Chapter 53: Hindi maipaliwanag

1684 Words
Tatakbo sa tabi ni Chloe si Joshua at agad na nag-tanong “Anong sabi mo?! So ibig sabihin hindi na papasok si Sydney dito?” Sumagot din naman agad si Chloe, “Oo! Yun nga! Nagulat nga din ako, nakakalungkot pero.. masaya ako! Hahaha” “Mas ayos na iyon kaysa lagi niya tayong ginugulo diba?” saad naman muli ni Joshua sa mga kaibigan. “Siguro nalaman ng mga magulang niya ang nangyari kagabi sa party, lalo na ngayon diba kumakalat ang video. Alam niyo ba?” pahayag ni Daniel sa mga kaibigan, “Video? Patingin nga ako,” tugon naman ni Stephanie sa kaibigan. At agad na kinuha ni Daniel ang kaniyang cellphone para ipapanuod kayna Stephanie, Chloe at Joshua ang ginawa ni Sydney sa night party. Nagulat naman si Chloe at hindi nito inaakala na magagawa talaga iyon ni Sydney. “Grabe nga pala talaga ang ginawa ni Sydney no? mas Malala pa siya sa baliw,” pahayag muli ni Joshua sa mga kaibigan Hindi umimik si Stephanie dahil iniisip nito kung anong magiging reaksyon ng matrona nila na si Hilda na ngayong wala ni Sydney sa kanilang paaralan. “Nakita na kaya iyan ng matrona?” tanong ni Stephanie “Naku! Paniguradong masisira ang plano ng matrona sa atin kung malalaman niya ang kaganapang yan,” tugon ni Chloe sa kaibigang si Stephanie “It depends kung wala siyang ipapalit kay Sydney, eh mukhang maparaan pa naman ang matrona niyo,” saad naman ni Daniel sa mga kaibigan. “Tara na kaya kumain? Nauubos ang oras natin kay Sydney na yan, Hahaha!” pag-singit ni Joshua sa usapan ng mag-kakaibigan “Oo nga, tsaka intindihin na natin ang mga nakuha mong donasyon Stephanie para malaman kung anon ang possible na maramdaman mo, malay natin ito na diba?” pahayag naman ni Chloe sa kaibigang si Stephanie “Oo nga, tara na,” tugon naman agad ni Stephanie Nag-tungo na ang mag-kakaibigan sa company ng pamilyang Carter at doon na muli kumain ng tanghalian. Pag-katapos niyon ay nag-tungo na sila sa kwarto ni Daniel upang isa-isahin ang mga natanggap ni Stephanie na mga donasyon na galling sa maraming tao noong araw na sinurpresa sila ni Daniel. Sinimulan na nila ang mga iyon. Habang nag-hahanap si Cristina sa website ng pangalan ni Daniel ay nakita niya ang kumakalat ni video ni Sydney. Nagulat si Cristina dahil sa hindi inaasahan na ginawa ni Sydney. Agad nitong pinuntahan ang matrona sa kaniyang silid at kumatok, “Matrona! Matrona!” pag-tawag nito, ngunit hindi umiimik ang matrona na si Hilda dahil sa ginagamit nito ang kaniyang kapangyarihan. “Matrona!” pag-tawag muli ni Cristina at agad na napakinggan ni Hilda iyon, kaya’t itinigil muna niya ang pag-lalaro sa kaniyang kapangyarihan at binuksan nito ang kaniyang pintuan. “Ano yun? Bakit ba sigaw ka ng sigaw?” tanong agad nito kay Cristina “May nakita po akong video sa isang website, at si Sydney ang nasa video. Halos sobrang dami na ng nakapanood dahil sa sobrang kalat na video,” tugon ni Cristina dito “Nasaan? Patingin nga?” pahayag muli ni Hilda kay Cristina At agad na ipinakita ni Cristina ang video na sinasabi nito kay Hilda. Hindi makapaniwala si Hilda sa ginawa ni Sydney at dahil sa pag-alala ay inutusan nito si Cristina. “Bigyan mo ng mensahe si Sydney at itanong mo siya kung kamusta, gusto ko kamong makipag-usap sa kaniya, Ngayon na!” Utos ni Hilda kay Cristina. “Opo matrona, masusunod po,” tugon ni Cristina sa matrona. Agad nitong hinanap ang numero ni Sydney at nagbigay mensahe. Ilang minuto na ang nakalipas ay hindi pa rin nasagot si Sydney sa mensaheng ipinaabot ni Cristina na utos ni Hilda sa kaniya. “Ano? Nakausap mo na ba Cristina?” tanong ni Hilda sa kaniya “Hindi pa po matrona, hindi pa po nasagot eh,” takot na takot na pag-tugon ni Cristina ditto “Tawagan mo na, gusto ko siyang makausap. Masisira lahat ng plano ko kung hindi siya makikipag-usap sa atin, at kapag hindi mo nagawa ang ini-uutos ko sayo ay ikaw ang malalagot sa akin,” pahayag ni Hilda kay Cristina “Opo ito na po,” tugon muli ni Cristina sa matrona Agad na tinawagan ni Cristina si Sydney, hindi ito mapakali dahil sa takot sa matrona na baka kung anong gawin sa kaniya. Ilang beses niyang tinawagan si Sydney ngunit hindi pa rin sumasagot, “Sydney, sumagot ka, ayoko pa mamatay,” pabulong nito “Cristina? Ano na?” tanong muli ni Hilda “S-saglit lang po matrona,” tugon naman ni Cristina At sa pang-sampong tawag ay hindi parin tinantanan ni Cristina ang pag-tawag nito kay Sydney, ngunit sa pang-sampong iyon ay sumagot na si Sydney. “Hello? Sydney?” pahayag ni Cristina kay Sydney “Hello? Bakit?” tugon ni Sydney kay Cristina Napalingon ang matrona na si Hilda ng marinig na may kausap ni si Cristina at agad itong lumapit doon at inagaw ang telepono niya sa kaniya. “Sydney? Anong nangyari sayo? Nasaan ka? Magkita tayo,” pahayag ni Hilda kay Sydney “Matrona, hindi na tayo pwedeng magkita pa, I’m on the way to the airport,” tugon ni Sydney kay Hilda “Airport?! Aalis ka ng Pilipinas?!” sigaw ni Hilda kay Sydney “Oo, bakit anong kailangan mo ba?” tanong ni Sydney kay Hilda “Hindi ka pwedeng umalis! Paano na ang plano mo, ang plano ko?! Sisirain mo lahat!” tugon ni Hilda kay Sydney “Pansamantalang alis lang ito, Hindi pa ako tapos sa alaga mo” saad ni Sydney kay Hilda Pinatayan ni Sydney si Hilda at agad na ibinigay ni Hilda ang telepono kay Cristina na halos ibarog na. “AHHHHH! Hindi ko akalain na magagawa iyon sa akin ni Sydney! Sira ang plano ko! Kailangan ko gumawa ng ibang paraan!” sigaw ni Hilda Takot na takot si Sydney sa sigaw na ginagawa ng kaniyang matrona na si Hilda, “M-matrona..” pahayag ni Cristina “Ano!? Lumabas ka!” sigaw ni Hilda kay Cristina Nang lumabas si Cristina habang takot na takot ay sinarhan ni Hilda ang kaniyang pintuan gamit ang kaniyang malakas na kapangyarihan. Ginulo niya ang kaniyang silid dahil sa galit. Tinawag niya ang kaniyang uwak sa bintana gamit ang kaniyang pag-sipol at inutusan ito na hanapin sina Stephanie. At agad na umalis ang uwak sa kaniyang bintana. Isang oras na ang nakalipas ay hindi pa rin tapos sina Stephanie sa pag-tanggap ng mga emosyon galing sa mga donsayon na binigay ng mga tao. Lumapit kay Stephanie si Joshua, “Ano Stephanie? Okay ka pa ba? May gusto ka bang inumin?” pag-kamusta nito sa kaibigan “Okay lang ako Joshua, wag na,” tugon naman agad ni Stephanie sa kaniya. Nakatingin si Chloe nang ginawa iyon ni Joshua kay Stephanie, at nang makita din ni Daniel ang pakikitungo ni Joshua kay Stephanie ay lumapit ito kay Chloe at itinulak habang bit-bit nito ang isang kahon para ilagay sa tabihan ni Stephanie. “Huy, ang layo ng tingin natin ah? Baka matunaw,” pabiro ni Daniel sa kaibigang si Chloe “Baliw, ano ka ba,” tugon ni Chloe sa kaibigan “Selos ka no? hayaan mo, kung hind siya ang para sayo may iba pa naming lalaki diyan na pwede mong mahalin,” pahayag ni Daniel sa kaibigan “Dami mong alam Daniel, okay lang ako ano ba,” tugon muli ni Chloe sa kaibigan “Alam ko na, ice cream na lang tayo,” pahayag muli ni Daniel sa kaibigan. “Wait lang ah,” Dinala ni Daniel ang kahon na bit-bit niya sa tabi ni Stephanie at ibinaba at agad na nag-tungo sa telepono upang mag-padala ng miryenda para sa kaniyang mga kaibigan. At nang pabalik na ito sa kaniyang pwesto sa tabi ni Stephanie ay binulungan ni Daniel si Chloe, “Wag ka ng malungkot, nag-padala na ako ng ice-cream, haha” at agad na ngumiti na si Chloe nang marinig iyon. Nang umupo si Daniel sa tabi ni Stephanie, ay nag-iisa-isa agad ito ng gamit na nasa kahon para ilagay sa harapan ni Stephanie at hindi na mahirapan. Ngunit nang maibaba ni Daniel ang isang gamit sa harap ni Stephanie ay aksidenteng umabot ito ng gamit ngunit ang nahawakan niya ay kamay ni Daniel. Nag-katinginan ang dalawa ni Stephanie at Daniel at nang mangyari yun ay nasaksihan iyon ni Joshua kaya’t labis na nasaktan ito. Naisipan ni Joshua na magpa-alam, “Guys, CR lang ako,” pahayag nito at agad na tumayo sa kinauupuan. Nagulat si Daniel at Stephanie sa kaganapan, “I’m sorry, hindi ko sinasadya. Akala ko kasi gamit,” pahayag agad ni Stephanie sa kaibigang si Daniel “No! No, it’s okay,” tugon naman agad ni Daniel kay Stephanie Napangiti si Chloe sa nangyari sa dalawa ni Daniel at Stephanie, ngunit nasaktan rin ito para kay Joshua dahil kitang-kita sa mukha nito ang sakit nang makita ang kaganapang iyon. Biglang may nag-doorbell sa kwarto ni Daniel, kaya’t tumayo si Daniel upang buksan ang pintuan nito. “Good Afternoon sir, ito na po ang pag-kain niyo,” pahayag ni Chelsie sa kaniyang boss. “Hi boss!” masayang pag-bati ni Ronald sa kaniyang boss na si Daniel “Hello Ronald,” tugon naman agad ni Daniel, “Salamat Chelsie,” saad naman din nito kay Chelsie Ipinasok ni Daniel ang cart na may mga pag-kain at inilagay sa kanilang harapan, “Guys, let’s eat muna. Mamaya na ulit yan, mahaba pa naman ang time natin,” pag-iimbita nito sa kaniyang mga kaibigan “Tara tara,” tugon naman agad ni Joshua nang makalabas ng banyo Kinuha ni Daniel ang Ice cream at ini-abot nito kay Chloe, “Oh, haha” “Salamat Daniel,” tugon naman ni Chloe Hindi maintindihan ni Stephanie ang kaniyang nararamdaman noong nakita niyang inabutan ni Daniel ng pag-kain si Chloe, at napansin ni Joshua ang pag-tingin nito sa dalawa na tila hindi ito masaya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD