Chapter 54: Totoong nararamdaman

1122 Words
Bumalik na ang uwak na inutusan ng matrona na si Hilda at kinausap ka agad ito, “(humuni ang ibon) hindi ko po sila makita madam,” pahayag ng uwak sa matrona na si Hilda “Ano?! Nasaan sila?! Bakit hindi mo makita?!” sigaw ng matrona sa uwak “(huni muli ng uwak) Wala po talaga, pasensya na madam,” tugon nito kay Hilda Lalong natakot si Cristina noong maring niya ang sigaw ng matrona at nang pag-silip nito sa kwarto nito. Hindi niya inaakalang makakakusap ito ng isang uwak. Nanlaki ang mga mata nito nang makita iyon, at agad na umalis ngunit nadali nito ang pinto at bumukas. “Sinong nandyan?” lumingon ang matrona na si Hilda at lumapit sa pintuan, sinilip nito kung sino ang nandoon ngunit wala itong naabutan na kahit sino sa labas ng kaniyang silid. Hindi nito alam na nag-tatakbo si Cristina pabalik sa kaniyang silid, at doon ay nakahinga siya ng maluwag dahil hindi siya nahuli ng matrona. “Muntikan ka na doon Cristina, baliw ka talaga,” pahayag ni Cristina sa kaniyang sarili habang tinutuktukan ang kaniyang ulo gamit ang kaniyang kama. Bumalik na si Hilda sa loob ng kaniyang silid, at pag-tingin niya ay wala na ang uwak na kaniyang inuutusan. “Mawawala ka rin sa mundong ito Stephanie,” pahayag nito habang nakadungaw sa kaniyang bintana.   Sina Daniel, Chloe, Stephanie at Joshua ay nandodoon padin sa kompanya ng pamilyang Carter. Nang tapos na kumain ang mag-kakaibigan, at bumalik sa pag-lalapag ng mga gamit si Joshua at Chloe ay nag-iimis naman ng pinag-kainan sina Stephanie at Daniel. Binuhat ni Daniel ang isang tray ng kanilang pag-kain at balak nito na siya na lamang ang mag-balik at hindi na nag-patawag ng assistant. At ng kukunin naman niya ang isang tray na nakalagay sa isang cart ay biglang pinigilan ito ni Stephanie. “Akon a Daniel, tulungan n akita diyan,” pahayag ni Stephanie sa kaniyang kaibigan “No Stephanie, diyan ka nalang ako na. Bumalik kana sa mga ibinigay sayo,” pag-tanggi ni Daniel sa kaibigang si Stephanie “Hindi Daniel, tulungan na kita. Ang dami mong dala oh,” saad muli ni Stephanie kay Daniel at napatingin naman ang dalawa ni Joshua at Chloe sa dalawang iyon. “Okay, okay fine. May magagawa pa baa ko diba? Haha” tugon ni Daniel “Joshua, Chloe tulungan ko lang si Daniel,” pahayag ni Stephanie sa dalawang kaibigan “Tulungan n akita Stephanie?” pahayag ni Joshua sa kaibigang si Stephanie “Hindi, okay na,” tugon naman agad ni Stephanie At walang nagawa si Joshua kundi hayaan na lamang niya si Stephanie sa desisyon niya. Sabay na lumabas ang dalawa ni Daniel at Stephanie sa kwarto habang dala-dala nila ang cart at tray na puro pinag-kainan nila at dinala iyon sa kusina ng kanilang kompanya. “Ahm, lagi mo ba ito ginagawa?” tanong ni Stephanie kay Daniel “Ang alin?” tugon naman ni Daniel “Ito, dadalhin mo ang pinag-kainan mo sa kusina,” saad muli ni Stephanie kay Daniel “Nope, minsan lang. Parang nahihiya kasi ako na ganoon ang ginagawa ko sa mga assistant ko, kaya minsan parang gusto ko na ako muna ang gagalaw,” pahayag naman ni Daniel sa kaibigan “Ah..” sagot ni Stephanie Habang nag-lalakad sila at malapit na sila sa kusina ay nginitian ito ni Daniel. At nang nandoon na sila ay binuksan ni Daniel ang pinto para maipasok ni Stephanie ang cart na dala-dala nila. Nakita agad sila ni Chelsie na pag-kapasok, “Sir! Naku naku sir bakit hindi niyo nalang kami tinawag para kami na ang nag-dala niyan dito,” pahayag ni Chelsie sa kaniyang boss na si Daniel at agad na kinuha ang dala-dala nitong pinag-kainan.. “Oo nga sir, napagod pa tuloy kayo, pati si maam,” saad naman din ni Ronald “Ano ba kayo, wala naming problema doon, It’s okay,” tugon naman ni Daniel Tumingin si Daniel kay Stephanie, “So ano? Let’s go back na?” pag-aaya ni Daniel kay Stephanie. Tumango lang si Stephanie kay Daniel, at umalis na silang dalawa sa loob ng kusina. Habang papataas na ito sa hagdan ay nagkekwentuhan ang dalawa, nang biglang natakid si Stephanie at sinalo din naman agad ni Daniel. Napaupo si Daniel nang saluhin niya si Stephanie. Nakadapa si Stephanie kay Daniel at halos mag-kalapit na ang mukha ng dalawa. Unti-unting nag-lalapit ang mukha ng dalawa at hinalikan ni Daniel dahan-dahan si Stephanie sa kaniyang mapulang labi. Nang hinalikan ni Daniel si Stephanie ay hindi maintindihan ng dalaga ang kaniyang nararamdaman, kaya pumatol na lamang din ito ng halik kay Daniel. Ilang segundo ay biglang natauhan si Stephanie at agad na inalis ang kaniyang labi sa labi ni Daniel at agad na tumayo ito. At hinawakan ang kaniyang labi, “B-bakit moa ko hinalikan?” napatanong ito kay Daniel “H-hindi kita hahalikan Stephanie kung hindi kita nagugustuhan, I don’t know if you feel the same way, pero simula noong nakilala kita magaan na loob ko sayo and I don’t know why, I’m sorry if I kissed you,” tugon ni Daniel kay Stephanie Lumapit si Stephanie kay Daniel at hinawaka nito ang mukha ng binata. “Wala akong emosyon, bago pa lang nang makilala ka. Pero kapag kasama kita, hindi ko alam, sobrang kampante ako, sobrag komportable ko. Nagugustuhan na din kita Daniel,” saad naman ni Stephanie kay Daniel Nagulat si Daniel sa mga sinabi ni Stephanie at biglang niyakap nito ang dalaga ng mahigpit at masayang masaya ito. “Pwede ba kitang ligawan Stephanie?” pabulong nito kay Stephanie “Oo Daniel, pwede,” pabulong na pag-tugon ni Stephanie kay Daniel, nang bigla siyang may naisip, “Ahm, Daniel? Pwede bang wag muna natin sabihin kayna Chloe ang sa atin?” pahayag muli nito “Oo naman, alam ko at naiintindihan ko,” tugon ni Daniel kay Stephanie “Tara na, baka hinahanap na tayo ng dalawa ni Joshua at Chloe,” pahayag ni Stephanie Agad na sumangayon si Daniel kay Stephanie at hinawakan nito ang kamay ni Stephanie nang nags-simula na silang mag-lakad. Nang papalapit na sila sa kwarto ni Daniel ay bumitaw na si Stephanie sa kamay ni Daniel, “Sorry, alam mo-,” putol na pag-kakasabi ni Stephanie “Alam ko, naiintindihan ko. Wag mo ako isipin, it’s okay,” pahayag ni Daniel kay Stephanie. Pumasok sila ng kwarto at umaktong normal na mag-kaibigan ang dalawa ni Stephanie at Daniel. Walang kamalay-malay ang dalawa ni Joshua at Chloe sa kung anong nang-yari sa dalawa. Hanggang sa natapos ang pangongolekta ni Stephanie ng emosyon galing sa mga donasyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD