Chapter 38: Tinatagong Emosyon

2224 Words
Natapos ng kumain ang mag-kakaibigan ng ice cream at halos busog na busog ang mga ito. “Ano Joshua? Kaya pa ba? Hahaha! Ikaw kasi eh, nag-hamon ka pa sa akin,” pahayag ni Daniel sa kaibigang si Joshua “Kaya ko ‘to ano ba, chill ka lang diyan isang lunok na lang ‘to,” tugon ni Joshua sa kaibigan “Hamon ka kasi ng hamon, ewan ko na lang kung tumakbo ka sa cr pag-katapos niyan,” saad naman ni Chloe kay Joshua. “Magdederetso yan sa banyo pag-katapos niyan, tingnan niyo, sabihin mo na agad Daniel kung nasaan ang banyo niyo,” pahayag ni Stephanie sa mga ito “Sa left side doon malapit sa cashier Joshua,” pahayag naman ni Daniel sa kaibigang si Joshua ng sinabi iyon sa kaniya ni Stephanie Hindi nag-tagal ay biglang nakaramdam ng kakaiba si Joshua sa kaniyang tiyan na para bang kumukulo ito, “Tinatawag na ata ako ng kalikasan!” pahayag ni Joshua sa mga kaibigan, at agad naman itong tumayo at nag-tungo sa banyo. “Ang galing mo Stephanie ah, paano mo nalaman?” pag-tataka ni Chloe sa kaibigang si Stephanie “Hindi ko din alam, bigla lang pumasok sa isip ko,” tugon ni Stephanie kay Chloe “Alam mo feeling ko, special kang tao na may kakayanang makasense ng something na wala namang ginagawa, you’re so unique,” saad naman ni Daniel sa kaibigang si Stephanie Hindi nakaimik si Stephanie sa nasabi ni Daniel sa kaniya. Ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin nalabas si Joshua sa banyo, kaya’t pinuntahan na ito ni Daniel. “Saglit lang guys ah, check ko lang si Joshua baka kung napaano na,” pahayag nito sa mga kaibigan. “Sige Daniel,” tugon naman ni Stephanie, at sabay na umalis si Daniel at nagtungo sa banyo. “Stephanie? May tanong ako,” pahayag ni Chloe sa kaibigan, “Ano yun?” tanong naman pabalik ni Stephanie kay Chloe “Ni minsan ba, hindi ka nag-kagusto kay Daniel?” tanong muli ni Chloe dito “Hindi? Hindi, bakit?” tugon ni Stephanie sa kaibigan “Wala lang, napaka-bait kasi ni Daniel para hindi magustuhan lalo na sayo, hindi mo ba pansin?” saad naman muli ni Chloe kay Stephanie “Hindi naman siguro, baka dahil mag-kaklase kami at mag-kaibigan kami,” tugon muli ni Stephanie kay Chloe. Habang nag-hihintay sina Stephanie at Chloe kayna Daniel at Joshua, ay biglang dumating sa shop ni Daniel ang kaniyang ina na si Mrs. Carter. Napatingin si Chloe sa pintuan ng shop ng biglang tumunog ang bell na nakasabit doon. “Hindi ba nanay iyon ni Daniel?” tanong ni Chloe kay Stephanie Tiningnan naman agad ni Stephanie iyon ng itinuro ni Chloe ang nanay ni Daniel, “Oo nga, siya nga,” tugon ni Stephanie kay Chloe Ng naka-order na si Mrs. Carter ay nag-hanap ito ng upuan, habang nag-hahanap ay napansin nito sina Stephanie at Chloe at nakatingin ito sa kanila kaya’t kumaway ito at nag-tungo sa kanila. “Stephanie at Chloe, nandidito pala kayo, kanina pa ba kayo?” pag-bati ni Mrs. Carter sa dalawa ni Stephanie at Chloe. “Opo tita, kanina pa po kami dito. Kayo lang po ba mag-isa?” tugon ni Chloe kay Mrs. Carter “Oo eh, pero susunod daw ang asawa ko dito kasama ang ka-meeting naming sa company, si Daniel hindi niyo ba kasama and si Joshua?” pahayag muli ni Mrs. Carter “Ah, kasama po naming, nasa banyo lang po sila,” tugon ni Stephanie kay Mrs. Carter At nakabalik na ang dalawa ni Daniel at Joshua, nagulat naman si Daniel na nandodoon ang kaniyang ina sa lamesa nila nina Stephanie. “Hi mom!” pag-bati ni Daniel sa kaniyang ina at niyakap ito. “H-hi tita,” pag-bati naman ni Joshua kay Mrs. Carter “Hello anak, hello Joshua,” tugon ni Mrs. Carter sa kanila “Kanina ka pa ba mom? Sino kasama mo? Bakit ikaw lang?” tanong ni Daniel sa kaniyan ina, “Ah, oo. Nag-pahatid lang ako sa driver natin, katagpo ko ang Dad mo kasama ang ka-meeting namin sa company. Dito kami magmi-meet, kayo ba anak? Uuwi na ba kayo?” tugon ni Mrs. Carter sa anak niyang si Daniel “Opo mom eh, ihahatid ko pa sila sa kanila bawal sila gabihin eh,” saad naman ni Daniel sa kaniyang ina “Oh I see, sige na anak. Mag-siuwi na kayo at mamaya gabi na, mag-iingat kayo ha?” pahayag ni Mrs. Carter sa kaniyang anak “Yes mom, una na po kami,” tugon ni Daniel sa kaniyang ina. “Alis na po kami tita, ingat din po kayo,” pahayag naman ni Stephanie kay Mrs. Carter. Sabay-sabay ng umalis sina Daniel kasama sina Stephanie at nag-tungo na sa sasakyan, isa-isang sumakay at inihatid na ni Daniel sa bahay ampunan. “Daniel, doon na lang ulit sa binababaan namin ah? Para hindi kami makita,” pahayag ni Stephanie sa kaibigan na si Daniel “Copy that madam,” tugon ni Daniel sa kaibigan Habang papalapit na sila ay napansin nila ang sasakyan ni Gabriella na sinasakyan nina Sydney kasama si Sofia at iyon nasa sa tapat ng bahay ampunan, “Stephanie, sasakyan iyon ni Gabriella di ba?” tanong ni Chloe sa kaibigan ng ituro iyon “B-bakit nandiyan ang sasakyan nila?” tanong ni Joshua “Hindi kaya kinakausap ng matrona si Sydney kaya nandyan?” saad naman ni Stephanie sa mga kaibigan, “Ano ang gagawin natin ngayon?” tanong ni Daniel sa mga kaibigan, “Umikot ka ulit sa kabilang kanto, tapos abangan natin. Bumaba tayo kapag nakaalis na sila,” tugon ni Stephanie kay Daniel “Sige sige,” tugon muli ni Daniel Hinintay ng mag-kakaibigan habang nasa sasakyan sina Sydney na umalis at makadaan sa kanilang harapan bago sila bumaba, at ng nakadaan na ang sasakyan ni Gabriella ay bumaba na ang mga ito. “Umuna ka na Daniel, bago pa may makakita sayo dito, Thank you!” pahayag ni Chloe sa kaibigan, Sabay-sabay na nag-lakad ang mga ito patungo sa bahaya ampunan, at nagulat sila ng biglang lumabas sa gate si Sydney. “Ow, nandyan ka na pala,” pahayag nit okay Stephanie “Bakit ka nandito?” inis na pag-kakatanong ni Chloe kay Sydney “Bakit bawal? Kayo lang ba ang pwedeng nandidito?” tanong muli ni Sydney kay Chloe “Ikaw ha! Napakaangas mo ha!” pahayag ni Chloe ng halos awayin na si Sydney ng biglang lumabas ang matrona na si Hilda, “Chloe, itigil mo yan,” pahayag ng matrona sa kanila at biglang napatigil si Chloe sa kaniyang ginagawa, “P-pero matrona,” saad ni Chloe sa matrona “Pumasok na kayo sa loob, at mag-tungo layo sa opisina ko. May kailangan tayong dapat pag-usapan,” pahayag nito kayna Stephanie, Chloe at Joshua “At Sydney, maaari ka ng umuwi, salamat,” saad muli ng matrona kay Sydney “Sige matrona, salamat din,” tugon naman ni Sydney dito. Nagtungo sina Stephanie, Chloe at Joshua sa opisina ng matrona habang ang matrona ay nahuhuli kasabay si Cristina. At ng nasa opisina na sila ay kinausap ng matrona ang mga ito. “Saan kayo nang-galing?” tanong ng matrona kayna Stephanie “Sa school po,” tugon ni Chloe sa matrona, “Bakit may nasagap ako na balita na nag-pupupunta daw kayo sa City? Totoo ba iyon?” tanong muli ng matrona sa kanila, “Hindi po iyon totoo matrona, si Sydney po ba ang may sabi sa inyo?” saad naman ni Joshua sa matrona, “Oo, may mali ba sa sinabi niya? May problema ba sa kaniya?” tanong muli ng matrona sa kanila “Wala po, pero hindi po kami nag-punta ng City,” tugon naman ni Stephanie sa matrona, “Wala ng pero pero, mag-sipunta na kayo sa inyong mga silid!” utos ng matrona sa kanila, Tahimik namang tumayo ang mag-kakaibigan sa kanilang kinauupuan, at naunang makalabas ng silid sina Chloe at Joshua, napatigil saglit si Stephanie, “Malaman-laman ko lang po ang inyong inililihim sa amin, hindi ko na alam kung kinakailangan pa akong tumigil dito ng matagal matrona,” pahayag ni Stephanie habang galit na galit sa matrona, Nagulat naman ang matrona sa kaniyang sinabi, “Anong pinag-sasasabi mo diyan?” tanong ng matrona kay Stephanie, “Kunwari pa kayo, alam ko naman noon pa na galit na galit kayo sa akin at tila pinag-hihigpitan. Bakit matrona? May itinatago ba kayo sa akin? May inililihim? May dapat ba akong malaman?” tugon ni Stephanie sa matrona, “Hindi ko alam ang mga sinasabi mo, pumunta na kayo ni Chloe sa inyong silid!” sigaw ng matrona kay Stephanie, “Hindi mo na kailangan sagutin, dahil sa sigaw mo palang, alam ko na ang sagot,” pahayag muli ni Stephanie sa matrona na si Hilda. Hindi nakaimik si Hilda at laking gulat din naman ni Cristina na nasabi iyon ni Stephanie sa kanila. Umalis si Stephanie na may sama ng loob sa matrona, “Hindi ko akalain na gagawin iyon sa akin ni Stephanie, at bakit may galit na siya sa akin ngayon?” pag-tataka ni Hilda ng gawin iyon ni Stephanie, “Kahit ako din matrona, atsaka bakit mukhang may emosyon na si Stephanie?” tanong din ni Cristina ng madatnan ang nangyayari kay Stephanie, “Hindi kaya..” pahabol ni Cristina “Hindi, hindi mangyayari iyon dahil wala siyang alam, wala siyang kakayahan. Ako lang ang may alam ng lahat,” tugon ni Hilda kay Cristina Habang patungo sina Stephanie at Chloe sa kanilang silid ay kinausap ni Chloe ang kaibigan, “Dapat hindi mo sila inimikan Stephanie,” pahayag nito “Bakit naman? May karapatan ako para umimik, mahirap magtagal dito ng hindi mo alam kung ano ba talaga ang meron at kung ano ba talaga ang nangyayari,” tugon naman ni Stephanie sa kaibigan, “Hindi mo kinontrol ang sarili mo, inilabas mo ang galit mo, edi ba hindi nila alam na may emosyon ka ng ganiyan? Ano na lang ang kanilang sasabihin?” pahayag naman muli ni Chloe sa kaibigan, Hindi nakaimik si Stephanie ng sabihin iyon ng kaniyang sariling kaibigan sa kaniya, at napaisip sa mga sinabing iyon. Naunang pumasok si Chloe habang si Stephanie naman ay napatigil pa sa pinto, “Paano kung tama siya?” pahayag nito pabulong. Nasa kaniyang silid na si Joshua at agad na nahiga sa kaniyang kama, nag-iiisip kung anong kailangan nilang gawin ng biglang naisip niya ang ibinigay sa kaniya ni Daniel na cellphone. Kinuha niya ito at naisipang mag-send ng mensahe kay Daniel tungkol sa nangyari, “Daniel, may nangyari,” mensahe ni Joshua Hindi nag-tagal ay agad ring nag-reply si Daniel sa mensahe ng kaibigan, “Ano nangyari? Kamusta kayo diyan?” tanong nito “Hindi okay bro, nangangamoy mahihigpitan kami nito,” tugon naman ni Joshua sa kaibigang si Daniel “Sina Chloe at Stephanie? Kamusta?” tanong muli ni Daniel “Si Stephanie, inimikan ang matrona at nilabas ang galit,” tugon naman ni Joshua Biglang napatigil at napaisip si Joshua nang kaniyang sinabi iyon sa kaniyang kaibigan, pumasok sa kaniyang isip si Stephanie kaya’t agad itong napabangon at nag-ayos. Bumangon at umalis patungo sa silid nina Stephanie at Chloe. Ng nandoon na siya ay kumatok ito sa pinto, at pag-bukas ay bumungad si Chloe. “Oh Joshua, bakit ka nandito?” pag-tatakang tanong ni Chloe sa kaibigan “Kamusta kayo? Hindi ba’t nag-labas ng galit si Stephanie sa matrona? Napansin ba siya?” tanong agad ni Joshua sa kaibigan, Agad na hinili ni Chloe sa Joshua papasok ng silid, “Ano kaba! Wag ka ngang maingay, pag tayo narinig ng matrona,” tugon ni Chloe sa kaibigang si Joshua Napalingon si Stephanie ng marinig si Chloe na may kausap at nakita si Joshua, “Huy Joshua, bakit ka nandito?” tanong nito sa kaibigan, “Nangangamusta lang Stephanie, pumasok lang sa isip ko iyong ginawa mo kanina sa matrona. Nahuli ka ba o napansin man lang sa kakaiba mong galaw ngayon? kasi alam mo na, mahirap na,” saad ni Joshua kay Stephanie, “Hindi naman siguro, ni hindi nga ako pinigilan man lang,” tugon naman ni Stephanie sa kaibigan, “Atsaka si Daniel nag-aalala sa atin, kinakamusta tayo,” saad muli ni Joshua sa mga kaibigan, “Alam niyo, ang iniisip ko nga, paano kung pag-higpitan tayo ng matrona, e di hindi na tayo makakapunta kung saan,” pahayag ni Chloe sa mga kaibigan, “Iyon nga din ang iniisip ko eh, panira kasi itong si Sydney, masyadong patay na patay kay Daniel,” saad naman ni Joshua “Nasisiraan na ata itong si Sydney eh, hayaan niyo. Malulusutan natin lahat,” tugon ni Stephanie sa mga sinabi ng mga kaibigan, “Sana hindi madamay si Daniel sa ginagawa sa atin ng matrona,” pahayag muli ni Chloe sa mga kaibigan,” “Sana nga,” tugon ni Stephanie Alalang-alala ang mag-kakaibigan sa isa’t-isa lalo na kay Daniel. Ng baka dahil sa kanilang ginagawa ay madamay ang kaibigan, habang ang matrona naman na si Hilda at si Sydney ay hindi titigil sa kakapigil at sa kakapanira kayna Stephanie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD