Chapter 26 : Behind

1155 Words
Habang nasa silid sina Chloe at Stephanie kasama ang mga bata ay kinatok na sila ng matrona para kumain sa canteen, “Stephanie? Mag-handa na at tayo ay kakain na,” pahayag ng matrona sa kanila “O-opo matrona masusunod po,” tugon ni Stephanie. Agad na pinapila nina Stephanie at Chloe ang mga bata, “Mga bata, pila na. Kakain na tayo,” pag-tawag ni Chloe sa mga ito. Dali-dali namang nagsipila ang mga bata ng maayos. Nasanay na ang mga bata sa patakarang ganoon kaya’t hindi na ganoon nahihirapan sina Stephanie at Chloe. “Nakakatuwa naman kayo, magaling yan at napila na kayo ng maayos,” pahayag muli ni Stephanie “Opo naman po, gutom na po kasi kami eh,” tugon naman ng isang bata na si Hayley “Oh sya, tara na. Pag-labas natin, bawal ang maingay okay ba iyon? Susunod sa amin ng ate ha,” pahayag naman ni Stephanie sa mga bata. “Opo Ate Stephanie,” tugon naman ng mga bata. Nakalabas sila ng maayos ang pila at tahimik. Nag-lakad ng hindi nag-kakagulo, ng lumabas ang matrona ay napansin niya iyon. Dahan-dahan na bumaba sa hagdan ang mga ito, napansin din naman iyon nina Joshua. Nakapila ang lahat ng mga bata, katabi ang mga batang lalaki. Nag-kadikit naman sina Joshua Stephanie at Chloe. “Ang ayos ng mga alaga niyo ngayon ah?” pag-tataka ni Joshua sa mga kaibigan. “Gutom na daw kasi kaya ganyan sila,” tugon ni Stephanie “Samantalang ang mga kasama kong bata, tingnan mo nagkakagulo, Hahaha!” tugon naman ni Joshua habang natatawa. “Wala, ganyan talaga lalo na kapag mga lalaki, makukulit. Ganyan ka din naman dati Joshua, okay lang yan. Hahhahaha!” pahayag naman ni Chloe at tumawa din. Isa-isa na silang nagsipasukan at nag-punta sa kaniya kaniyang pwesto. Inisa-isa nina Stephanie at Chloe ang mga bata ng makaupo ng ayos. Binigyan nila ng tigigisang plato, kutsara at tinidor sa kanilang hapagkainan. Ng mabigyan na nila ng pag-kain ang mga bata ay kumuha na din sina Stephanie, Chloe at Joshua ng kanilang pag-kain at pumwesto sa kanilang lamesa. “Alam niyo, nakakapagod ang araw na ito. Hindi ko alam kung bakit,” pahayag ni Joshua “Sobra, ganito pala yung pakiramdam ng nag-lilibot kung saan saan. Masaya nga pero alam niyo yun, may oras talagang mapapagod ka lalo na’t naninibago tayo,” saad naman ni Chloe. “Eh di hindi na kayo sasama kay Daniel?” tanong naman bigla ni Stephanie “Syempre sasama! Haha ano ka ba Stephanie, ipag-dadamot mo pa ba yung oras na to?” pabiro ni Joshua sa kaibigan at nagsitawanan. “Ang bilis bawiin ah, akala ko ba pagod ka?” pahayag naman ni Stephanie Tinawanan ni Chloe si Joshua sa sinabi ni Stephanie. “Alam niyo kumain na lang tayo, baka lumamig na ang pagkain,” saad ni Joshua.  At nag-tuloy na sa pag-kain ang mag-kakaibigan. Biglang umimik muli si Joshua dahil sa naalala, “Hindi ba kayo napapaisip kung sino ang nag-sumbong sa matrona?” tanong nito sa mga kasama, “Hindi, bakit may naisip ka ba kung sino?” tanong ni Stephanie kay Joshua “Ahm, hindi sa nag-bibintang ako pero hindi ba posible na si Sydney ang nag-sabi sa matrona dahil siya lang naman ang bukod tanging nag-iinit ang ulo sa atin pag kasama si Daniel?” tugon ni Joshua sa mga kasama. “Oo nga no? paano nga Stephanie kung sila may pakana non?” pahayag naman ni Chloe. Hindi naka-imik si Stephanie sa mga sinabi ng kaniyang mga kaibigan, at napaisip rin bigla na baka nga sina Sydney ang nag-sumbong. Ng biglang lumapit ang matrona sa kanila, “Anong pinag-uusapan niyo?” tanong nito. “Ah eh, wala po matrona,” tugon naman agad ni Chloe, “Pinag-uusapan lang po naming ang project ni Chloe, nag-papatulong po siya dahil mahirap daw po iyon,” tugon naman ni Joshua “Sige sige, may napag-usapan na tayo ah. Kapag naulit iyon, matakot na kayo,” pabulong ng matrona sa kanilang tatlo. “Sige po matrona,” kampanteng tugon ni Stephanie sa matrona. Umalis na ang matrona ng biglang nakaramdam ng kakaiba kay Stephanie, naging palaban ang sagot ni Stephanie sa pag-kakasabi ng matrona. “Mukhang hindi natatakot ang batang iyon ah, tingnan lang natin,” pabulong ng matrona sa kaniyang isip. Nakalabas na ng kainan ang matrona, ng biglang nag-salita si Chloe. “Hindi ka man lang natakot sa sinabi niya?” tanong nito. “Bakit kailangan matakot?” tanong naman ni Stephanie. “Oo nga, wala naman tayong ginagawa para matakot sa kaniya,” tugon naman ni Joshua. “Hindi niyo kailangan matakot, dahil wala naman tayong ginagawang masama sa kaniya. Malaki na tayo, alam na natin ang tama at mali. Magalit siya kung may nagawa tayong mali talaga, ni hindi ko nga alam bakit parang mainit ang ulo noon sa atin eh,” pahayag ni Stephanie sa kaniyang mga kaibigan. “Nakita mo din yun Stephanie?” biglang tanong ni Chloe, “Ang alin? Ang mapansin na galit na galit siya sa atin?” tanong ni Stephanie kay Chloe. “Oo, kasi akala ko ako lang ang nakapansin,” saad naman ni Chloe “Oo, napapansin ko na nagagalit siya habang tayo wala naman tayong ginagawa, alam mo yung tipong kailangan tayo pabantayan? Hindi normal iyon, halatang may pinag-iingatan siya,” tugon naman ni Stephanie “Oo nga no? napaisip ako doon bigla, alam niyo, kailangan talaga natin malaman kung anong meron sa matrona ah, halata na eh,” pahayag naman ni Joshua. Habang nag-uusap sila ay lumapit sa kanila ang bata na si Shiela, “Ate Stephanie? Tapos na po kami kumain, pwede na po ba tumaas?” tanong nito. “Huy Shiela, oo naman. Saglit lang ah, ibabalik lang naming itong pinag-kainan naming nina Ate Chloe mo, ayos ba yun? Hintayin niyo kami diyan,” tugon naman ni Stephanie sa bata. “Okay po ate Stephanie,” tugon naman ng bata at bumalik muli sa kanilang kinauupuan. “Huy Chloe tara na, at ikaw din Joshua baka nag-hihintay na din sayo ang mga bata,” pahayag ni Stephanie sa kaniyang mga kaibigan. “Sige sige, ibalik na natin ito at mukhang antok na ang mga bata,” pahayag ni Chloe. “Oo nga, lilinisan pa natin ang mga iyon,” tugon naman ni Joshua. Sabay-sabay na tumayo ang mga ito at nag-tungo sa kusina at inilagay ag kani-kanilang mga plato sa lababo, “Hi ate, eto na po an gaming pinag-kainan,” pahayag ni Chloe “Sige, ilapag niyo na lamang diyan,” tugon naman ng matandang babae na nasa kusina. “Sige po, thank you po,” pahayag naman ni Stephanie. At matapos iyon ay bumalik na sila sa kani-kanilang bantay na mga bata at tinawag na nila upang pumila na muli ng maayos para mag-tungo na sila sa mga silid nila. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD