Chapter 51: Maling Akala

1725 Words
Alas dyes na ng gabi ay marami ng nagpupuntahan sa ganap ni Stacty na pinsan ni Daniel. Naunang dumating sina Sydney kasama sina Gabriella at Sofia at magagara ang mga kasuotan nito kaya’t madami nang-titinginan sa kanila noong pag-kababa pa lamang ng sasakyan. Pumasok na sa loob ng resort sina Sydney kasama ang mga kaibigan nito, at pag-kapasok na pag-kapasok pa lamang ay tila may hinahanap na si Sydney, at napansin naman agad iyon ni Sofia. “Sydney? Kanina ka pa pa paikot-ikot diyan, sino ba hinahanap mo? Si Daniel?” pahayag ni Sofia sa kaibigang si Sydney “As usual, sino pa nga ba? Si Daniel lang naman lagi ang hinahanap niyan,” saad naman agad ni Gabriella “You know what, mas maganda na mauna ako no kaysa iba ang mauna sa akin na lapitan si Daniel,” tugon naman ni Sydney sa mga kaibigan na kasama. “The question is, kapag nilapitan mo ba siya, sasama ba sya sayo anywhere?” saad naman muli ni Sofia sa kaibigan.” “Alam mo Sofia, kung wala kang magandang sasabihin just shut up, okay? Panira ka ng mood,” tugon naman muli ni Sydney sa kaibigang si Sofia. At hindi na nakaimik si Sofia at Gabriella sa mga sinabi ni Sydney at hinayaan na lamang ng mga ito na hanapin ni Sydney si Daniel. Nang biglang nag-iiritan ang mga babae sa paligid na tila ba parang may dumating sa resort na artista. Agad naming napatayo muli si Sydney at tiningnan kung sino ang pinag-kakaguluhan ng mga ito, laking gulat naman niya sa nakita. “Daniel?!” sigaw ni Sydney at agad na pumunta sa entrance ng resort. Iniwan ni Sydney ang dalawa ni Sofia at Gabriella sa sobrang atat nitong makita si Daniel at malapitan. At nang nasa harap na niya ay laking gulat niya sa kaniyang nakita, “S-sino ka?” tanong ni Sydney sa isip nito May kasama si Daniel na isang babae na tila may itsura at hindi pamilyar sa mga mata ni Sydney. Kaya’t napag-isipan nito na bumalik na lamang kayna Sofia at Gabriella at habang papabalik ito ay galit nag alit ang mukha nito. Nang makita siya agad ni Sofia ay agad na nilapitan ito ng kaibigan, “Oh? Anong nangyari sa mukha mo?” tanong ng kaibigan kay Sydney Napatingin naman si Gabriella kay Daniel at nalaman na nito kung bakit nag-kaganoon si Sydney, “Alam ko na, si Daniel may kasamang babae, do you know her?” pahayag naman ni Gabriella kay Sydney “No, hindi ko pa siya nakikita ever,” tugon ni Sydney kay Gabriella “Ikaw Sofia? Familiar ba siya sayo?” tanong muli ni Gabriella sa kaibigang si Sofia “Hmm, no. Ni hindi ko siya nakikita kahit saan or sa school,” tugon naman agad ni Sofia sa kaibigang si Gabriella “Ow –ow, hindi ko inaakalang may kasama tonight si Daniel. Unknown girl pa ha.” Pahayag naman ni Gabriella sa mga kaibigan. Hindi nakaimik si Sydney sa mag sinabi ni Gabriella at tila naiinis ito lalo. “Dami mo kaagaw girl,” pahayag ni Sofia sa kaibigang si Sydney “As if hahayaan kong may makakuha kay Daniel, you know me Sofia,” saad naman agad ni Sydney sa kaibigan Sa kalagitnaan ng party ay medyo lasing na si Sydney at dahil sa sobrang kalasingan ay wala ng magawa sina Gabriella at Sofia sa ikinikilos nito. “Party party!” sigaw ni Sydney habang nag-sasasayaw sa gitna. “Siz, lasing ka na, tama na yan,” pag-aalala ni Sofia sa kaibigang si Sydney “Alam mo Sofia, kung ako sayo hilahin na natin yan sa upuan. Sobrang lasing na oh,” pahayag naman ni Gabriella Sinubukan ni Gabriella at ni Sofia na hilahin si Sydney sa kanilang upuan para paupuin si Sydney dahil sa sobrang kalasingan. Natatakot ang mga ito na baka kung anong gawin ng kaibigan, lalo na’t dayo lamang sila sa isang party na pinsan ni Daniel. Ngunit hindi sumama si Sydney, pinilit nitong hanapin si Daniel ganoon din ang babaeng kasama nito. “Sydney! Pasaan ka?!” sigaw ni Sofia sa kaibigang si Sydney at sabay nilang sinundan ni Gabriella ito Laking gulat ng dalawa na makita nilang nakaharap na si Sydney kayna Daniel at sa kasama nitong babae na hindi nila kilala. Agad na hinawakan ni Sofia at Gabriella ang braso nito, ngunit hindi nag-paawat si Sydney. Kumuha ito ng isang basong wine at ibinuhos nito sa babaeng kasama ni Daniel. “What the?!” sigaw ng babaeng kasama ni Daniel “Fvck Sydney! Anong ginagawa mo?!” sigaw naman din ni Daniel kay Sydney Nag-tinginan ang mga tao sa mga ito, “What? What are you going to do? Palalayasin mo ba ako dito? And whose that girl? Is she your girlfriend?!” sigaw ni Sydney kay Daniel “What the hell are you talking about Sydney?! And who cares if I’m with someone?! Girlfriend ba kita?!” Sigaw muli ni Daniel kay Sydney “No! pero kailangan kong malaman!” sigaw muli ni Sydney kay Daniel “Siz, tama na, ang dami na nagtitinginan oh,” pabulong ni Sofia kay Sydney “No Sofia! Lalo na’t hindi ko nakikila ang babaeng hampas lupa na ito!” tugon ni Sydney kay Sofia na papasigaw. Agad na lumapit sa harapan ni Sydney ang babaeng kasama ni Daniel, “Kilala mo ba ako kung sino ako miss?” “No! kaya kailangan ko ngang malaman kung sino ka!” tugon naman papasigaw ni Sydney “Ate ako ni Stacy na inaattendan na party mo! Ngayong alam mo na! anong gagawin mo! Yes! Pinsan ko si Daniel Carter! I’m Casey Carter!” pag-papakilala ni Casey kay Sydney Napatahimik si Sydney at mangiyak-ngiyak siya nang malaman niya ang taong nasa sa harapan niya. Halos gumuho ang mundo niya noong napahiya siya sa maraming tao, “I-I’m sorry,” putol na pag-kakasabi ni Sydney kay Casey “Wag kang mag-sorry!  Lumayas kana dito and bring your friends with you! Hindi kayo karapat-rapat na pumunta dito, pinairal mo ‘yang katangahan mo! Now leave!” sigaw muli ni Casey kay Sydney “Tara na Sydney,” pag-aaya muli ni Sofia kay Sydney Hinila ni Sofia si Sydney papalabas ng resort, “I’m sorry,” pahayag naman ni Gabriella sa pinsan ni Daniel na si Casey, “Pag-sabihan mo yang kaibigan niyo ah,” saad naman muli ni Casey kay Gabriella Lumabas na din si Gabriella at nag-tungo agad sa mga kasama nito, “Now Sydney, masaya ka na? na napahiya na naman tayo dahil sa ginawa mo? Hindi mo kami binigyan ng kahihiyan,” pahayag ni Gabriella kay Sydney “I’m sorry,” pahayag ni Sydney “Sorry? Yun nalang palagi?” tanong ni Gabriella kay Sydney “Guys, tama na. ikaw Gabriella, alam mo naming lasing na lasing si Sydney, sa tingin mo mapipigilan niya yun?” saad naman ni Sofia sa kaibigan, “At kay Sydney ka pa talaga kumakampi no at ako ang mali? Eh di mag-sama kayo niyan, hindi nako sasama sa inyo kahit kalian. Maging mag-isa na lang ako atleast okay pa ako, kaysa naman kasama ko kayo na puro gulo na lang ang pinapasok ko,” pahayag naman ni Gabriella sa mga ito at agad na umalis at nag-tungo sa kaniyang sasakyan “Gabriella,” pag-tawag ni Sofia ngunit hindi na lumingon ang kaibigan “Ano na Sydney? Paano na tayo uuwi niyan? Tawagan mo driver niyo, mag-pasundo na tayo,” pahayag ni Sofia kay Sydney Inabot ni Sydney ang kaniyang cellphone at tinawagan ang kanilang driver para sunduin silang dalawa. Agad naming sumagot ang driver at nag-tungo na agad sa resort kung daan nandoon sila. Nang maihatid ni Sofia sa kanilang bahay ng driver nina Sydney, ay kinausap niya ito ng maayos, “Kuya, bukas kapag okay na si Sydney sabihin mo ayoko na,” “Okay po maam, salamat po sa pag-intindi kay Sydney,” tugon naman agad ng driver nina Sydney kay Sofia Matapos niyon ay agad na ring umalis ang sasakyan nina Sydney sa harap ng bahay nina Sofia at umuwi na. Nang makarating ang mga ito sa bahay ay hindi alam ni Sydney na nakaabang sa pintuan ang kaniyang ama at ina, “Si Sydney manong?” tanong agad ng ama nito sa driver “Nasa likod sir, lasing na lasing nakatulog na po,” tugon naman agad ng driver Agad na nag-tungo ang ama ni Sydney sa likod at binuhat si Sydney patungo sa kaniyang kwarto. “Sydney ano bang ginawa mo at lasing na lasing ka,” pag-aalala ni Mrs. Jackson sa kaniyang anak. Nang mai-higa si Sydney ay agad na inalisan ng sapatos at binihisan ito ng damit ng kaniyang ina, at nang matapos iyon at lumabas si Mrs. Jackson sa kwarto ni Sydney at kinausap ito ng kaniyang asawa. “Hon, ano ba yan, ano ba ang nangyayari diyan kay Sydney. Bakit ganiyan yan ng lumaki?” pahayag ni Mr. Jackson sa kaniyang asawa. “Hon, hindi natin masisisi ang bata kung ganiyan,” tugon naman ni Mrs. Jackson “Yan, yan ang hirap sayo hon. Hahayaan mo na lang lagi na ganiyan ang anak natin porke ganito ang buhay natin? Baka hindi niya alam na nag-kakandahirap hirap ako makaahon lang sa buhay, tapos ganito ang isusukli niya sa akin?” saad naman muli ni Mr. Jackson Agad nahinawakan ni Mrs. Jackson ang asawa sa kaniyang braso, “Hon, bukas na lang natin pag-usapan yan. Mag-pahinga na tayo, bukas nalang din natin kausapin si Sydney sa nangyari sa kaniya ngayon,” pahayag naman ni Mrs. Jackson sa kaniyang asawa. Agad na inalis ni Mr.Jackson ang braso niya sap ag-kakahawak ng asawa, “Walang bukas-bukas, kapag hindi mo inayos ang pag-uugali ng anak natin at ayaw niyang bumalik ng US? Ako ang pupunta doon, bahala kayo sa buhay niyo, hindi niyo naiisip ang hirap ko, puro saya niyo lang ang iniisip niyo,” tugon ni Mr. Jackson sa kaniyang asawa Agad na nag-tungo si Mr. Jackson sa kaniyang opisina at iniwan ang kaniyang asawa sa harapan ng kwarto ni Sydney. Habang si Mrs. Jackson naman ay hindi alam ang unang gagawin dahil sa sitwasyon na maron sila ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD