daniel “Mamaya na lang, tara na muna kayna Chloe I’m sure nandoon na sila sa lobby,” pahayag muli ni Stephanie kay Daniel, at nag-simual na silang mag-lakad papuntang lobby. Nang malapit na sila sa lobby at nag-lalakad ay hinarang ni Beatrice ang kaniyang paa sa dinadaanan ni Stephanie at natakid iyon. Ngunit nasalo iyon ni Daniel, “Ano bang problema niyo?” galit na pag-kakatanong ni Daniel sa mag-kakaibigan nina Beatrice “Oops, sorry! Hindi ko sinasadya, hindi ko lang napansin na dadaan pala kayo,” pang-iinsulto ni Beatrice kayna Daniel lalo na kay Stephanie. “Look, hindi kayo inaano ng tao. And kapag may nangyari sa kaniya, or ikasasakit niya. Tingnan lang natin kung makakatagal pa kayo dito sa University, mark my world girls,” pahayag muli ni Daniel kay Beatrice. “Awee, how sweet naman this boy sa kaniyang girl. Natakot ako doon ah,” tugon naman muli ni Beatrice kay Daniel Hawak ni Stephanie ang braso ni Daniel, “Daniel, tama na. Hayaan mo na sila,” pahayag ni Stephanie kay Daniel “Tingnan lang natin Beatrice,” saad ni Daniel At sabay na umalis si Daniel at Stephanie patungo kayna Chloe at Joshua. Nang makaalis ang mga ito sa harap nina Beatrice ay biglang umimik si Dorothy, “Oh my God, nakakatakot siya pag nagagalit,” “Oo nga siz, baka totoo yung sinasabi niya ah, baka mag-backout ako diyan,” saad naman ni Angela kayna Beatrice “Ano ba kayo girls, kayang-kaya natin yan,” tugon naman ni Beatrice “Siz, baka hindi mo alam ang nangyari kay Sydney noong nandito pa siya, she suspended dahil sa mga ginawa nila sa mga yan, ayokong mangyari yun sa atin ah,” pahayag naman ni Dalia Hindi nakaimik si Beatrice sa mga sinabi ng mga kaibigan, at umalis na lamang patungo sa kanilang pupuntahan. Habang sina Daniel naman at Stephanie ay kasama na sina Chloe at Joshua, “So? Saan tayo kakain?” tanong ni Joshua sa mga kaibigan “Kayna Daniel nalang ulit, nakakasawa pag-kain dito eh,” tugon ni Chloe sa mga kaibigan “Sus, gusto mo doon kasi libre hahahhaa!” pabiro ni Daniel sa kaibigang si Chloe “Sige na, tara na,” saad naman ni Stephanie. Habang nasa byahe sina Stephanie ay tila parang nag-iiba ang pakiramdam nito, napansin naman agad iyon ni Daniel. “Stephanie? Are you okay?” tanong nito “Oo Daniel, okay lang, okay lang,” tugon naman ni Stephanie kay Daniel Napatingin ang kaibigan ni Stephanie na si Chloe sa kaniya, “Stephanie, para namumutla ka ah,” okay ka lang ba talaga?” tanong din naman ni Chloe “Oo Chloe, okay lang ako,” tugon muli ni Stephanie sa kaibigan. “Naku ha Stephanie, mag-sasabi ka kapag hindi ka okay. Baka mamaya magulat na lang kami,” pahayag naman ni Joshua sa kaibigan. “Opo,” tugon naman agad ni Stephanie. Nang makarating sila sa kompaniya nina Daniel at nakaparada na si Daniel ay tumaas na agad sila sa canteen, at nang nasa canteen na ang mga ito naisipan muli ni Stephanie na mag-tungo muna sa CR. “Ahm, Daniel, punta muna ako CR,” pag-papaalam nito Narinig naman iyon ni Chloe, “Ha? CR? Ako din, samahan na kita Stephanie parang naiihi din ako eh,” pahayag naman nito “Sige, tara,” saad naman ni Stephanie. Sabay ang mag-kaibigan na nag-tungo ng CR, papasok palang ng CR sina Stephanie ay mas bumigat ang pakiramdam nito. Kung noon sa paaralan ay nawalan siya ng malay, sa mga oras na ito ay bumibigat ang pakiramdam niya na hindi niya maintindihan. Nang matapos nang umihi si Chloe, ay nag-taka ito ng hindi pa tapos ang kaibigan niyang si Stephanie. “Stephanie? Matagal ka pa ba?” tanong nito “C-chloe, ang bigat ng pakiramdam ko,” pahayag ni Stephanie sa kaibigan “Ha?! Okay ka lang ba Stephanie?!” tanong ni Chloe sa kaibigan habang natatakot at hindi mapakali sa sobrang pag-aalala Napatingin si Stephanie sa kaniyang kamay at nagulat ito na may lumiliwanag sa kaniyang kamay, “Chloe! Ang kamay ko Chloe!” Mangiyak-ngiyak na pag-kakasabi nito sa kaibigan niya Asa pag-aalala ay agad na tumakbo ito sa pintuan kung saan nandoon si Stephanie, “Stephanie! Buksan mo ang pinto dali!” sigaw ni Chloe Agad naming binuksan ni Stephanie ang pinto kahit siya ay hirap na hirap kumilos at nang mabuksan niya ang pinto ay nagulat si Chloe sa nakita ng kaniyang mga mata. “Stephanie! Ano to!?” tanong ni Chloe habang hawak hawak ang kamay ng kaibigan “Hindi ko alam Chloe, sobrang sakit, parang gusto ko ng tubig, parang gusto kong ilubog sa tubig,” pahayag ni Stephanie kay Chloe “Tara, tara, tumayo ka diyan, tara sa lababo, basain natin yan,” saad naman ni Chloe sa kaibigan Buhat-buhat ni Chloe si Stephanie patungo sa lababo kung saan may gripo, agad na nag-ipon ito ng tubig para doon mai-lublob ni Stephanie ang kaniyang mga kamay. At nang matapos na siyang maka-pagipon ng tubig ay kinuha agad ni Chloe ang kamay ng kaibigan, “Akina Stephanie,” pahayag ni Chloe Iniabot ni Stephanie ang kaniyang dalawang kamay sa kaibigang si Chloe at agad na inilublob nis a tubig. Ilang minuto nang nakababad ang dalawang kamay ni Stephanie, at napansin ni Chloe na hindi na putla ang kaibigan. “Stephanie? Okay ka naba? Kamusta kana?” tanong agad ni Chloe sa sobrang pag-aalala “Okay na ako Chloe, hindi na mabigat, hindi na masakit. Salamat,” tugon naman ni Stephanie “Basang-basa ang damit mo ng tubig, ano ba kasi yun? Ano ba nangyayari sayo, bakit ka meron noon?” pag-tataka ni Chloe sa nangyari sa kaibigan. “Hindi ko alam Chloe, p-pwede bang wag muna natin iplaalam sa dalawa nina Daniel? Ayokong mag-alala sila,” pahyaag ni Stephanie kay Chloe “Sige Stephanie, pero paano yang damit mo?” tanong muli ni Chloe “Hayaan mo na, sabihin ko na lang na nag-basaan tayo ng tubig sa banyo,” tugon naman ni Stephanie. “Tayo ka na diyan, tar ana lumabas. Paniguradong nag-aalala na ang dalawa sa atin kasi sobrang tagal natin dito sa banyo,” pahayag ni Chloe sa kaibigan Dahan-dahan na itinayo ni Chloe ang kaibigang si Stephanie mula sa sahig, at tinulungan mag-ayos ang kaibigan. Nang matapos ng makapag-ayos ay pag-labas nila ay nakaabang na ang dalawang kaibigang lalaki, “Bakit ang tagal niyong dalawa?” tanong agad ni Joshua sa dalawang mag-kaibigan nina Stephanie “And why your dress are so wet Stephanie?” tanong naman din agad ni Daniel kay Stephanie. “Eh kasi, nag-laro kami ni Chloe sa loob ng banyo ng tubig, kaso mas malala siya mamasa,” tugon naman agad ni Stephanie sa dalawang lalaki. Lumapit si Daniel kay Stephanie at hinawakan ito ang ulo nito. “Okay, bago ka kumain, tayo muna sa taas tapos kukuha ako ng damit para maisuot mo. Baka mag-kasakit ka pa,” pahayag naman muli ni Daniel “Okay, pasensya na,” tugon naman ni Stephanie “Diyan muna kayo ah, mag-papalit lang ako ng damit,” pahayag naman ni Stephanie sa dalawang kaibigan Nag-tungo sa lamesa ang dalawa ni Joshua at Chloe, naupong tahimik si Joshua at napansin naman iyon ni Chloe. “Oh? Bakit ganiyan ang mukha mo?” tanong ni Chloe Ngunit hindi umimik si Joshua sa tanong ng kaibigang si Chloe. Kaya’t hindi na muling tinanong ito ni Chloe dahil mukhang dahil na naman kay Daniel at Stephanie ang rason kung bakit siya nakasimangot.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD