Chapter 24 : Guide

1688 Words
Hawak ni Chloe ang cellphone ni Daniel at pinag-mamasdan ang litrato nilang mag-kakaibigan. “Anong tinitingnan mo diyan Chloe?” tanong ni Daniel ng napansin niya na hawak ni Chloe ang kaniyang cellphone. “Mga picture naming kanina, ang galing mo kumuha ng litrato,” tugon ni Chloe sa kaibigan. “Gusto mo ba magkaroon din ng copy para hindi lang ako ang meron?” tanong muli ni Daniel “Pwede ba? hindi ba nakakahiya sayo?” tanong naman ni Stephanie. “Ano ba kayo, syempre naman. Kayo pa ba?” tugon naman ni Daniel. “Salamat Daniel ah!” pahayag ni Chloe sa kaibigang si Daniel At dahil nakaramdam ng gutom si Daniel habang nag-mamaneho, ay nag-aya ito na kumain muna sila sa kainan nila sa tapsilogan. “Is it okay guys if kumain muna tayo sa tapsilogan bago ko kayo ihatid sa bahay ampunan?” tanong nito. “Oo naman, basta libre mo!” tugon ni Chloe sa kaibigan na si Daniel ng pabiro. At natawa din naman ito “Huy mahiya ka naman,” pahayag ni Stephanie sa kaibigang si Chloe ng marinig iyon “Ano kaba, okay lang yun,” tugon ni Daniel “Pag-pasensyahan mo na kaibigan naming ah? Wala talagang hiya yan eh,” pahayag ni Joshua, at sinamaan agad ng tingin ni Chloe si Joshua ng marinig iyon. Nag-tawanan ang mag-kakaibigan habang iniinsulto ni Joshua si Chloe, ilang minuto ang lumipas ay masaya ang naging byahe nila. Nakarating na sila sa tapsilogan malapit sa kanilang paaralan at agad-agad ng nag-sibabaan dahil lahat sila ay nakaramdam nadin ng gutom. Unahan sina Chloe at Joshua patungo kay ate para umorder ng kanilang pag-kain. At natuwa naman si Daniel ng makitang ganoon ang kaniyang mga kasama habang si Stephanie naman ay pinagmamasdan lang din ang dalawa. “Pag-pasensyahan mo na mga kaibigan ko ah? Lagi talaga silang ganiyan na nag-babayangan,” pahayag ni Stephanie kay Daniel “It’s okay Steph, mas ayos nga yun kase nakikita ko na silang komportable na kasama niyo ako,” tugon ni Daniel sa kaibigan Napansin naman ni Chloe at Joshua na nakatingin sa kanila ang dalawa ni Stephanie at Daniel at naman silang nahiya at nawala ang pag-mamadali sa pag-order. “Tara na umorder?” nakangising pag-kakasabi ni Chloe sa dalawang kaibigan “Oo nga, tara na. baka gutom na din kayo?” saad naman ni Joshua Lumapit na ang dalawa ni Stephanie at Daniel sa kanila ng tinawag sila at umoroder na rin ng kanilang kakainin. Nasa school sina Sydney kasama ang kaniyang mga kaibigan, hinahanap parin kung nasaan sina Daniel. “Umaasa ka pa rin ba na makita sina Daniel at kaniyang mga friends from bahay ampunan?” tanong ni Sofia kay Sydney “Oo, pag nakita-kita ko talaga ulit ‘yang si Setphanie hihilahin ko ang kanyang buhok,” pahayag ni Sydney kay Sofia. Habang nag-iisip ng paraan si Sydney ay may naisip na paraan si Gabriella. “What if tawagan mo ulit yung matanda na sinasabi mo na taga bahay ampunan, and isumbong mo na nakita mo sila sa malayo,” pahayag nit okay Sydney “Oo nga no? you’re right, wait tawagan ko si matrona nila,” tugon ni Sydney sa mga kaibigan. Agad na tinawagan ni Sydney ang assistant ni madrona na si Cristina, “H-hello? Sydney, napatawag ka?” tugon ni Cristina kay Sydney noong sinagot ang tawag. “Hello? Si Ms. Hilda po? Can I talk to her?” tanong ni Sydney kay Cristina “Sige, saglit lang iaabot ko sa kaniya,” tugon ni Cristina, at agad naman itong pumunta sa kwarto ng matrona at iniabot ang telepono. “Hello? Sino ito?” tanong ng matrona ng hawak na nya ang telepono. “Sydney Jackson po, may sasabihin po ako sa inyo,” tugon ni Sydney “Ano yun?” tanong muli ng matrona. “Nakita po namain sina Stepahnie, kasama si Chloe at Joshua pati na rin po si Daniel sa park sa city,” pag-kakasabi ni Sydney sa matrona na si Hilda At agad na napabangon ang matrona sa kaniyang higaan at biglang nainis ng malaman iyon. “At bakit sila nandoon, alam nilang bawal na bawal silang pumunta sa malayo. Mahigpit na ipinagbabawal iyon,” pahayag ng matrona. “Hindi ko po alam, ang maganda niyo pong gawin ay pag-sabihan sila. Pwede po bang humiling sainyo na wag niyo nalang sasabihin kung sino ang nag-balita sainyo?” tanong ni Sydney. “Oo naman, salamat sa iyo at sinabi mo sa akin,” pahayag ng matrona sa kaniya “Sige po, thank you din,” tugon naman ni Sydney at pinatay na ang telepono. Ngiting tagumpay ang pinakita ni Sydney sa kaniyang mukha, at napansin iyon nina Sofia at Gabriella. “Ang ganda ng ngiti mo girl ah?” pag-tataka ni Gabriella “Ano ang ganap natin diyan?” tanong naman ni Sofia “For sure mapapagalitan sila ng kanilang matrona at hihigpitan, akalain niyo yun bawal pala silang mag-lalayo sa bahay ampunan, hahahaha,” pahayag ni Sydney sa mga kaibigan “Oh,oh, mukhang may mapapagalitan sa kanila pag-uwi nila ah? I’m soooo excited,” tugon ni Sofia sa narinig kay Sydney. “That’s for sure, so ano na? Let’s go somewhere?” pag-aaya ni Sydney na tila ba’y wala na siyang iniisip na problema “Tara na sa sasakyan, let’s goooo shopping,” pahayag ni Gabriella. At nagtungo na ang mag-kakaibigan sa sasakyan ni Gabriella kung saan nandoon sa parking lot. Umalis ng masaya ang mga ito ng masaya at habang nag-mamaneho si Gabriella ay may napansin ito sa daan. Nagandahan na naman ang kanyang mata sa kanyang paboritong sasakyan na hindi niya alam ay pag-mamayari ni Daniel. “Girl ano tinitingnan mo?” tanong ni Sofia. “’Yung sasakyang Sofy,” tugon ni Gabriella habang tinuturo. Napatingin naman si Sydney at Sofia ng itinuro ni Gabriella. “Hindi ba ganyan ang nakita natin kanina sa parking lot doon sa company nina Daniel? Right?” pag-tataka ni Sofia “Oo nga, tama ka. Wait, tumigil ka sa tabi Gabriella,” pahayag naman ni Sydney ng mapansin iyon. Dali-daling bumaba si Sydney at tiningnan ang loob ng sasakyan kung may tao ba iyon. Hindi alam nina Stephanie ay si Daniel talaga ang may-ari niyon. Ng makita ni Sydney na walang tao sa loob ng sasakyan at patay ang makina nito, ay napapaisip ito kung nasaan ang may ari ng sasakyan. Lumapit naman sa kaniya si Gabriella, “What if nasa loob ng tapsilogan ang may ari ng sasakyan?” saad nito sa kaibigang si Sydney. “Oo nga, try mo, malay mo kilala mo,” pag-singit naman ni Sofia. Nag-lakad patungo sa tapsilogan si Sydney, hindi na sinamahan ni Gabriella at Sofia ang kaibigan. Papalapit ng papalapit na ito at biglang may humarang na aso, at tinahulan siya ng tinahulan. “AHHHHH! Doooog!” Pag-sigaw ni Sydney at agad na tumakbo patungo sa sasakyan ni Gabriella. Ganoon din si Sofia at Gabriella na nag-tatakbo din sa sasakyan. Narinig naman nina Daniel, Stephanie, Chloe at Joshua ang sigaw ng isang babae, napatingin ang mga ito sa labas dahil sa sobrang lakas ng pag-kakasigaw. “Ang lakas naman noon sumigaw, tapos englishera pa aso lang naman pwede na,” pahayag ni Joshua. “Oo nga, siguro mayaman yun or sosyalin no?” saad naman ni Chloe sa mga kaibigan. “Hahahhahaa! Doooog, arf arf,” pabirong pag-kakasabi ni Joshua sa mga kaibigan. At nagtawanan sila ng sabay-sabay, ngunit parang nabosesas ni Stephanie ang babae. Pumasok sa kaniyang isip si Sydney. Napansin naman siya ni Chloe, “Ang tahimik mo ah, ano nasa isip mo?” tanong nito kay Stephanie. “Ahh, para kasing nabosesan ko yung sumigaw,” tugon ni Stephanie sa kaibigan “Sino? Sino nasa isip mo?” tanong naman ni Daniel. “Parang si Sydney, hindi niyo ba pansin?” tugon ni Stephanie sa mga ito. “Hindi eh, gusto niyo icheck ko?” pahayag naman ni Joshua, “W-wag na, wag na,” tugon ni Stephanie. “Hindi, ichecheck ko na para sure, malay natin diba?” tugon ni Joshua at agad namang tumayo para tingnan. Nag-punta siya sa labas, kung saan nandoon ang sasakyan ni Daniel, tumingin sa kaliwa at pag-tingin niya sa kanan, napansin niya ang sasakyan ni Gabriella. “Kay Gabriella yun ah?” pag-tataka nito, at biglang pumasok sa isip niya ang sinabi ni Stephanie.  Agad na tumakbo si Joshua sa loob ng kainan at agad na kinausap ang mga kaibigan, “Tama ka! Feeling ko tama ka!” pahayag ni Joshua na natataranta. “Bakit? Ano nakita mo?” tanong ni Chloe “Nakita ko ang sasakyan nina Sydney na sinasakyan nila palagi, hindi ba kay gabriella yun? yun yung gamit nila!” tugon ni Joshua kay Chloe. “Eh nandyan pa ba?” tanong naman ni Daniel sa kaibigan, “H-hindi ko alam, mukhang umalis na. Sa tingin niyo nakita nila tayo?” tanong ni Joshua “Hindi siguro? Tumakbo sila palayo eh, dahil ng Arf arf Dooooog! Hahahahhaa!” Pabirong tugon ni Daniel sa mga kaibigan. At muling nag-tawanan ang mga ito, “Buti nalang hinabol sila ng aso,” pahayag ni Stephanie. “Pakiramdam ko may naka guide sayo Stephanie,” saad naman ni Chloe “Paano mo naman nasabi Chloe ha?” tanong naman ni Joshua. “Hindi niyo ba napansin? Muntikan na tayong sugudin dito, kung hindi siguro dahil sa aso na nagpakita sa kanila na hindi naman natin nakita kanina, baka nag eskandalo na naman sila,” tugon ni Chloe sa mga kaibigan. “Oo nga no? swerte mo naman Stephanie,” pahayag ni Daniel. “Alam niyo, ubusin na natin itong pag-kain, dahil mag aalasingko na, lagot na naman tayo kay matrona,” pahayag ni Joshua sa mga kaibigan. At agad na kumain muli ang mag-kakaibigan at inubos agad ito para hindi gabihin, ngunit habang nakain si Stephanie ay pumasok sa isip niya ang mga ginagawa sakaniya ni Sydney dahil lang sa pag-seselos nito sa kanila ni Daniel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD