Chapter 27 : Caught

1122 Words
Pabalik na sina Stephanie sa kanilang silid kasama ang mga bata, at habang nag-lalakad sila sa hallway ay napansin nila ang matronang si Hilda na galing sa kanilang silid kasama si Cristina, kaya’t sila ay napatigil. “Saglit, wag ka mag-lalakad,” pahayag ni Stephanie sa kaibigang si Chloe, napatigil din naman ang mga bata. “Bakit? Anong meron?” napabulong si Chloe sa biglaang pag-tigil nila sa daan. “Ang matrona, galing sa silid natin,” tugon ni Stephanie kay Chloe, “Ang matro!?” napa-sigaw ang bata ng marinig yun ngunit biglang tinakpan ni Chloe ang bibig nito, “Shhhhhhh” pahayag ni Chloe Napalingon ang matrona sa likod niya ng parang may narinig siya, “May narinig k aba Cristina?” tanong ng matrona sa kasama niyang si Cristina, “W-wala po matrona, tara na po?” tugon ni Cristina sa matrona, kaya’t nag-tungo na sila sa kanilang silid. Sumilip si Stephanie sa hallway ng bahay para siguraduhin kung nandodoon pa ba ang matrona tsaka si Cristina, at ng pag-silip niya ay wala na ang mga ito. “Nandyan pa ba?” tanong ni Chloe ng pabulong sakaibigang si Stephanie, “Wala na, tara na mga bata. Wag kayong maingay ha,” pahayag ni Stephanie sa mga kasama, “Opo,” sabay-sabay na pag-tugon ng mga bata ng pabulong. Nag-patuloy na sa pag-lalakad ang mga ito patungo sa kanilang silid, at ng nasa silid na sila ay wala namang nadatnan na masama sina Stephanie at Chloe kaya’t pinapasok na nila ang mga alaga nilang bata. Nag-tungo na ang mga bata sa kani-kanilang mga kama at nag-handa ng kani-kanilang mga damit. Isa-isang nilinisan nina Stephanie at Chloe ang mga ito, at ng matapos iyon ay bumalik na ang mga bata sa kani-kanilang mga kama para mag-pahinga. “Pakiramdam ko pagod na pagod ako ngayong araw na ito,” pahayag ni Chloe at napatingin naman sa kaibigan, “Ikaw ba? hindi ka ba napapagod?” tanong naman nito. “Hindi,” tugon ni Stephanie sa kaniyang kaibigan, “Makatulog na nga lang, napakatipid naman mag-salita nito,” saad naman muli ni Chloe. “Chloe, sa tingin mo bakit nag-punta dito sa silid natin ang matrona?” tanong ni Stephanie sa kaibigang si Chloe. Napatingin naman muli si Chloe kay Stephanie, “Hindi ko din alam, h-hindi kaya may hinahanap siya?” saad naman ni Chloe kay Stephanie, “Ano naman ang hahanapin niya?” tanong ni Stephanie “Hindi ba na saiyo ang libro na kinuha natin doon sa isang silid na kung saan hindi tayo pwede makapasok? Baka nakakalimutan mo na nasa atin,” tugon ni Chloe sa kaibigan na si Stephanie. “Oo nga ano? hindi niya pwedeng malaman na nasa atin kasi delikado tayo nito,” pahayag naman ni Stephanie sa kaibigan, “Wag talagang ipapaalam, lalo na ngayon na mainit ang ulo niya sa atin na kung hindi tayo napasok sa school baka kinulong na tayo,” pahayag naman ni Chloe sa kaibigan. “Mag-ingat na lang tayo, sige na matulog ka na. May pasok pa tayo bukas, baka tanghaliin kana naman,” saad ni Stephanie kay Chloe. “Good night, matulog ka na rin at wag kana mag-isip ng kung ano-ano,” tugon ni Chloe sa kaibigan Natulog na ang dalawa nina Stephanie at Chloe. Kinaumagahan, hindi pa maliwanag ay nagising na si Stephanie at nadatnan niyang nakaupo na si Chloe sa kaniyang kama at nag-aayos na ng kaniyang sarili. “A-ang aga mo,” pahayag ni Stephanie sa kaibigan, “Anong maaga? Kanina pa kita ginigising hindi ka magising Kumilos ka na baka nag-hihintay ni Joshua sa baba, ma-huli pa tayo sa klase,” tugon ni Chloe sa kaibigang si Stephanie. Dali-daling kumilos si Stephanie, inihanda ang kaniyang mga damit na susuutin ng makita niya ang kanilang orasan. Ng biglang natawa si Chloe, “Hahahahaha! Ano ka ngayon, ikaw naman ‘tong nahuhuli,” pahayag nito. Ngunit hindi nalang pinansin ni Stephanie ang kaibigang si Chloe at nag-tungo agad ito sa banyo para maligo ng mabilis. Ng makatapos ito sa pag-ligo ay nakita niyang wala na si Chloe sa kaniyang kama, kaya’t lalo itong nag-madali ng naisip niyang baka bumaba na ito at pinuntahan na si Joshua. “Ano ba yan, hindi na ako hinintay,” pahayag nito Ng matapos itong maka-pagayos ng sarili ay dali-dali siyang bumaba, at walang nadatnan na kaibigan. Nag-tanong ito sa isang hardinero ng bahay ampunan, “Kuya, nakita niyo po ba sina Chloe?” tanong nito. “Oo, lumbas na. Tingnan mo sa labas ng gate,” tugon ng hardinero. Lumabas si Stephanie at nakita niya ang sasakyan ni Daniel na nakaparada, ng biglang nag-bukas ang bintana nito at kumaway si Chloe. “Pa-huli ka pa ha, sakay na,” pahayag nit okay Stephanie “Pasensya na,” tugon ni Stephanie sa mga kasama. Natawa naman ang tatlo, “Ano ka ba Stephanie, It’s okay,” tugon ni Daniel. Nag-simula ng mag-maneho si Daniel at nag-tungo na sa paaralan, sa ilang araw na dumaan, ay lagi na silang napapansin ni Sydney na mag-kakasama at dinadaanan ni Daniel. Ng makarating na ang mag-kakaibigan sa paaralan ay napansin nila si Sydney na bumaba sa kaniyang sasakyan, at biglang napatingin ito sa kanila na tila ba’y galit na galit ito sa kanila. “Ang sama naman noon makatingin,” pahayag ni Chloe “Hayaan niyo na iyon hanggang sa mainsulto siya,” tugon naman ni Daniel “Alam niyo ang ganda na sana, masama lang ugali. Hahahhahaa!” saad naman ni Joshua at biglang nag-tawanan sina Chloe at Daniel. “Tumpak ka diyan,” tugon naman ni Stephanie pabulong Habang nag-lalakad si Sydney, ay napansin niya ang kaniyang mga kaibigan na nag-hihintay sa kaniya sa hallway. “Good morning mga siz,” pag-bati ni Sydney sa mga kaibigan, “Tagal mo naman girl,” pahay naman ni Sofia sa kaniya “Ano ka ba, para kaunting oras hindi ka maka-paghintay?” tugon naman ni Sydney sa kaibigan at hindi naman nakaimik si Sofia. “Anyway guys, nakita ko na naman si Daniel na sinusundo ang mga kaibigan niyang taga bahay ampunan. Hindi ko alam bakit mas pinili niya pa yung mga taong iyon na nasa baba lang naman tapos hindi tayong mga nasa taas na kapantayan niya,” pahayag ni Sydney sa mga kaibigan, “Ewan ko ba diyan sa lover boy mo o sa prince charming mo, taka din naman kami sayo bakit patay na patay ka doon,” saad naman ni Gabriella sa kaniya. Hindi na umimik si Sydney sa pang-iinsulto nito sa kaniya, kaya’t inirapan nalamang niya ito at nag-lakad na patungo sa kani-kanilang classroom. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD