Chapter 50: Invitation

1736 Words
Habang nakain ng umagahan sina Daniel at ang kaniyang ina na si Mrs. Carter ay biglang tinanong ito ng kaniyang anak. “Mom? Bakit special ang tawag mo sa akin? Ahm, napansin ko lang din kasi palagi,” Hindi agad nakasagot si Mrs. Carter sa itinanong sa kaniya ng kaniyang anak nang biglang bumaba ang kaniyang ama at pumunta sa kanila, “Good morning anak, Hon, aga niyo ata,” pag-bati ni Mr. Carter sa mag-ina. Napatayo si Daniel at hindi na nag-tuloy sa pag-kain, “Ahm, Mom una na ako. Baka hinihintay na din ako nina Stephanie,” pag-papaalam ni Daniel sa kaniyang ina. “Anak, hindi ka pa tapos kumain,” saad naman muli ni Mrs. Carter. “Okay lang mom, sa school na lang ako kakain,” tugon naman ni Daniel. Dere-deretsong lumabas ng bahay si Daniel at nag-tungo sa kaniyang sasakyan. “Hay nako hon, yung anak mo sabihan mo. At tsaka ano yung pinag-uusapan niyo kanina? Yun ba yung sakit niya before? Bakit hindi mo sinagot ang tanong niya?” saad ni Mr. Carter sa kaniyang asawa. “Hon, hindi pa ito yung oras, hindi pa ako handa na mag-karoon ng sama ng loob sa akin ang anak mo,” tugon naman ni Mrs. Carter Naupo si Mr. Carter at nag-simulang kumain, “At bakit naman sasama ang loob ng bata sa iyo? Sasabihin mo lang naman ang tungkol sa kaniya dati ah?” pag-tataka ni Mr. Carter “Basta hon,” saad ni Mrs. Carter Hindi na tinanong muli ni Mr. Carter ang kaniyang asawa at nag-tuloy na lang sa kaniyang pag-kain ng umagahan, ganoon din ang kaniyang asawa. Ngunit iniisip parin niya ang itinanong sa kaniya ng kaniyang anak. Byahe na si Daniel at nakita niyang nag-lalakad na ang kaniyang mga kaibigan sa tabing kalsada, kaya’t binusinahan agad niya ito sina Stephanie at agad namang lumingon ang mag-kakaibigan. “Yan na pala si Carter,” pahayag ni Joshua Binaba ni Daniel ang bintana ng kaniyang sasakyan, “Sakay na po kayo,” pahayag nito sa kaniyang mga kaibigan, “Good morning po,” pag-bati ni Chloe kay Daniel, at isa-isa ng sumakay ng kotse nito. Nang nag-simula ng mag-maneho si Daniel patungo sa paaralan ay umimik muli ito, “Pasensya na ah, medyo na late, nag-lakad tuloy kayo,” pahayag nito sa mga kaibigan, “Bro, oks na oks lang. Nahihiya na nga kami sayo kasi lagi mo kaming dinadaanan eh pwede naman kaming mag-lakad na lang,”  tugon naman ni Joshua sa kaibigan, Napatingin si Chloe ng sumagot si Joshua sa sinabi ni Daniel, “Sus, akala mo naman totoo ang kaniyang mag sinabi, wag nga kami ni Joshua,” saad naman ni Chloe “Oh, baka naman agang-aga na naman mag-aaway na naman kayong dalawa ha?” pahayag naman ni Stephanie sa dalawa ni Joshua at Chloe “Hindi po maam,” tugon naman ni Joshua Hindi na lang umimik si Daniel at nag-tuloy nalang na mag-maneho ng kaniyang sasakyan, at napansin naman iyon ni Chloe na tahimik ang kaibigan. “Daniel? Ang tahimik ata natin? Ano iniisip mo?” tanong ni Chloe sa kaibigan “Ah wala wala,” tugon naman agad ni Daniel Napatingin naman si Stephanie kay Daniel, “Ano nga?” tanong naman nito Natakot si Daniel ng bigla siyang tinanong ni Stephanie kaya’t agad na sumagod ito, “Wala, iniisip ko lang yung sa bahay. Tinanong ko kasi si mom kung bakit palaging special ang tawag niya sa akin, hindi naman ako abnormal, Hahahhaa,” tugon ni Daniel “Baliw, baka may dahil mahal ka lang noon ng sobra, kaya sobrang spesyal,” saad naman ni Chloe sa kaibigang si Joshua “Eh ikaw Stephanie? Bakit ang tahimik mo?” tanong naman ni Joshua “Ako? Hindi ah, naimik nag ako eh,” tugon naman ni Stephanie “Baka iniisip mo si Joshua? Hahaha!” pabiro ni Chloe sa kaibigan, “Baliw, hindi ah,” tugon naman ni Stephanie Hindi nakaimik si Joshua at napangiti na lamang ito ng inasar siya ni Chloe kay Stephanie, habang si Daniel naman napatilop ang bibig ng marinig iyon. Napatingin naman si Stephanie kay Daniel habang nag-mamaneho. Nang makaparada sila sa parking lot ng school ay pababa pa lamang sila ng sasakyan ay biglang dumatin ang pinsan niyang babae na si Stacy. “Hi pinsan!” pag-bati nito “Huy, bakit? Anong kailangan mo? Ngayon lang kita nakita ah, dito ka din ba napasok?” tanong ni Daniel sa kaniyang pinsan na babae “Oo, baliw ka ba. saan pa ba ako papasok eh dito napasok si Kuya,” saad naman ni Stacy “Oo na, oh? Ano ba kailangan mo?” tanong ni Daniel “Oh, invitation,” pahayag ni Stacy ng iabot ang invitation, “What’s this? Anong meron?” tanong ni Daniel “Party ko lang, bakit ba? hahahaha! Punta ka ah?! Dami chix don,” pahayag muli ni Stacy “Sige ba, para sa maganda kong pinsan,” tugon naman ni Daniel “Thanks kuya Dandan! See you! Invite mo na rin friends mo if pwede sila, open party naman eh,” saad muli ni Stacy “Sige, thank you, See you!” tugon naman muli ni Daniel At umalis na agad ang pinsan nitong si Stacy, at tiningnan agad nito ang invitation na ini-abot sa kaniya, “Sino yun Daniel? Gandang bata ah,” tanong ni Chloe sa kaibigan, “Pinsan ko, iniinvite ako sa open party sa isang resort sama kayo?” tugon ni Daniel kay Chloe “Naku malabo bro, hindi kami pinapayagan sa ganiyan ng matrona,” saad naman ni Joshua sa kaibigan, “Sayang naman,” pahayag naman ni Chloe “Oo nga sayang, wala pa man din ako kasama, lalo na hindi ko kilala ang mag nandoon, kaso pag hindi naman ako pumunta baka magt-tampo ang pinsan ko diba,” saad naman ni Daniel “Okay lang yan, pumunta ka nalang. Nandoon naman kapatid niya eh,” pahayag ni Stephanie “Oo nga, oh sia let’s go na, baka ma-late pa tayo,” pahayag ni Daniel sa mga kaibigan, At nag-tungo na sila sa lobby kung saan doon sila palagi nag-hihiwahiwalay. Nang mag-hiwalay na silang apat at mag-kasama na si Stephanie at Daniel patungo sa kanilang classroom ay biglang hinarang sila ng mag-kakaibigan na sina Sydney. “Hi Daniel, punta ka ba sa party later?” tanong ni Sydney kay Daniel “No, umalis ka nag sa dinaraanan namin,” inis na pag-kakasabi ni Daniel kayna Sydney Sinubukan ni Daniel na mag-patuloy sa pag-lalakad ngunit hinaharangan pa din sila nina Sydney, “Sydney! Ano ba problema mo? Tantanan mo nanga kami!” sigaw ni Daniel kay Sydney “Why? Is she your girlfriend now?” tanong ni Sydney kay Daniel “Ano pakielam mo? Ano ba kita? Umalis ka sa paningin ko, kung ayaw mong may mangyari sayo,” tugon ni Daniel kay Sydney At nag-lakad na muli sina Daniel habang hawak-hawak nito ang kamay ni Stephanie patungo sa kanilang classroom. Habang galit na galit ang tingin ni Sydney kayna Daniel at Stephanie “Ouch sis, ni-realtalk ka,” pahayag ni Sofia kay Sydney “Sabi ko kasi tantanan na, masyado kasing nag-papakatanga,” pahayag naman ni Gabriella “Please shut up!” sigaw ni Sydney sa dalawa kasama na sina Sofia at Gabriella. “May magagawa din ako sayo Stephanie, hintayin mo lang talaga,” pahayag nito sa kaniyang isip Nang makadating sina Daniel at Stephanie sa kanilang classroom at nang maupo ang dalawang ito ay kinausap ni Daniel si Stephanie, “I’m sorry, if ginawa ko yun,” pahayag nito “Okay lang, naiintindihan naman kita, at alam kong kaya mo yun ginawa dahil ko. Ako dapat ang mag-sorry,” tugon ni Stephanie sa kaibigang si Daniel “Ayoko ng ginagawa nila sa inyo lalo na mga kaibigan ko kayo, hindi ko nga alam kung bakit lahat nalang alam niya ang tungkol sa akin. Pati ba naman pag-uwi ko dito sa Pinas di ba, ibang klase din talaga yun,” pahayag muli ni Daniel kay Stephanie “Hayaan mo na, mapapagod din yan, tiwala lang,” saad naman ni Stephanie Napatigil na ang kanilang usapan ng biglang dumating ang kanilang teacher. Wala pang klase sina Sydney, kaya’t agad siyang nilapitan ni Sofia. “Siz, di ba ngayong gabi ang party? If ever na pumunta si Daniel oras mo na iyon, imposibleng pumunta sina Stephanie kasi nasa bahay ampunan sila,” pahayag ni Sofia sa kaibigan Napangiti si Sydney ng marinig iyon kay Sofia, “Oo nga no, good idea Sofia, are you going ba?” saad naman ni Sydney sa kaibigang si Sofia “Depende, kung sasama si Gabriella. Pinapayagan lang kasi ako kapag kasama ko si Gabriella,” tugon naman ni Sofia “Tawagin mo nga si Gabriella, para mapag-usapan na natin, bilis! Habang wala pa si maam,” utos ni Sydney sa kaibigang si Sofia Agad namang nilapitan ni Sofia si Gabriella at pinapunta sa kinauupuan ni Sydney. Nang nandoon na ay kinausap ni Sydney si Gabriella, “Oh? Anong kailangan niyo na naman?” tanong ni Gabriella sa mga ito “Punta ka sa party with us mamaya,” tugon ni Sydney kay Gabriella “No, ayoko nga,” tugon agad ni Gabriella sa mga ito “And why?” tanong ni Sydney “Marunong ka pa sa akin? Ayoko,” tugon muli ni Gabriella “Siz, ikaw lang naman dahilan ko lagi kaya ako nakakaalis sa amin, kaya please, pumunta ka na para payagan ako,” pahayag ni Sofia kay Gabriella “Ikaw, lagi mo akong dinadamay sa kalokohan niyo ni Sydney, pag kayo kung ano na namang gawin niyo, ewan ko nalang. Magsama talaga kayong dalawa,” pahayag ni Gabriella kay Sofia “Please! Ngayon lang naman eh,” pag-mamakaawa ni Sofia sa kaibigang si Gabriella. Nang dahil sa lumuhod at nag-makaawa si Sofia sa kaibigang si Gabriella ay nainis ito sa kaibigan, “Ano ba! tumayo ka nga diyan, mukha kang tanga sa ginagawa mo. Oo na, oo na, sasama na ako, basta mabilis lang tayo,” tugon ni Gabriella sa kaibigan na si Sofia “Yes, thank you!” saad naman muli ni Sofia, Masaya si Sydney na malaman na may kasama siya para pumunta ng open party ng pinsan ni Daniel na si Stacy.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD