Chapter 23 : Litrato

1786 Words
Masayang nag-lilibot ang mag-kakaibigan sa park kung saan pag-mamay-ari nina Daniel iyon. Hindi nila alam ay patungo si Sydney sa kompanya nina Daniel kasama ang mga kaibigan niya at ito ay patungo sa kaniyang ama. Habang nasa byahe sina Sydney at nag-mamaneho naman si Gabriella ay tinanong nito si Sydney, “Malayo pa ba? nasa city na tayo eh. Sigurado ka bang alam mo iyon?” “Isasama ko ba kayo dito kung hindi ko alam?” tugon ni Sydney At napatihimik naman si Gabriella sa sagot ng kaibigan. Bigla namang napansin na ni Sydney ang kompanyang napakalaki kung saan nagtatrabaho ang kaniyan ama, kaya’t papalapit pa lamang ay pinatabi ni Sydney sa Gabriella. “Nakita mo ba ‘yang building na yan? Diyan nagtatrabaho si Dad, pag-mamayari nina Daniel yan,” pahayag ni Sydney sa mga kaibigan. Agad namang napasilip sa bintana si Sofia at napa-nganga sa nakita, “Grabe ang taas, sobrang yaman pala ni Daniel,” tugon naman nito “Akalain mo, ang isang Daniel na nasa paaralan natin. Isa palang Carter?” pahayag ni Gabriella “Ngayon alam niyo na kung bakit nagustuhan ko si Daniel? Bukod sa itsura at matalino, mayaman din, saan ka pa?” saad naman muli ni Sydney “Hindi na ako magtataka,” tugon ni Sofia. At nag-maneho na muli si Gabriella patungo sa parking lot ng kompanya. Habang nag-hahanap ng parking si Gabriella ay napansin nito ang magandang sasakyan na dati pa lang ay pinapangarap na niya. “Wow, ang ganda ng sasakyan,” pahayag ni Gabriella At agad namang napatingin ang dalawa ni Sydney at Sofia sa sasakyan na tinutukoy ni Gabriella. “Ang ganda nga, baka sa dad yan ni Daniel,” pahayag naman ni Sydney. “Hindi kaya kay Daniel?” pag-singit naman ni Sofia sa mga kaibigan. Napansin naman ni Gabriella na may parking malapit sa sasakyan na maganda na nakita niya, kaya agad itong nag-park doon. “Saktong sakto,” pahayag ni Gabriella. Agad ng nag-ayos ang mag-kakaibigan nina Sydney para maayos tingnan pag-taas nila sa building. At nang nakaayos nasila ay sabay-sabay ng bumaba, ngunit si Gabriella naman ay agad na tumakbo sa sasakyang nagpabihag sa kaniyang mga mata at kinuhanan ang sarili niya ng litrato kasama iyon. “Grabe, nag-selfie pa talaga,” pahayag ni Sydney “Syempre girl, sobrang ganda kaya,” tugon naman ni Gabriella. Nag-tungo na ang mag-kakaibigan sa elevator, at tumaas sila sa ground floor. At ng nasa taas na sila ay napa-nganga muli sina Sofia at Gabriella sa nakita, hindi nila inaasahan na ganoon kaganda ang loob ng kompanya. “Ang gandaaaa,” pahayag ni Sofia habang inalis niya ang kaniyang salamin sa mata “Sobra sobra,” tugon naman ni Gabriella. “Sabi ko sa inyo diba,” pahayag naman muli ni Stephanie. Ngunit ng nag-tungo sila sa entrance kung saan inilalagay ang ID ng isang empleyado ay hindi sila pina pasok ng guard. “Pasaan kayo maam?” tanong ng gwardya sa kanila “Sa taas po, pupuntahan si Dad,” tugon ni Sydney sa gwardya. “Sorry maam, pero hindi po kayo pwede makapasok,” tugon ng gwardya sa kaniya. “At bakit hindi? Kilala mo ba ako?” inis na pag-kakatanong ni Sydney “Hindi po, sino po ba kayo?” tanong ng gwardya sa kaniya “Ako si Sydney Jackson, anak ng isang Jackson,” tugon ni Sydney sa gwardya. Napaisip ang guard kung may kilala ba siyang Jackson sa kompanya, kaya’t nag-tungo muna ito sa department at isumbong ang nag-rereklamo. “Siz? Sure ka bang dito nag-tatrabaho dad mo?” tanong ni Gabriella sa kaibigang si Sydney “Oo nga siz, mukhang hindi nila kilala oh,” saad naman ni Sofia “Ano ba kayo? Dadalhin ko ba kayo dito sa taas kung hindi dito nagtatrabaho si Dad?” tanong naman ni Sydney sa mga kaibigan. Napatahimik na lang sina Gabrille at Sofia sa isinagot ni Sydney sa kanila. At nakabalik na din agad ang gwardya at muling kinausap sila. “Sorry maam, pero hindi po talaga kayo pwede pumasok. Kung gusto niyo po, tawagan niyo po kung sino po ang pupuntahan niyo para dito na lamang kayo sa baba mag-usap, pasensya na po,” pahayag ng gwardya kay Sydney.. “Seryoso kuya? Ngayon pa talaga? Irereklamo ko kayo sa dad ko! Tandaan ko pangalan mo!” inis na pag-kakasabi ni Sydney sa gwardya na nag-babantay sa entrance. At sabay na umalis. “Pasaan na tayo Sydney?” tanong ni Sofia sa kaibigan “Tawagan mo kaya dad mo? Baka sumagot,” pahayag ni Gabriella. At agad namang kinuhani Sydney ang kaniyang cellphone sa kaniyang bag, hinanap ang number ng kaniyang ama at tinawagan. “Nagriring ba? sumagot?” tanong ni Sofia “Hindi,” tugon ni Sydney “Alam mo, nag-sayang lang tayo ng oras dito. Ano ba kasi kailangan mo dito?” pahayag ni Gabriella sa kaibigan na si Sydney. “Kakausapin mo ba talaga ang dad mo o hahanapin mo lang sa kanila si Daniel?” tanong naman muli ni Sofia. “Alam niyo kayong dalawa, wag nalang kayo magtanong. Kung ayaw nila mag-papasok di wag!” pahayag ni Sydney sa kaniyang mga kaibigan. Wala na silang maisip na gawin at nawawalan na din ng pag-asa si Sydney na sagutin ng kaniyang ama ang kanyang tawag. At sa kakalibot ni Sofia sa ground floor, may napansin siyang pinto kung saan puro green na halaman ang nandoon. At bumalik naman agad di Sofia sa kaniyang mga kasama, “Sis! Ano ‘yung nandoon sa katabi?” tanong nito “Ah, park yun. pag-mamay-ari din nina Daniel,” tugon ni Sydney na tila ba’y nawawalan na ng gana. “Tara tara, gusto ko makita yung sinasabi mo,” pahayag naman ni Gabriella. At sabay na tumayo ang dalawa ni Sydney at Gabriella at nagtungo sa sinasabi ni Sofia. At pag-labas nila sa pintuan na malaki kung saan nag-lalabasan doon ang ibang empleyado ng kompanya ay napa-nganga sila sa ganda. “Wow, puro halamaaan, ang ganda,” reaksyon ni Sofia ng makita ang park “Seryoso ka kayna Daniel talaga ito?” tanong ni Gabriella kay Sydney “Oo, sa mama niya talaga yan. Ewan ko nalang kung kay Daniel na, kasi balita ko ibibigay sa kaniya ito,” tugon ni Sydney sa kaibigan. Hindi nila alam ay nandoon sina Daniel, Stephanie, Chloe at Joshua. Kaya’t derederetso silang tumaas at tiningnan kung anong itsura ng napakalaking park. “Girls, libot lang ako doon ah?” pahayag ni Sofia ng may makitang puno na malaki kung saan pwedeng umupo at kumain dahil may kainan din doon. “Sige, puntahan ka nalang naming, samahan ko lang itong si Sydney,” tugon ni Gabriella. Ng makarating doon si Sofia ay bumili ito ng isang ice cream, at ng makabili ay naupo sa upuan sa malaking puno. Habang nakain ito ay nag-titingin tingin din ito sa paligid dahil sa ganda nga mga bulaklak. Ngunit may isa siyang napansin, “Kaibigan yun ni Stephanie ah?” pabulong ni Sofia sa kaniyang sarili at biglang kumunot ang noo. Ng makita niyang lumapit kay Joshua si Daniel at kinausap, ay bigla itong nagulat. Agad itong tumayo at nag-tatakbo kayna Sydney at Gabriella. “Sy-sydney!” pag-tawag ni Sofia sa kaibigan “Bakit ka hingal na hingal, have you seen ghost? Hahahahha!” tanong ni Gabriella kay Sofia “Nakita ko si Daniel!” tugon ni Sofia sa mga kaibigan, At agad na napalingon sa kanila si Sydney, “Saan!? Saan mo nakita?!” tanong ni Sydney sa kaibigang si Sofia. “Doon sa dulo, kasama sina Joshua!” tugon muli ni Sofia kay Sydney At biglang nag-init ang ulo muli ni Sydney ng malaman niyang kasama ni Daniel ang mga kaibigan niyang taga- bahay ampunan. “Hindi maaari,” pahayag ni Sydney Agad namang pumunta sina Sydney sa tinutukoy ni Sofia kung saan nakita nito sina Daniel. Ngunit hindi nila alam ay nakaalis na rin ang mag-kakaibigan nina Daniel dahil nakita ni Chloe si Sofia sa puno at napag-tanto nito na kasama nito sina Sydney. “Bakit mo ba kami minadali?!” tanong ni Joshua kay Chloe “Sina Sofia! Di ba kaibigan iyon ni Sydney, nandito sila!” tugon ni Chloe sa mga kaibigan niya. “Let’s go guys, ayoko na mapahamak pa kayo dahil sa mga babae na iyon,” pag-aaya ni Daniel sa mga kasama. “Oo nga, baka saktan na naman nila si Stephanie,” tugon naman ni Chloe. Agad na silang nag-tungo sa parking lot, kung saan nandoon ang sasakyan nila. Dali-daling nag-tago muna sa sasakyan pansamantala. “Buti nakita mo sila, salamat ah,” pahayag ni Stephanie. “Buti na nga lang at kung hindi, mageeskandalo pa tayo dito for sure,” tugon ni Chloe. Nag-hahanap sina Sydney sa lugar kung saan nakita ni Sofia sina Daniel, ngunit hindi nila makita. “Sigurado ka bang nandito? Pinag-loloko moa ta kami eh,” pahayag ni Sydney sa kaibigang si Sofia. “Sigurado ako na si Daniel iyon!” tugon ni Sofia. “Alam mo tara na, umuwi na tayo, nag-sasayang tayo ng oras sa wala,” pag-aaya ni Gabriella sa mga kasama niya. “Oo nga, tara na, nainis lang lalo ako,” tugon ni Sydney. At sabay-sabay na silang nag-punta sa parking lot kung saan nandoon ang sasakyan nila, at habang palabas sila ng parking lot, ay napansin sila ni Joshua habang nasa loob sila ng sasakyan. “Huy! Sina Sydney!” pahayag ni Joshua at agad na itinuro ang mga ito Napatingin naman ang tatlo, at di nila inaasahan na mag-kalapit lang ang kanilang sasakyan. Nagulat sila ng biglang lumapit si Gabriella sa sasakyan ni Daniel at muling kumuha ng litrato, nagulat ito bigla ng may kumalampag galing sa sasakyan. “Joshua! Ang ingay mo,” pabulong ni Chloe “Papalapit yung babae, yuko!” pabulong din ni Daniel. Sumilip si Gabriella sa loob ng sasakyan at wala siyang maaninaw sa loob nito dahil sa nakalagay na tint. “Sayang naman,” pahayag ni Gabriella at muling nagtungo sa kaniyang sasakyan. Nag-start na ang sasakyan nina Gabriella at umalis na sila sa parking lot at nakita naman iyon ni Daniel, “Okay na guys, wala na sila,” pahayag ni Daniel “Muntikan na iyon ah,” pahayag ni Joshua sa kaibigan At nakahinga na sila ng maluwag. Nag-ayos na sila, at hindi nag-tagal ay umalis na rin dahil sa hapon na sila. Habang nag-mamaneho si Daniel, ay hiniram ni Chloe ang cellphone nito at tiningnan ang kanilang mga litrato. Unang beses nilang maranasan iyon, kaya’t hindi maipaliwanag ni Chloe ang kaniyang mararamdaman sa sobrang saya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD