Nagising na lamang si Sydney na pababa na ang eroplano at tila ito ay balisang-balisa. Nag-taka ang ibang tao sa kaniyang paligid kung anong nangyari sa ka niya at hindi na lamang niya iyon pinansin. Habang papalabas na siya ng eroplano ay kinausap ito ng stewardess, “Miss, okay ka lang po ba?” tanong nito kay Sydney “Yes, I’m okay,” tugon naman agad nito Kaya’t hinayaan na lamang ng stewardess ang dalawa at hinayaan na lamang na umalis. Habang nag-lalakad papalabas ng airport si Sydney ay agad niyang nakita ang driver sa bahay ng kaniyang mga lolo at lola, ngunit hindi niya iyon napansin na kasama ng driver. Kaya’t agad na nilapitan nito ang driver, “Kuya? Hindi mo kasama sina lola?” tanong nito sa driver. Isang Pilipino din ang driver na iyon na tinulungan ng kaniyang lolo at lola d

