Nakarating na ang mag-kakaibigan sa bahay ampunan, at muling napansin ni Daniel na nakaabang ang matrona sa taas. “Maganda hapon po,” pag-bati ni Daniel sa matrona. “Magandang hapon din iho,” pag-bati din naman ng matrona. Nagulat naman sina Chloe na nandoon ulit ang matrona at inaabangan sila. Napatingin din naman si Stephanie at Joshua. “M-magandang hapon po,” pag-bati ni Joshua. “Sayo din,” tugon naman ng matrona. Sa sagot ni matrona kay Joshua, ay tila kinabahan si Chloe na parang may nagawa na naman silang mali. Kinakabahan si Chloe pag-pasok nito sa loob. At nag-paalam na sila kay Daniel, “Salamat ulit!” pag-papasalamat ng magkakaibigan. “Sige, see you all bukas sa school,” tugon naman ni Daniel at sumakay na muli sa kaniyang sasakyan. Nagtungo na ang mag-kakaibigan sa hagdan

