Chapter 48: Tinatagong Pag-tingin

1715 Words
Bumalik na muli sina Chelsie at Ronald na may dala-dalang pag-kain na ipinakuha ni Daniel sa mga ito. Nang makita ni Daniel ang dalawa na dala na ang pag-kain nila ay agad itong pumunta sa dalawa niyang assistant. “Kunin ko na ang para kayna Stephanie, ah? Tapos ito naman ang sa inyo,” pahayag ni Daniel Nagulat naman ang dalawang assistant nito sa pag-abot ng pag-kain sa kaniya, “Naku sir, wag na po, madami na po kayong naibigay sa amin kahapon,” saad ni Chelsie “Oo nga po sri, sobra sobra na po yun,” pahayag din naman ni Ronald “Ano ba kayo, wag nyo na tanggihan. Malaking tulong ang naitulong niyo sa akin kahapon, kaya para sa inyo talaga yan, okay? Kainin niyo yan, kapag hindi niyo yan kinain, mag-tatampo ako sa inyo sige kayo, hahaha, balik na ako dito ah,” saad ni Daniel sa dalawa niyang assistant, Hindi na nakatanggi ang dalawa nitong assistant na sina Chelsie at Ronald sa pag-kaing iniabot ni Daniel, kaya’t nag-punta ang dalawang ito sa isang upuan at kinain na nila iyon. Habang nasa byahe sina Sydney kasama si Gabriella at Sofia, napadaan ang mga ito sa park kung saan yun ay katabi lang ng company nila Daniel. Nang napatingin ito ay nag-taka ang dalaga, “Ano kayang meron sa park, mukhang ang daming tao no?” pag-tataka ni Sydney Napatingin din naman agad si Gabriella at Sofia, “Oo nga no,” tugon naman ni Sofia ng makita “Gabriella, mag-park ka nga diyan sa tabi, tingnan natin kung anong meron,” pahayag ni Sydney kay Gabriella Agad na itinabi ni Gabriella ang sasakyan sa tabing daan at agad na bumaba si Sydney at Sofia at nag-tungo ang dalawang ito sa gate ng park, at sumunod naman si Gabriella. “Oh? Bakit kayo napatigil?” tanong ni Gabriella sa mga kasama “May nakalagay na bawal pumasok eh, may event daw, yan oh nakasulat,” tugon ni Sofia kay Gabriella. “No, let’s check,” saad naman ni Sydney sa mga kaibigan, Agad umuna si Sydney sa gate at nagdere-deretso, ngunit pinigilan siya ng mga gwardya. “Ms, ms, bawal po pumasok diyan,” pahayag ng gwardya kay Sydney “At bakit? Diyan nag-tatrabaho ang dad ko sa kompanya ng pamilyang carter, so bakit bawal ako pumasok?” tanong nito sa gwardya “May event po diyan ngayon, at kailangan po ay may invitation kayong maipapakita bago po makapasok,” saad naman ng isang gwardya, Hindi na nakaimik si Sydney sa mga gwardya dahil naisip niya na kapag gumawa ulit siya ng mali at nalaman ng kaniyang ama ay baka ipadala na ito ng tuluyan sa States. “Okay fine,” pahayag ni Sydney sa mga gwardya “Pasensya na po maam, pag-katapos nalang po kayo ng event magpunta dito,” saad muli ng gwardya ngunit tinalikuran nito ang mga gwardya. “So ano? bawal ba daw?” tanong ni Sofia “Yes bawal daw, gusto kong malaman kung anong event ang meron sa loob. Unang beses ko palang na encounter ito, I’m curious,” pahayag ni Sydney sa kaibigang si Sofia “Alam niyo kung bawal, wag na nating pilitin, nag-uubos tayo ng oras dito na dapat nandoon na tayo sa mall at nag-titingin ng some stuff,” saad naman ni Gabriella “Hay okay fine, let’s go,” tugon ni Sydney at nag-yaya narin sa mga kaibigan na bumalik na sa sasakyan at mag-tungo na muli sa mall na pupuntahan nila para mamili. Paubos na ang tao sa park at napansin agad iyon ni Joshua, “Grabe, iilan na lang patapos na tayo, tatlong box na ito, sobra sobra na,” pahayag ni Joshua nang huminga ito ng malalim, “Oo nga, sulit yung pagod,” tugon naman ni Chloe Napatingin si Stephanie kay Daniel na nasa malayo, kausap ang natitirang ilang matanda at batang estudyante. “Hindi ko akalaing ganiyang si Daniel,” pahayag bigla ni Stephanie “Hindi halata sa kaniya na may puso siyang ganyan no? tingnan mo ang bait sa bata, baka dahil wala siyang kapatid,” saad naman ni Chloe sa kaibigan, “Kaya nga sinasabi ko sa kaniya, ako na lang maging kapatid niya eh at ampunnin na lang nila ako, Hahahaha!” pabiro ni Joshua sa mga kaibigan, Agad nab inatukan ni Chloe ang kaibigang si Joshua, “Ewan ko sayo Joshua, baka awayin mo lang si Daniel eh, mahirap na, Hahaha!” tugon naman ni Chloe sa pabirong sinabi ni Joshua Nakatingin pa rin si Stephanie kay Daniel, at napansin naman iyon ni Daniel. Agad na umiwas si Stephanie nang napatingin sa kaniya si Daniel at napansing papalapit ito sa kaniya, “Ano iniisip mo Steph?” tanong ni Daniel sa kaibigang si Stephanie “Ah w-wala wala,” tugon naman agad ni Stephanie Napangiti naman si Daniel sa sagot ni Stephanie na tila ba naiilang, “Guys guys, tara mag-ice cream sa shop ko, if okay lang? maaga pa naman eh,” pahayag ni Daniel sa mga kaibigan “Game ako diyan! Alam mo naman paborito ko icecream mo,” tugon agad ni Joshua sa kaibigang si Daniel “Ano k aba Joshua, hindi na nahiya, ang dami na naibigay ni Daniel oh pati ba naman pag-ice cream,” saad naman ni Chloe nang marinig ang isinagot ni Joshua Agad na lumapit si Daniel kay Chloe at inakbayan ito, “Ano k aba Chloe, kaibigan ko kayo, gusto ko kaya itong ginagawa ko, ang mapasaya kayo. Kaya mag-icecream tayo!” pahayag ni Daniel ng biglang kiniliti si Chloe Napasigaw si Chloe nang gawin iyon ni Daniel at biglang nag-tatakbo ito papalayo kay Daniel, pinagmamasdan ni Stephanie ang dalawa niyang kaibigan. At napansin din naman ni Joshua ang tingin ni Stephanie sa dalawa. Kaya’t lumapit agad ito sa kaibigang si Stephanie, “Stephanie, tulungan na kita diyan,” pahayag ni Joshua sa kaibigang si Stephanie “Sige ba, pasensya ka na ah ang daming kalat,” tugon naman ni Stephanie “Baliw, okay lang. ano pa ba ang gagawin?” saad naman muli ni Joshua sa kaibigan At tinulungan na ni Joshua si Stephanie sa kaniyang ginagawa, at biglang napatigil sina Chloe nang makita nila ang dalawang kaibigan. “Kailang kaya ako magugustuhan ni Joshua no?” tanong ni Chloe Nagulat si Daniel sa sinabi ni Chloe at napatingin ito sa kaniyang kaibigan, “Ikaw? May gusto kay kay Joshua? Kailan pa?” tanong ni Daniel kay Chloe “Oo, matagal na, kaso alam mo yun sobrang close kami tapos nalaman ko pa na parang gusto niya rin si Stephanie,” saad muli ni Chloe sa kaibigan, Napatigil si Daniel at napatingin muli sa dalawa ni Joshua at Stephanie, “Wag mong sasabihin ah? Atin-atin lang ito, hindi din kasi alam ni Stephanie na may gusto si Joshua sa kaniya simula nung nakakasama na namin palagi noon si Joshua,” pahayag muli ni Chloe sa kaibigan “Kaya pala nag-tanong ka sa akin kung nagugustuhan ko ba si Stephanie noong nasa canteen tayo habang wala pa sila,” saad naman ni Chloe “Oo, dahil ni Joshua, pero naka depende naman yun kay Stephanie kung sino ang gugustuhin niya. Kung alam ko na may gusto kayong dalawa, wala na akong magagawa sa desisyon ni Stephnanie, feelings niya yun eh,” pahayag ni Chloe kay Daniel “Hayaan mo na, wag mo na pakaisipin,” saad muli ni Daniel Lumapit ang si Chloe kay Daniel, “Pero pustahan, para kay Stephanie talaga ito kaya nag-todo effort ka diba? Hahaha” saad nito Napatingin si Daniel kay Chloe at ngumiti, “Oo, this was my first time. Yung mag-effort para sa taong nagugustuhan ko. Hindi ko pa nafifeel yung ganitong feeling na masaya ka, na inspired ka, something like that,” tugon naman ni Daniel kay Chloe “Swerte ni Stephanie, ako kaya? Kailan?” saad naman ni Chloe “Dadating yung tamang panahon Chloe, just wait. Habaan mo pasensya mo, wag kang mainip, hahaha” tugon naman muli ni Daniel “Oh siya, tara na, baka mag-taka ang mga yun kung ano ang pinag-uusapan natin,” pahayag ni Chloe ng biglang hinila si Daniel papalapit sa kanilang dalawang kaibigan. Naubos na ang mga tao na nakapila sa kanilang booth at nag-aayos na sila ng kanilang gamit, isa-isa nilang inilagay ang mga gamit sa box na punong-puno na. At dahil pagod na ang mga ito at napansin na din ni Daniel ay humingi na siya ng tulong sa kaniyang dalawang assistant, kaya’t tinawagan niya ang mga ito. At sinagot rin naman agad ni Ronald ang telepono, “Sir? Bakit po?” tanong agad ni Ronald “Ronald, patulong naman dito sa baba sa park, pakausap na rin sa manager niyo para payagan kayo,” pahayag ni Daniel kay Ronald, at inabot ni Ronald ang kaniyang telepono sa kanilang manager na si Harold. “Sir, si Harold na po ito,” pahayag nito “Harold, hihiramin ko muna ulit si Chelsie at Ronald para mag-patulong, okay lang ba?” tanong ni Daniel sa manager ng dalawang assistant “Of course naman po sir, papupuntahin ko po sila agad diyan sa baba to help you po sir,” tugon naman ni Harold sa kaniyang boss Inabot na ni Harold ang telepono ni Ronald sa kaniya, at agad na pinapunta sila kung saan nandoon sina Daniel pati ang mga kaibigan nito. Nang nandoon na ang dalawa ni Chelsie at Ronald ay nakita agad sila ni Daniel. “Thank you, papatulong sana ako, kailangan ko na kasi silang ihatid, itong mga gamit pakidala na lang sa kwarto ko sa taas, okay lang ba? don’t worry, kakausapin ko ang ibang guard para tulungan kayo na buhatin ang box,” pahayag ni Daniel sa dalawang assistant “Opo naman sir, kami na po ang bahala,” tugon naman agad ni Chelsie “Salamat ulit,” tugon ni Daniel Agad na tinawag ni Daniel ang kaniyang mag kaibigan para umalis na ng park, Kinausap na rin ni Daniel ang ilang guards para tulungan sina Chelsie at Ronald na buhatin ang box sa taas sa kwarto niya. Nagtungo na ang mag-kakaibigan sa ice cream shop nito at pinakain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD