Chapter 47: Pag-papasalamat

2196 Words
Habang nag-lalakad sina Stephanie kasama si Chloe, at nasa sa likudan naman sina Joshua at Daniel, ay biglang nag-tanong si Chloe, “Daniel? Pasaan ba tayo ngayon? saan tayo kakain?” tanong nito “Sa company na lang namin, para wala na tayong gastos,” tugon naman ni Daniel sa kaibigang si Chloe. Nag-tungo ang mga ito sa sasakyan ni Daniel at sumakay na rin agad isa-isa, Habang nasa byahe sila ay hindi na naiwasan ni Stephanie na kausapin ang kaibigang si Daniel. “Bakit hindi ka pumasok kanina?” tanong nito “Ah- eh, busy lang sa company kahapon. Pinatawag kasi ako ni dad,” tugon naman ni Daniel “Hmm, eto naman masyadong concer, first time yan ah,” pabulong ni Chloe sa kaibigang si Stephanie. Ngunit tahimik naman si Joshua, at napansin naman iyon ni Chloe. “Salita ka naman diyan!” pahayag ni Chloe sa kaibigang si Joshua na may kasabay na pag-tulak. Sinamaan ng tingin ni Joshua si Chloe, kaya’t nang makita niya ito ay hindi na lamang niya muna ito kinulit dahil alam niyang galit ito. Nang malapit na sa sila sa kompanya nina Daniel ay biglang nag-tanong si Joshua dito, “Bro? may gusto ka ba kay Stephanie?” Nagulat ang lahat ng banggitin iyo ni Joshua, at hindi agad nakasagot si Daniel sa tanong ng kaibigan, "Huy Joshua, ano ba yang ginagawa mo?” tanong naman bigla ni Stephanie, “Oo nga, binibigla mo ang tao sa tanong mo oh,” pahayag naman ni Chloe sa kaibigang si Joshua. “Bakit ba? nag-tatanong lang naman ah,” tugon naman ni Joshua sa mga sinabi ng mga kaibigan, Nang makaparada na si Daniel, biglang umimik ito na tila ba ay iniba nito ang usapan nila, “Yan, nandito na tayo, kain muna tayo? Pag-katapos may pupuntahan tayo,” pahayag ni Daniel sa mga kasama nito Isa-isang bumaba ang mag-kakaibigan sa sasakyan ni Daniel, at nag-tungo kaagad ito sa canteen ng kompaniya nila. Habang nag-lalakad papasok ang mga ito ng canteen, ay napansin ni Daniel ang dalawa niyang assistant na tumulong sa kaniya, si Chelsie at si Ronald. At sabay napatigil ng biglang bumati ang dalawa niyang assistant, “Good noon sir!” pag-bati ng dalawa, “Sa inyo din, Chelsie at Ronald,” pag-bati pabalik ni Daniel sa dalawa niyang assistant. “Una na kayo guys, sunod ako,” pahayag naman ni Daniel sa mga kasamang kaibigan, Nang umuna na ang mga kaibigan nito at nag-tanong bigla si Chelsie sa kaniyang boss na si Daniel, “Sila po ba ang mga kaibigan mo? Yung laging napunta dito?” tanong nito “Ah, oo,” tugon naman ni Daniel, “At yun po ba ang babaeng sinasabi niyo na mahaba ang buhok?” tanong naman ni Ronald kay Daniel. Hindi nakaimik si Daniel ng biglang itinanong iyon ni Ronald sa kaniya at napangiti na lang. Biglang siniko naman ni Chelsie sa tiyan si Ronald ng marinig iyon at bumulong, “Eto naman chismoso,” pahayag ng kasama “No, it’s okay. Hahaha, siya nga yung tinutukoy ko, She look’s nice right?” saad naman ni Daniel ng marinig ang sinabi ni Chelsie kay Ronald “Yes boss, oks na oks,” tugon naman agad ni Ronald habang naka thumbs up kay Daniel. “Ah- sige po sir, una na po kami, titingnan din po namin ang booth niyo sa park, baka po kasi may gumagalaw na baka po masira pa surprise nyo sa kanila,” pahayag ni Chelsie sa kaniyang boss na si Daniel “Sige, una narin ako, Thank you ulit kagabi ah, sa uulitin, atin-atin lang yun,” saad naman ni Daniel sa dalawang assistant. Naka-order na sina Stephanie, Chloe at Joshua nang pabalik pa lang si Daniel sa kanila at nag-paalam, “Order lang ako ah?” Nag-tungo si Daniel sa mga pag-kain at kumuha ng plato, habang na-order ito ay biglang kinausap ni Chloe ang kaibigang si Stephanie. “Stephanie? Ano ba kasi ang ginawa mo kanina? Bigla kang nag-kaganon?” tanong ni Chloe ng mag-taka sa ginawa ni Stephanie noong nasa school. “Hindi ko din alam, di ba wala naman akong nararamdaman na kahit ano kahapon? Bigla ko na lang naramdaman yun eh,” tugon naman ni Stephanie sa tinanong ni Chloe “Baka namiss lang ni Stephanie ang kaibigan nating si Daniel, hindi ba Steph?” pag-singit naman ni Joshua sa dalawa nina Chloe at Stephanie. “Oo, tama yung sinabi ni Joshua Chloe,” pahayag naman ni Stephanie sa kaibigan ng marinig ang sinabi ni Joshua. Tumigil na sa pag-uusap ang tatlo ng bumalik na si Daniel sa kanilang lamesa, “Tara kain na tayo,” pahayag ni Daniel sa mga kaibigan, at nag-simula na ang mga itong kumain. Habang kumakain ay nakakaramdam ng pag-kailang si Daniel sa ginagawa sa kaniya ni Joshua na panay ang tingin at titig sa kaniya habang nakain, at napansin din naman agad iyon ni Chloe. patagal ng patagal ang ginagawa ni Joshua sa kaibigang si Daniel ay nainis na bigla si Chloe at tumigil sa pag-kain, “Joshua, ano ba yang ginagawa mo? Tingnan mo, naiilang ang tao sayo kakatingin at titig,” pahayag ni Chloe kay Joshua Nagulat naman si Daniel sa sinabi ng kaibigang si Chloe, “Masama bang tingnan si Daniel, napaka-gandang lalaki lang eh, bakit ba?” tanong naman ni Joshua sa kaibigan, “Hindi na nga makakain si Daniel ng ayos sa sobra mong pinagmamasdan, may gusto ka ba sa kaniya ha?” saad muli ni Chloe kay Joshu Napatigil sa pag-kain si Joshua nang magulat ito sa narinig niyang sinabi ni Chloe, “Ha?! Ako?! Mag-kakagusto sa kaniya? Mukha ba akong bakla sa lagay na ‘to?!” sigaw ni Joshua “Oh? Bakit ka nasigaw? Inaano ka?” pahayag muli ni Chloe sa kaibigang si Joshua At biglang umimik naman si Stephanie ng napansin na nag-kakalakasan na ang boses ang dalawa, “Ano ba, tumigil na kayo,” pahayag nito sa mga kaibigan, Ngunit hindi pa rin nakikinig ang dalawa at patuloy parin ang padedebatihan, kaya’t biglang napasigaw ito at napatayo, “Ano ba!!? Hindi ba kayo titigil?!” sigaw ni Stephanie sa mga kaibigan. Nagulat ang dalawa ni Joshua at Chloe at napatahimik, ganoon din si Daniel. “Palagi na lang kayo nag-aaway, hindi na kayo nahiya kay Daniel, ano bang problema niyong dalawa? Kakain na nga lang kayo mag-babangayan pa kayo?” pahayag muli ni Stephanie sa dalawang kaibigan, “S-stephanie?” tanong ni Chloe sa kaibigan, “Bakit?!” sigaw muli ni Stephanie sa kaibigang si Chloe nang banggitin niya ang pangalan nito, “Napasigaw ka Stephanie, di ba hindi ka naman nag-kakaganiyan?” saad muli ni Chloe sa kaibigang si Stephanie, Biglang kumalma si Stephanie ng naisip niya ang sinabi ni Chloe, “Oo nga Stephanie, ngayon lang namin ito naranasan,” pahayag naman ni Joshua Tahimik lang si Daniel simula nang magulat ito sa kaniyang kaibigan na si Stephanie, “H-hindi kaya dahil ni Daniel kaya ka napasigaw ng ganiyan?” pahayag ni Chloe sa kaibigan at napatingin ang mga it okay Daniel. “H-how? Nag-donate lang naman ako,” pahayag ni Daniel at bigla itong napaisip kung anong iniisip niya habang nagdodonate kay Stephanie at doon niya napag-tanto na galit pala ang naisalin niya kay Stephanie. “Hala, Stephanie I’m so sorry,” pahayag muli ni Daniel sa kaibigan, “Ano ka ba Daniel, okay ito, okay na okay din ito, kahit ano pang emosyon ang matanggap ko, okay na okay lang,” tugon ni Stephanie sa kaibigang si Daniel “Kaunting emosyon nalang Daniel ang hinihintay namin, masaya na kami kapag nakita namin ang saya at ngiti ni Stephaine,” saad naman ni Chloe “Oo nga bro, masasabi naming sobrang sulit ng hirap at pagod kapag nakita naming ngumiti si Stephanie,” pahayag din naman ni Joshua, Matapos niyon ay nag-patuloy na muling kumain ang mag-kakaibigan at masayang nag-uusap usap tungkol sa bagong emosyon na napansin nila kay Stephanie. At nang matapos ng kumain ang mga ito ay biglang nag-tanong muli si Chloe, “Pasaan na tayo Daniel pag-katapos nito?” tanong nit okay Daniel “Ito talaga, hindi na lang mag-hintay sa imik ni Daniel at nauunahan mo talaga siya eh no?” pahayag naman ni Joshua sa kaibigang si Chloe “Eh sa excited ako eh, ano ba,” tugon naman ni Chloe sa kaibigan. “Sa park tayo pupunta, doon muna tayo tatambay lalo na for sure madami ng tao doon,” tugon ni Daniel sa tanong ni Chloe “May ice cream ba doon?” tanong naman ni Stephanie sa kaibigang si Daniel “Oo naman, ice cream ko pa ba ang mawawala doon,” tugon naman ni Daniel At sabay-sabay na umalis na ang mag-kakaibigan sa canteen at nag-tungo agad sa park kung saan nandoon ang surpresa ni Daniel para sa mga kaibigan, “Okay, bago tayo pumasok, mag-takim muna kayo ng eyes niyo,” pahayag ni Daniel sa mga kaibigan. Sabay-sabay namang sinunod nina Stephanie, Chloe at Joshua ang sinabi ni Daniel. Habang nakapikit sila ay pinapunta ni Daniel ang kaniyang dalawang assistant para gabayan ang dalawa ni Chloe at Joshua. Dahan-dahan nilang dinala ang tatlo sa booth na ginawa ni Daniel para sa kanila, “Okay, pag-bilang ko haharap na kayo sa likod at aalisin niyo ang takip sa mata niyo ah?” pahayag ni Daniel sa mga kaibigan, “Sige sige bro,” tugon naman ni Joshua Hindi nila alam na maraming tao na ang nag-hihintay sa pag-dodonate nila kay Stephanie ng mga emosyon, “Okay, 3.. 2.. 1.. Open your eyes na,” pahayag ni Daniel sa mga kaibigan Umikot ang mag-kakaibigan palikod at sabay-sabay na inalis ang takip sa kanilang mga mata, at nagulat sila sa kanilang nakita. Isang booth at napakaraming tao na nag-aabang sa kanila para makapag-bigay ng emosyon sa kanila lalo na kay Stephanie. “Surprise guys, regalo ko yan sa inyo, booth at lalo na mga tao na gustong mag-donate sa inyo ng emosyon,” pahayag ni Daniel sa mga kaibigan Hindi makaimik si Chloe at Joshua sa surpresang ginawa ni Daniel sa kanila, ngunit lumapit naman si Stephanie sa kaniya. “Daniel, sobra-sobra na ito” pahayag nito sa kaibigan “Ano ka ba, importante kayo sa akin. You don’t know how much you mean all to me simula ng pag-pasok ko sa university. You guys are so awesome,” tugon naman ni Daniel sa kaibigang si Stephanie. Napansin ni Daniel na unti-unting tumutulo ang luha ni Stephanie, kaya’t ng napansin niya ito ay pinunasan ni Daniel ang luha ni Stephanie gamit ang kaniyang kamay at nagulat naman si Stephanie sa ginawa ng kaibigang niyang iyon. “Don’t cry, you deserve this,” pahayag ni Daniel dito Biglang nag-iba ang pakiramdam ni Stephanie ng gawin iyon sa kaniya ni Daniel ngunit hindi na lamang niya iyon pinansin dahil mukhang normal lang naman niya iyong maramdaman. “Bro! tara na mag-simula, excited na ako!” pahayag ni Joshua sa kaibigang si Daniel, “Sige sige, I’ll help you,” tugon naman ni Daniel kay Joshua at iniwan na si Stephanie. At nilapitan naman ni Chloe si Stephanie, “Grabe na itong ginawa ni Daniel para sa atin no, lalo na para sayo,” pahayag ni Chloe sa kaibigang si Stephanie. “Oo nag eh, hindi ko alam kung paano siya pasasalamatan. Tara mag-simula na tayo, sobrang dami nila para matapos agad natin ito ng maaga,” saad naman ni Stephanie sa kaibigang si Chloe Nag-simula na silang tumanggap ng emosyon na donasyon ng mga tao, isang oras pa lamang ang nakakalipas ay isang box agad ang naipon nila at hindi pa ubos ang mga taong nakapila. “Ang dami nila, grabe itong ganap na ito,” pahayag ni Joshua kayna Chloe at Stephanie “Kailangan tayo naman ang gumawa ng surpresa para kay Daniel kapag nakaipon tayo,” saad naman ni Chloe sa mga kasama. “Oo nga, kung deserve natin ito, deserve din niya na masurpresa na alam nating ikasasaya niya,” tugon naman ni Stephanie sa kaniyang mga kaibigan. Tumigil muna si Daniel sa pag-tulong kayna Stephanie dahil napansin niyang mukhang gutom at kailangan nila ng tubig sa pagod na ginagawa nila, kaya’t naisipan nitong pumunta sa kaniyang dalawa assistant. “Chelsie, Ronald. Can you get some water or any food na pwede namin kainin, siyempre at pwede nyong kainin, miryenda natin, okay lang ba?” pahayag ni Daniel sa dalawa “Opo naman po sir, masusunod po,” tugon naman ni Chelsie sa kaniyang boss na si Daniel “Thank you,” saad naman ni Daniel sa dalawa At muling bumalik sa trabaho, kinausap nito ang mga kaibigan, “Ano? kaya pa ba?” tanong nito “Oo naman, uubusin natin lahat ng yan para kay Stephanie,” tugon naman agad ni Joshua sa kaibigang si Daniel At nag-tuloy na sa pag-tatrabaho ang mag-kakaibigan. Masayang makita ni Daniel ang mga kaibigan na masaya sa kaniyang inihanda para sa kanila lalo na para kay Stephanie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD