Chapter 55: Pag-ngiti

1102 Words
Nag-tungo na ang mag-kakaibigan nina Stephanie patungo sa parking lot para ihatid na silang tatlo ni Daniel pauwi sa bahay ampunan. Habang nag-mamaneho na si Daniel ay hindi maiwasang mapatingin si Stephanie rito. Napansin naman ni Chloe ang kaibigan sa sulyap na iyon na may kasabay na pag-ngiti. “Aba may pag-ngiti si Stephanie ah?” pahayag ni Chloe sa kaibigan Hindi umimik si Stephanie at ibinalik niya ang kaniyang tingin sa dinadaanan nila, hindi rin naman umimik ng sunod si Chloe ngunit habang nakatingin ito sa daad ay biglang napaisip sa kaniyang sinabi. “Ngiti?” tanong nito bigla sa sarili Tumingin ng pag-kalaki si Chloe kay Stephanie, “Ngiti!? Ngumiti ka Stephanie!” sigaw nito sa kaibigan “Huh? Ako ngumiti paano?” pag-tataka ni Stephanie sa sinabi ni Chloe “Oo Stephanie! Ngumiti ka! Kitang-kita ng mga mata ko! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko sayo kanina nang mapansin ko yun! Oh my God Steph, ngumiti kana,” saad muli ni Chloe sa kaibigan habang kinakalog. “Totoo nga Steph? Ngumiti ka nga? Patingin nga ako?” hinawakan ni Joshua ang mukha ni Stephanie Tumingin naman si Daniel sa dalawa ni Joshua at Stephanie nang mapansin ang ginawa ni Joshua. Inalis din naman agad ni Chloe ang pag-kakahawak ni Joshua sa mukha ni Stephanie, “Baliw, wag mong pilitin si Stephanie. Malay mo nag-kataon lang kasi hindi pa sanay. Hindi niya nga alam na nagawa niya yun eh,” pahayag naman ni Chloe sa kaibigang si Joshua Sumimangot si Joshua kay Chloe, “Eto naman, gusto ko lang makita eh,” pahayag nito kay Chloe “Alam niyo saka na lang, kung mauulit edi mauulit, diba?” pahayag ni Daniel sa mga kaibigan, at tumingin ito kay Stephanie at nginitian niya ito. Malapit na sila sa kanto kung saan sila baba, at nang nandoon na sila at nakababa na si Joshua at Chloe ay biglang hinawakan ni Daniel si Stephanie sa kaniyang kamay at napalingon naman agad ito kay Daniel, “Take care of yourself okay?” pahayag ni Daniel kay Stephanie “Oo, ikaw din, Salamat,” tugon naman ni Stephanie At bumaba na si Stephanie at nag-tungo sa tabi ni Chloe. “Babye Daniel! Salamat,” pag-papaalam ni Chloe kay Daniel “Ingat Bro!” ganoon din si Joshua, at bumusina naman si Daniel bago makaalis. At nang makaalis na si Daniel, habang nag-lalakad ang mga ito ay nakasalubong nito ang matrona sa gate, “Bakit hapon na kayo?” tanong nito sa mag-kakaibigan nina Stephanie “Ahm, may ginawa pa po kaming project sa school matrona,” tugon agad ni Joshua “Tinulungan po naming si Chloe para makatapos agad,” saad din naman ni Stephanie sa matrona. “Sige, mag-sipasok na kayo at ayusan niyo na ang mga bata para sa pag-hahanda sa hapunan,” pahayag muli ng matrona na si Hilda sa mga ito “Opo matrona, masusunod po,” tugon naman nila Nang pumasok na sina Stephanie, Chloe at Joshua sa loob ng bahay ampunan ay hindi nila alam ay lumingon sa kanila ang matrona. “Bilangin mo na lang ang mga araw mo dito sa mundo, hindi mo magagawa ang pag-babago ng mundo,” pabulong nito Nang nasa hagdan na ang mag-kakaibigan ay binanggit muli ni Chloe ang nakita niya sa mukha ni Stephanie na hindi niya pa nakikita noon, “Pero alam mo Stephanie, ang ganda mo pala kapag nakangiti,” pahayag nito sa kaibigan “Sana makita ko din ang maganda mong ngiti sa mukha Stephanie,” saad naman din ni Joshua sa kaibigan “Alam niyo, kahit ako gusto ko din makita, sana dumating ang araw na kapag nakaharap ako sa salamin makita ko man lang kahit isang beses,” tugon naman din ni Stephanie sa mga kaibigan. “So paano na Joshua, una na kami, aayusan pa naming ang mga bata,” pag-papaalam ni Chloe sa kaibigang si Joshua “Sige na, ako din, may mga bata pa akong aasikasuhin,” tugon naman din ni Joshua Tumaas na ang dalawang mag-kaibigan ni Stephanie at Chloe patungo sa kanilang silid, at hinintay muna ni Joshua ang dalawang mawala sa kaniyang paningin bago siya mag-tungo sa kaniyang silid. “Magandang ngiti? Makikita ko din yan Stephanie,” pabulong nito at huminga ng malalim. Hindi alam ni Joshua nang habang may binulong siya ay narinig iyon ng kaunti ni Cristina na pababa nang hagdan kung saan doon tumaas sina Stephanie at Chloe, Nag-taka ito sa narinig, “Magandang ngiti? Sino naman kaya ang hinahangaan ng batang ito at ganoon na lamang ang pag-buntong hininga,” pahayag ni Cristina sa kaniyang isip At nag-tungo ito sa matrona na nasa gate ng bahay ampunan, at nang makita niya ito, “Matrona, tara na po sa loob, hinahanap na po kayo ng ibang mga madre, kakain na daw po,” pahayag nito sa matrona na si Hilda “Sige, tara na, nakita mo ba sina Stephanie?” tugon nito kay Cristina “Opo matrona, nag-tugo na po sila kanina sa kanilang silid para ayusin ang mga bata, sinabihan ko narin po na pag-katapos noon ay mag-tungo na sa kainan para kumain ng hapunan,” saad naman muli ni Cristina kay Hilda “Mabuti naman kung ganoon,” pahayag muli ni Hilda Ilang oras na ang nakalipas noong sumakay si Sydney ng eroplano patungo sa States para doon tumigil ng matagal. Habang nasa byahe ay iniisip pa din nito ang kaganapang hindi naman niya gusto. Ilang oras na lamang ay nandoon na siya sa lugar kung saan doon ang baba niya, kaya’t natulog na lamang muna ito nang biglang may napanaginipan siya na hindi niya inaasahan. “Sabi ko naman sayo hindi kita titigilan dahil sa usapan natin eh,” pahayag ng isang babae na hindi pinapakita ang kaniyang imahe sa panaginip ni Sydney “S-sino ka? Nasaan ka?” tanong ni Sydney sa panaginip habang umiikot sya at hinahanap ang babaeng nag-sasalita At nang tumigil sa pag-ikot si Sydney ay umimik ito muli, “Nasaan ka!?” sigaw nito sa kaniyang paligid. “Nandito ako Sydney,” tugon nito, at umikot si Sydney at humarap sa kaniyang likod kung saan nandoon ang babae na nag-sasalita Nagulat ito nang makita niya ang mukha ng Matrona nina Stephanie na si Hilda “P-pano? Pano ka nandito?” takot na pag-tatanong ni Sydney kay Hilda “Paano? Hindi ba sabi ko sayo hindi kita titigilan lalo na ngayon, basta ka nalang umalis at tinakasan ang ating usapan,” pahayag ni Hilda kay Sydney Laking takot ni Sydney sa pag-kakasabi ni Hilda sa kaniyang panaginip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD