Chapter 52: Kahihiyan

1633 Words
Nakalipas ang gabing iyon, panibagong umaga na naman sa paaralan. Habang nag-lalakad sina Stephanie, Chloe at Joshua patungo sa lobby ay biglang binanggit ni Chloe si Daniel. “Feeling ko late nagising si Daniel, tingnan niyo kung anong oras na,” pahayag nito “Yie, eto may gusto kay Daniel, palaging hinahanap,” saad naman ni Joshua “Hoy! Wag ka nga diyan Joshua, wala akong gusto kay Daneil noh, sadyang close lang kami,” tugon naman ni Chloe “Oo nga eh, feeling ko din tinanghali yun kasi diba gabi yung party, for sure nag-puyat yun,” pahayag naman ni Stephanie sa mga kaibigan, Maya-maya ay biglang dumating si Daniel na tila antok pa, “Good morning guys, I’m sorry na-late ako, puyat eh,” pag-bati nito sa mga kaibigan, “Oh bro, kamusta na kagabi? Madami bang chix?” tanong agad ni Joshua kay Daniel “Ano ba yang tanong mo Joshua, ayus-ayusin mo naman. Agang-aga puro kalandian ka kaagad. Hindi naman ganoon si Daniel na katulad mo,” saad naman ni Chloe sa kaibigang si Joshua “Ano ba, hahaha! Mag-aaway pa ba kayo? Hindi okay last night, akalain niyo sa party ng pinsan ko gumawa ng eskandalo si Sydney. Hindi man lang siya nahiya,” pahayag naman ni Joshua sa mga kaibigan, “What? Seryoso Daniel? Wala talaga nilulugar si Sydney eh no,” saad ni Chloe ng malaman ang sinabi ni Daniel “Bakit? Anong ginawa niya doon?” tanong naman agad ni Stephanie kay Daniel “Pinagselosan ang kasama kong babae kagabi,” tugon naman ni Daniel Hindi nakaimik si Stephanie ng magulat sa sinabi ni Daniel na tila biglang nag-iba ang kaniyang naramdaman. Napatingin naman si Chloe sa kaibigang si Stephanie at napansin ang pag-babago ng mukha na iyon, kaya’t tinanong niya muli si Daniel. “Sino bang babae na kasama mo kagabi at nagging skandalosa si Sydney?” tanong ni Chloe “Pinsan ko din, ate nina Stacy. Pinakamatanda kanilang mag-kakapatid, kaya nga napahiya si Sydney last night eh noong nag-pakilala mismo sa kaniyang harapan ang pinsan ko. Ayun, She walk’s out,” kwento muli ni Daniel sa mga kaibigan, “Ang laking kahihiyan ang ginawa ni Sydney kagabi ah, siguro nagandahan siya sa pinsan na kasama mo,” saad naman ni Chloe “Panigurado! Kasi hindi naman sya mageeskandalo kung hindi maganda ang pinsan mo,” pahayag naman ni Joshua sa kaibigan. Maya-maya pa lang, ang biglang dumating si Sydney. Habang nag-lalakad ito sa hallway ay pinag-titinginan ito ng mga estudyante at pinag-uusapan. Hindi maipinta ang mukha nito sa sobrang kahihiyan. Kaya nang Makita ni Sydney si Daniel at nag-katinginan silang dalawa ay agad na tumakbo si Sydney patungo sa C.R kung saan doon siya nag-tago. “Hala siya, tumakbo,” pahayag ni Chloe sa mga kaibigan, “Oo nga, paniguradong napahiya nga yun,” saad naman ni Joshua “Alam niyo, hayaan niyo na. Wag na lang natin siyang pansinin, tara na pumunta sa ating mga classroom kasi baka ma-late tayo,” pahayag ni Stephanie sa mga kaibigan, “Daniel? Ikaw? May assignment ka ba?” tanong ni Stephanie kay Daniel Nagulat si Daniel sa tanong ni Stephanie, “Hala! I forgot Steph,” dali-dali itong tumingin sa kaniyang bag, at muling tumingin kay Stephanie, “Joke lang! Of course meron ako,” pahabol nap ag-kakasabi nito sa kaibigan. Nasapak ni Chloe si Daniel sa birong ginawa nito kay Stephanie, “Baliw,” pag-kakasabi ni Chloe sa kaibigan, “Sia, sia tara na, Bye Chloe! Joshua!” pahayag ni Daniel sa mga kaibigan, “Sige, mamaya na lang ulit,” saad naman ni Joshua sa mga kaibigan. Nag-tungo ang mag-kakaibigan nina Stephanie sa kani-kanilag classroom. Ngunit si Sydney ay nakakulong pa rin sa CR kung saan doon siya umiiyak. Habang nasa CR ito at nakakulong ay biglang may pumasok na tatlong estudyante, at pinag-uusapan si Sydney. “Alam niyo ba yung babae na babago lang dito sa University? Sa party, gumawa ng eskandalo,” pahayag ng isang babae “Oo nga, I’ve seen it sa social media naka-video. Hindi man lang nahiya,” saad naman ng isang babae. “Patay na patay kasi masyado doon sa guy, tapos pinagselosan yung girl na kasama. Yun pala, pinsan pala ang kasama, masyado kasing patay malisya, Hahahaha,” saad naman ng isa. Habang nag-uusap ang mag-kakaibigan na pumasok sa CR ay pinapakinggan ni Sydney iyon kaya’t lalong humagulhol sa iyak si Sydney nang makalabas na ang mga iyon. Agad na kinuha nito ang kaniyang cellphone at nag-bigay mensahe sa kaniyang driver, “Manong, pick me up here sa school. Gusto ko na umuwi, I’m not feeling well,” text ni Sydney sa kanilang driver Agad naming nag-reply ang kaniyang driver, dahil hindi pa rin ito nakakalayo at mabilis na bumalik sa paaralan nina Sydey. “Malapit na po ako maam,” tugon nito “Sa parking lot na lang tayo mag-kita manong,” pahayag muli ni Sydney sa kaniyang driver. Nabasa agad iyon ng kaniyang driver at nag-tungo na lamang sa sinabing lugar ng kaniyang boss na si Sydney. Tatakbong nag-tungo si Sydney sa parking lot kung saan doon niya tatagpuin ang kaniyang driver, habang natakbo ito ay pinag-titiginan pa rin ito ng mga estudyante na nasa paligid niya. Pinipigilan niya ang kaniyang pag-iyak habang natakbo at binabalewala na lamang niya ang nalalag-pasan niyang estudyante. Biglang dumating naman agad ang kaniyang driver at tumigil sa harapan niya nang Makita si Sydney at pinasakay. “Maam pasaan po tayo? Okay lang po ba kayo?” tanong ng driver sa kaniya “Sa bahay na lang manong, okay lang ako,” tugon agad ni Sydney sa kanilang driver. Habang nasa byahe na ito ay tumutulo parin ang kaniyang luha galling sa kaniyang mga mata, at naguguluhan na sa kaniyang sitwasyon. Nag-iisip ito ng paraan para mawala ang kumakalat na video sa social media. Mabilis na nakarating si Sydney sa kanilang bahay, at nakaabang ang kaniyang ina na si Mrs. Jackson. “Anak, bakit ang aga mo at? Mukhang hindi ka na pumasok ah,” tanong agad ni Mrs. Jackson sa kaniya, Papaakyat pa lamang si Sydney sa hagdan pataas sa kaniyang kwarto ay nakaabang na ang kaniyang ama, “May usapan tayo Sydney, ano na naming ginawa mo? Wala ka bang kahihiyan sa ginawa mo? Baka hindi mo alam, pamilya iyon ng boss ko,” pahayag ni Mr. Jackson sa kaniyang anak na si Sydney “Hon, hayaan mo muna si Sydney na makapag-pahinga,” saad naman ni Mrs. Jackson sa kaniyang asawa. “No hon, dapat ngayon na naming pag-uusapan! Ang hirap kasi sayo, lagi mong hinahayaan ang mga bagay na dapat ayusin,” tugon ni Mr. Jackson sa sinabi ng kaniyang asawa. “Dad, hindi ko naman sinasadya eh,” saad naman ni Sydney sa kaniyang ama “Hindi sinasadya? Kay pala ganoon ka kalala last night, ni hindi ka makausap, binuhat pa kita sa kwarto mo, tapos sasabihin mo ngayon hindi mo sinasadya? Nakita ko yung video, sobrang lasing ka! Ganiyan ba kita pinalaki? Ang mag-pakawild? Ang mag-pakalasing Sydney!?” pahayag ni Mr. Jackson sa kaniyang anak “Hon, tama na,” saad naman muli ni Mrs. Jackson “No! you shut up!” sigaw ni Mr. Jackson sa kaniyang asawa ng hindi na niya mapigilang duruin ito. “You promise me Sydney na hindi ka na gagawa ng mali, hindi ka na gagawa ng kalokohan pero sinira mo lang yun! You know what? This time, kailangan na talaga kitang ipadala sa US, para mag-tino ka! Now go to your room and fix your things, Go! Now!” sigaw nito sa kaniyang anak Agad na nag-tungo si Sydney sa kaniyang kwarto at agad na kinuha ang maleta sa kaniyang cabinet para mag-impake ng kaniyang mga gamit. “Hon, h-hindi pwede. Sinong kasama ng anak mo papunta doon? Sinong mag-aalaga? Sinong mag-iintindi?” saad naman agad ni Mrs. Jackson sa kaniyang asawa. “Hon, Malaki na si Sydney. Alam na niyang ang tama at mali, hindi nay an bata para ipag-luto, sa edad kong ito noon kaya ko na mag-trabaho para sa mga magulang ko. Yung ginagawa niya ngayon? Hindi siya mag-kakaganiyan kung hindi mo sinanay! Pinabayaan mo! Ngayon wala ka ng magagawa sa desisyon ko, para ito sa ikakabuti ng anak natin, and this time? Ako naman ang masusunod!” pahayag ni Mr. Jackson sa kaniyang asawa. Iniwan ni Mr. Jackson ang kaniyang asawa sa hagdan, at nag-tungo ito sa kaniyang kwarto para ayusin ang plane ticket ni Sydney. Hindi naman napigilang umiyak ni Mrs. Jackson sam ga sinabi sa kaniya ng kaniyang asawa, kaya’t nag-tungo na lang din ito sa kaniyang kwarto. Nang tapos na ang klase nina Daniel at Stephanie ay agad na lumabas ito ng kanilang classroom at nag-tungo agad sa classroom nina Chloe at Joshua na mag-katabi lamang. Habang nag-lalakad ang mga ito ay nakita ng dalawa na si Gabriella at Sofia lang ang mag-kasama at wala si Sydney sa kanila. Napatigil naman si Stephanie nang makita iyon, “Wait, parang wala si Sydney? Bakit kaya hindi nila kasama?” pag-tataka ni Stephanie habang kasama si Daniel “Oo nga no, siguro hindi na pumasok,” tugon naman ni Daniel sa kaibigan, “Siguro nga,” saad naman muli ni Stephanie At nag-tuloy na sa kanilang pag-lalakad ang dalawa, at nang nandoon na sila sa lobby ay biglang tumakbo pababa si Chloe at iniwan na nito si Joshua. “Huy! Huy! Di ba kaklase ko si Sofia?! Narinig ko sa usapan nila, nag-chat daw sa GC nila na hindi na daw papasok si Sydney,” pahayag ni Chloe sa mga kaibigan Nagulat naman ang dalawa ni Stephanie at Daniel ganoon din Joshua habang papalapit sa kayna Chloe.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD