Chapter 49: Bakit Spesyal

1649 Words
Palabas na sina Daniel kasama sina Stephanie, Chloe at Joshua papalabas ng icecream shop. Isa-isa silang sumakay sa sasakyan ni Daniel, at agad na ring inihatid ni Daniel ang mag kaibigan nito pauwi sa bahay ampunan. Nang nandoon na sila ay kinausap muna ni Daniel ang mga ito, “Salamat sa inyo,” “Daniel ano ka ba?  kami dapat ang mag-pasalamat sayo lalo na sa malaking naitulong mo sa amin,” tugon agad ni Stephanie sa kaibigan “Oo nga bro, sobrang dami nating nalikom kanina na donasyon at sobra-sobra na iyon sa amin lalo na kay Stephanie. “Mag-iingat ka pauwi Daniel,” saad naman ni Chloe sa kaibigan, “Sige na, pumunta na kayo sa inyo baka hinahanap na kayo ng matrona niyo, una na ako,” pag-papaalam ni Daniel sa mga kaibigan. Nag-simula nang mag-lakad sina Stephanie kasama ang mga kaibigan nito pauwi sa bahay ampuan, at nang makapasok na ang mga iyon sa kanilang gate ay lumingon si Daniel sa kaniyang sasakyan at laking gulat niya sa kaniyang nakita. “Hi Mr. Carter, anong ginagawa mo dito? Gabi na ah?” pag-bati ni Sydney kay Daniel “Bakit ka nandito? Hindi mo ba ako tatantanan?” tanong ni Daniel kay Sydney “Kailan ba kita sinukuan Daniel?” tanong ni Sydney nang biglang lumapit ito sa mukha ni Daniel. “Sabi ko naman sayo na hindi kita titigilan diba? Kase I want you and I like you, Don’t you like me baby boy?” pabulong na pag-kakasabi ni Sydney Agad na tinulak papalayo ni Daniel si Sydney, “Ano ba!? hindi ka ba titigil?! Hindi nga kita gusto! Ano bang gusto mong gawin ko para tigilan mo na ako ha?! Gusto mo talagang madamay ang tatay mo sa problema natin no?” sigaw ni Daniel kay Sydney nang may pananakot Hindi nakaimik si Sydney sa nasabi ni Daniel sa kaniya kaya’t tinalikuran na ito at nag-lakad na patungo sa sasakyan ni Gabriella at sumakay na lang dahil sa takot. “Yun lang pala ang makapag-papatino sayo, takot ka ring mawalan ng trabaho tatay mo eh no,” pahayag ni Daniel Sumakay na si Daniel sa kaniyang sasakyan at nag-simula ng mag-maneho papauwi sa kanilang bahay Habang nasa kwarto si Chloe at Stephanie na nag-aayos sa sarili ay hindi maiwasan ni Choe na tanungin ng tanungin ang kaibigan. “Hindi mo ba talaga nagugustuhan si Daniel?” tanong nito “Hindi, kaibigan lang,” tugon naman ni Stephanie sa kaibigang si Chloe “Eh si Joshua? Hindi rin ba?” tanong naman muli ni Chloe “Hindi din, ano kaba. Yang mga tinatanong mo sa akin mga wala namang kwenta, lahat kayo kaibigan ko no,” tugon muli ni Stephaie sa kaibigang si Chloe Hindi nakaimik si Chloe sa mga isinagot ni Stephanie sa kaniya, nang biglang may kumatok sa pintuan at pumasok ang matrona na si Hilda. “Stephanie at Chloe, pag-katapos kumain ay mag-tungo kayo sa aking silid. Papilahin niyo na ang mga bata at mag-tungo na kayo sa canteen. Tayo ay mag-sisikain na,” pahayag ni Hilda sa dalawa ni Stephanie at Chloe “O-opo matrona, masusunod po,” tugon ni Chloe sa matrona Tumalikod at umalis na ang matrona sa silid nina Stephanie at Chloe, “Mga bata, pila na kayo. Kakain na,” pahayag ni Stephanie sa mga bata Agad na pumila ang mga bata nang marinig nila ang boses ni Stephanie, sabay-sabay na lumabas ng silid at bumaba patungo sa canteen. Habang kumukuha nang pag-kain sina Stephanie at Chloe ay nagulat sila nang biglang umimik si Joshua. “Huy, pinapapunta ba kayo ng matrona sa kaniyang silid?” tanong ni Joshua sa dalawang kaibigan na si Stephanie at Chloe na walang kamalay-malay Napalingon bigla si Chloe, “Ano ka ba Joshua, nakakagulat ka,” saad ni Chloe sa kaibigan, “Oo, pinapapunta kami, ikaw ba?” tugon ni Stephanie sa kaibigang si Joshua “Oo, kinakabahan ako, mukhang wala naman tayong ginawang kasalanan ah,” saad naman ni Joshua sa mga kaibigan “Ewan ko nga ba, kung ano-ano na naman sigurong nalaman dahil ni Sydney. Nakakapag-taka at palagi ata silang nag-uusap,” pahayag naman ni Chloe “Ibang klase talaga si Sydney no, gagawa at gagawa talaga ng paraan para lang siraan tayo lalo na’t pahirapan dito,” saad naman ni Stephanie Habang nakain sila ay hindi na makaimik si Chloe nang mapansin niyang pinag-mamasdan sila ng matrona gayon din ang kaniyang kanang kamay na si Cristina na tila ba parang may binabalak. “Huy, hindi ka na naimik diyan,” pahayag ni Joshua sa kaibigang si Chloe “Wag mo ako kausapin,” pabulong ni Chloe sa kaibigan habang inaalis ang kamay ni Joshua sa kaniyang braso, Nang biglang napatigil si Joshua nang napansin niyang may anino siyang nakikita at nang pag-lingon nito ay nagulat siya na ang matrona pala ang nasa likudan niya. “Ah- eh matrona, kanina pa po ba kayo diyan?” tanong agad ni Joshua sa kanilang matrona “Hindi naman, mag-sikain na kayo! Kanina ko pa kayong napapansin na usap ng usap ha, binabastos niyo ang pag-kain!” galit na pag-kakasabi ng matrona sa mag-kakaibigan, at napatungo naman ang tatlo nina Stephanie sa takot dito “P-pasensya nap o matrona, hindi na po mauulit,” tugon naman agad ni Stephanie “Hindi na talaga mauulit! Akala niyo hindi ko pansin ang mga galaw niyo, kahit sa school, sinasabihan ko kayo ha, kapag ako may nalaman sa ginagawa niyo. Hindi ko na kayo papapasukin sa paaralan, tandaan niyo yan!” pahayag ng matrona sa tatlong mag-kakaibigan. Hindi na nakaimik sina Stephanie, Chloe at Joshua sa pag-kakasigaw sa kanila ng kanilang matrona. Hindi rin makakain ang mga bata sa kanilang nasaksihan sa ginawa sa kanilang mga ate at kuya. Napatingin si Stephanie sa mga bata at napansin nitong tila ba’y takot na takot kaya agad nitong nalapitan ang mga iyon, “Shh.. Shh, kain na kayo, wag na kayo matakot,” pahayag ni Stephanie sa mga bata. “P-pero ate Stephanie, sinigawan po niya kayo,” tugon ng batang si Tina “Sigaw lang yun tina, hindi naman sinaktan eh, wag na matakot, kumain na kayo okay? Maya-maya pupunta na din tayo sa silid natin ha? Ngiti na,” pahayag muli ni Stephanie sa mga ito. Agad na kumain muli ang mga bata ng pakalmahin sila ni Stephanie, at dahil malaki ang tinawala ng mga it okay Stephanie ay agad na sumusunod ito rito. Umupo na muli si Stephanie sa kanilang kainan, “Mamaya na tayo mag-usap, tapusin na muna natin itong pag-kain,” pahayag na pabulong ni Stephanie sa mga kasama. Kaya’t agad na tinapos agad nga mga ito ang pag-kain at ng matapos na ay sabay-sabay na nilang dinala ang kanilang pinag-kainan sa kusina. A t biglang kinausap sila ng isang nag-huhugas doon na Tiya berta, “Hindi ko akalain na gagawin sa inyo iyon ng matrona,” Hindi nakaimik ang tatlo sa sinabing iyon, “Hayaan niyo, makakaalis din kayo dito at pag-dating ng araw ay hindi niyo na mararanasan ito,” pahayag muli ni Tiya Berta “Salamat po tiya,” tugon ni Joshua “Sige na, lumabas na kayo at baka binabantayan padin kayo ng matrona,” pahayag ni Tiya Berta sa kanila. At lumabas na din agad ang tatlo doon at nag-tungo sa hagdan kung saan doon nila hinihinatay ang mga bata na makapila, “Alam niyo, hindi ko akalain na kayang gawin iyon ng matrona habang nasa sa harap ng maga bata,” pahayag ni Joshua habang galit na galit “Kahit ako Joshua, naaawa ako kanina sa mga bata dahil ramdam ko ang takot nila ng masaksihan nila ang naganap kanina,” tugon naman ni Stephanie “Hayaan niyo, makatapos lang tayo ng pag-aaral ay hindi na tayo mahihirapan dito, makakalaya din tayo,” saad naman ni Chloe sa mga kaibigan. Nanahimik agad ang mga ito ng biglang dumating ang matrona para dumaan pataas sa hagdan. Hindi na lamang ng mga ito pinansin ang matrona. Bigla rin namang nag-sidatingan ang mga bata at pumili agad ng maayos, kaya’t hindi natuloy ang binabalak ng matrona na pag-sabihan ulit sila. Kinabukasan maaga nagising si Daniel para makapag-ayos ng mabilis at makaligo, ganoon din para makakain. Nang biglang pag-baba niya sa hagdan ay nandoon na ang kaniyang ina na nag-hihintay sa kaniya, “Good morning anak,” pag-bati sa kaniya ni Mrs. Carter ang kaniyang ina “Good morning mom, ang aga mo po ata?” pag-tataka ni Daniel sa kaniya “Ah, wala anak. Gusto ko lang na ipag-handa kayo ng papa mo ng pag-kain para kahit minsan man lang ay matikman mo ulit luto ko, alam kong miss na miss mo na eh. Yan oh, pinag-handa ko ang aking special na anak ng sinangag,” pahayag ni Mrs. Carter sa kaniyang anak, “Wow naman, pa-kiss nga po sa aking maganda mama,” saad ni Daniel sa kaniyang ina at agad na hinalikan sa pisngi. “Thank you mom,” “Ano ka ba anak, wala yun. So kamusta na nga pala ang pag-eeffort ng aking anak kay Stephanie?” tanong bigla ni Mrs. Carter sa kaniyang anak na si Daniel at biglang napatigil naman ito. “Oh? Akala mo hindi ko alam no? kinamusta kita sa isang manager doon, sa company, at tsaka kitang kita ko sa taas no, kita kaya view doon. Ang anak ko talaga, binatang-binata na,” pahayag muli ni Mrs. Carter “Mom, can I ask you something?” tanong ni Daniel “Yes anak, ano yun?” saad naman ni Mrs. Carter sa kaniyang anak “Bakit special ang tawag mo sa akin?” tanong ni Daniel Hindi agad nakasagot si Mrs. Carter sa itinanong sa kaniya ng anak at bumalik lahat ng ala-ala simula ng inianak si Daniel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD