Chapter 57: Panibagong Kaguluhan

1630 Words
Nang tinanong si Sydey ng kaniyang magulang ay biglang nag-ring ang cellphone ng kaniyang lola, kaya’t napatayo agad ang kaniyang lola at pumunta kung nasaan ang kniyang telepono. “Sino kaya ito?” pag-tataka ng lol ani Sydney habang papalapit sa kaniyang telepono, At nagulat nang kaniyang makita na si Mr. Jackson ang tumatawag sa kaniya, ama ni Sydney “Oh, Sydney! Papa mo, sagutin ko lang ha, saglit lang kayo diyan,” pahayag ng lola ni Sydney sa kaniya at sa kaiyang lolo. Sinagot ng lola ni Sydney ang kaniyang telepono, “Oh, anak ko, napatawag ka,” masayang pag-kakasabi ng lol ani Sydney. “Ma, pasensiya na po ah? Ngayon lang ako nakatawag, nandiyan na po ba si Sydney?” tanong ni Mr. Jackson sa kaniyang ina “Oo naman anak ko, nandito na. Bakit nga ba pinadala mo dito si Sydney? Eh mukhang napakaayos naman niya ah,” pabulong ng lol ani Sydney sa kaniyang anak “Hay nako ma, kung alam niyo lang. Ang daming ginawang mali dito sa Pilipinas, hindi ko alam kung ano pa ang dapat kong gawin ma. Ginagawa ko naman ang lahat, bakit parang kulang padin?” tugon ng ama nni Sydney sa kaniyang ina. Napabuntong hininga ang lola ni Sydney nang mairnig iyon sa anak niya at tila biglang nalungkot sa nalalaman, “Anak ko, hayaan mo, kami na ang bahala sa anak mong si Sydney. Wag mo na pakaisipin ah? Wag kana mag-pakastress diyan? Kamusta naman ang asawa mo?” pahayag naman muli ng lola ni Sydney sa kaniyang anak “Eto ma, hindi rin okay. Nag-talo kami dahil kay Sydney, ang hirap din sa asawa ko ma iniispoiled niya si Sydney. Alam naman niyang ayokong sinasanay ang aming anak katulad nalang palaging may pera, kung alam niya lang ang pag-hihirap ko, naiintindihan niya ako,” tugon muli ng ama ni Sydney sa kaniyang ina “Nako nga anak, hayaan mo ipapaintindi ko kay Sydney lahat maging maayos lang siya pag-balik diyan, aalagaan ko ng mabuti ang anak mo kagaya ng pag-aalaga ko sayo noong bata ka pa,” saad muli ng lola ni Sydney sa kaniyang anak Hindi alam ng lola ni Sydney na nakikinig si Sydney habang kausap nito ang kaniyang ama, kaya’t napapasok na lamang sa taas ng kaniyang kwarto ito at nahiga na lamang sa kaniyang kwarto. “Kayo na bahala sa anak ko ma ah? Mag-iingat kayo palagi diyan ni papa, hayaan niyo kapag wala na akong gaanong iniintindi susunod ako diyan sa States, love you ma! Take care always,” pag-papaalam ng ama ni Sydney sa kaniyang ina “Ikaw din diyan anak,” tugon ng lol ani Sydney sa kaniyang anak at pinatay na ang telepono Bumalik ang lol ani Sydney sa lamesa at ang nadatnan na lamang niya doon ay ang kaniyang asawa, “Oh? Nasaan si Sydney?” tanong nito “Ayun, tumaas na sa kaniyang kwarto mahal,” tugon ng asawa nito “Sige, diyan ka lamang ah, at aking pupuntahan,” saad naman muli ng lola ni Sydney Papunta na sana ito ng biglang pigilan siya ng kaniyang asawa, “Wag kana muna pumunta sa kaniya, hayaan mo muna ang ating apo. Bigyan muna natin siya ng oras para makapag-isip,” pahayag ng kaniyang asawa Napabuntong hininga muli ang lola ni Sydney ng marinig ang sinabi ng kaniyang asawa at napatigil, “Halika, dito ka muna sa lamesa at sabayan mo akong kumain,” pag-aaya ng kaniyang asawa sa kaniya Naupo ang lola ni Sydney at sinabayan na ang kaniyang asawa na kumain, habang si Sydney naman ay nakahiga at nalulungkot sa sitwasyon na pinasok niya. Ngunit hindi pa rin nawawala ang galit nito kayna Stephanie pati sa kasamahan niya. Nang maisip niya ang mga taong iyon ay hinawakan niya ang kaniyang cellphone at hinanap ang iba niyang naging kaibigan bukod kayna Sofia at Gabriella. Ang iba niyang kaibigan ay isa ring kilala sa kanilang paaral at yun ay si Beatrice, Angela, Dalia at Dorothy. Hinanap niya ang pangalan ng mga ito at gumawa siya ng group chat para makausap ng sabay-sabay ang mga ito. At agad naming nag-reply ang mga iyon, “Yan na si Sydney, I’m sure may misyon tayo na gagawin, hahaha” pahayag ni Angela sa kanilang group chat “Ano ang kailangan ng aming kaibigan? Long time no paramdam ah?” saad naman ni Beatrice sa kaibigang si Sydney “Yes meron akong ipagagawa sa inyo, you know me well naman right? Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha yung karapat dapat,” tugon naman ni Sydney sa mga kaibigan “Wow naman, palaban si Ate girl, so ano yun?” tanong naman ni Dorothy sa kaibigang si Sydney “You know Stephanie Mendez? Bullyhin niyo siya until mapagod siya,” utos ni Sydney sa mga kaibigan niya “Yes I know her! Palagi niyang kasama ang first love mo na si Daniel Carter,” pahayag naman ni Angela sa kaibigan, “Kaya nga gusto ko siyang bigyan ng leksyon,” saad naman ni Sydney “Wait, bakit hindi ikaw ang gumawa??” tanong naman ni Beatrice “Girl, pinabalik ako sa States ng dad ko after what happen, lalo na noong kumalat ang video sa social media,” saad naman muli ni Sydney sa mga kaibigan, “Ang lala mo that time, kinalaban mo pinsan pala ni Daniel at isa rin palang Carter, wrong move girl,” pahayag naman din ni Dalia “Ang tanga tanga mo doon sis Hahahhaa!” saad naman ni Beatrice, “I know I know, kaya nga tulungan niyo ako na tapusin ang pag-katao ni Stephanie mendez sa school para hindi mapa-sakaniya si Daniel, I’m soooo so mad ate her,” pahayag ni Sydney sa mga kaibigan, “Okay fine, ang kapalit pag-balik mo ah, walang atrasan,” saad naman ni Beatrice “Oo na,” tugon naman agad ni Sydney sa mga ito Sa haba ng kanilang pag-uusap ay biglang may kumatok sa kwarto ni Sydney at bigla rin naming nagulat ito, “Apo? Kumain kana, man-lalamig ang pag-kain mo,” pahayag ng kaniyang lola sa kaniya “Opo la, baba na lang po ako diyan,” tugon naman agad ni Sydney sa kaniyang lola Nang marinig ng lola niya ang kaniyang pag-sagot ay nag-tungo na ito sa kaniyang kwarto para pag-pahingahin at alagaan ang kaniyang asawa. Sa Pilipinas naman, kararating lang nina Daniel sa paaralan kasama sina Stephanie, Chloe at Joshua. Habang nag-lalakad sila sa hallway ay nakaramdam ng kakaiba si Joshua. “Guys, guys! Ihing-ihi na ako, saglit lang ah, pasok lang ako sa CR,” “Oo na, bilisan mo ah,” tugon naman ni Chloe Nang makapasok si Joshua sa CR ay pumasok rin si Daniel. Hindi mag-kalayo ang banyo ng babae sa banyo ng mga lalaki, habang nasa loob sina Daniel at Joshua ng CR ay biglang may lumapit kayna Stephanie at Chloe. At yun ay ang grupo nina Beatrice na isa rin sa kilala sa kanilang University. Napansin ni Beatrice sina Stephanie kaya’t naisipan nitong lapitan ang mga iyon, “Oh, so you are Stephanie? Stephanie Mendez right?” pahayag ni Beatrice Sumama ang tingin ni Chloe sa grupong iyon, at nang hindi makasagot si Stephanie ay bigla itong sumingit, “Oh? Bakit? Anong problema niyo sa kaibigan ko?” tanong naman agad ni Chloe sa grupo nina Beatrice “Nothing, nothing, nabalitaan ko lang na isa rin tong patay na patay kay Daniel Carter, at bakit nga pala hindi mo siya kasama? Pinagpalit kana ba niya? Aww,” pahayag muli ni Beatrice kay Stephanie “Aba! At hindi mo titigilan ang kaibigan ko ah!” sigaw ni Chloe kay Beatrice Tinaas ni Beatrice ang kaniyang kamay at binalak na sampalin si Stephanie, ngunit hindi ito natuloy nang hinawakan ni Daniel ang braso ni Beatrice. “Bakit mo siya sasampalin? And who are you? Do I know you?” tanong ni Daniel kay Beatrice Hindi makaimik ng ayos si Beatrice ng gawin iyon sa kaniya ni Daniel, at inalis niya bigla ang pag-kakahawak ni Daniel sa kaniyang kamay. “Let’s go girls,” pag-aaya nito sa kaniyang mga kaibigan. “Wala pala sila eh, magaling lang sila sa imik,” pahayag ni Chloe sa kaibigan “Kilala mo ba sila Chloe? Stephanie?” tanong ni Joshua sa dalawang kaibigan, “Hindi,” tugon agad ni Stephanie “Kilala ko sila, para silang sina Sydney din. Nam-bubully, walang tinitigilan na tao,” pahayag naman ni Chloe sa mga kaibigan, Nag-simula na silang mag-lakad papunta sa lobby habang pinag-uusapan ang grupo nina Beatrice, “Nakakapagtaka lang ha, before naman habang sinasaktan kayo nina Sydney hindi naman sila lumalabas sa eksena. Saka lang sila lumabas noong wala na si Sydney, what the hell,” pahayag ni Daniel sa mga kasama. “Oo nga, hindi kaya inutusan sila ni Sydney para siraan pa rin tayo kahit nasa ibang bansa na siya? Maparaan talaga ang hayop na iyon ah?” saad naman ni Chloe sa mga kasama. “Hayaan niyo na siya, or kung sino man sila. Ayoko ng gulo, madami pa akong iniisip, madami pa akong pangarap, madami pa akong plano para idagdag pa sila,” tugon naman ni Stephanie sa mga kaibigan Nang nasa Lobby na sila, at nag-simula nang mag-hiwa-hiwalay ay hindi nila alam na pinag-titinginan sila nina Beatrice na nasa isang sulok. “Talagang kakaiba din yang Daniel na yan no? bakit ba patay na patay si Sydney diyan?” pag-tataka ni Beatrice sa mga kaibigan. “Masyado ng bulag si Daniel para hindi makita ang itsura ni Sydney sa itsura noong kasama niya, hahahaha!” saad naman ni Dorothy. At nag-punta na rin ang mga ito sa kani-kanilang classroom.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD