Chapter 37: Palpak na Plano

2244 Words
“Pumunta kaya tayo sa ilalim sa parking lot? Hindi ba pwede naman tayo pumunta ‘don?” pahayag ni Gabriella sa kaibigang si Sydney “Hay, sige na. pumunta ka na doon. Basta wag kang mag-papahuli ah or else,” tugon ni Sydney sa kaibigan Nag-maneho si Gabriella patungo sa parking lot ng kompanya nina Daniel, at hindi naman nag-tagal ay nakahanap sila ng pwesto. “Oh diba, hindi mainit,” pahayag ni Gabriella ng makapwesto siya. Habang nag-titingin tingin si Sofia sa paligid, ay napansin niya ang sasakyan ni Daniel malayo-layo sa kanila, “Sydney? Hindi ba iyon ang sasakyan ni Daniel?” pahayag ni Sofia habang itinuturo kay Sydney kung nasaan ang sasakyan. “Oo, oo nga yan yun, sinasabi ko na nga ba eh at nandidito sila,” pahayag ni Sydney sa mga kaibigan. “Hintayin natin sila hanggang sa lumabas ah, wag na wag tayong aalis kasi lagot talaga sa akin si Stephanie and hindi pa ako tapos sa kaniya,” pahayag muli nito. “At paano kung hindi lumabas? Hihintayin paarin talaga natin dito?” tanong naman ni Sofia “Yes of course, may reklamo ka?” tugon ni Sydney sa kaibigang si Sofia Hindi na nakaimik ang dalawa ni Gabriella at Sofia sa matigas nilang kaibigan na si Sydney, kaya’t ginawa nalamang nila ang gusto nito. Ilang oras na ang lumipas ay hindi pa rin nababa sina Daniel, ngunit todo parin ang pag-hihintay ni Sydney sa mga iyon. “Sydney? Ilang oras na, hindi pa ba tayo uuwi?” tanong ni Gabriella sa kaibigang si Sydney “Oo nga Sydney, I think hindi na sila bababa,” pahayag naman muli ni Sofia Napalingon sa paligid at inis na inis dahil hindi pa din nagpapakita sina Daniel kasama sina Stephanie. “Okay, let’s go. Bukas na lang,” tugon ni Sydney sa kaniyang mga kaibigan, at nang nakapag-start na si Gabriella ng makita ay biglang napalingon si Sofia sa sasakyan nina Daniel ng bigla itong umilaw. “Guys guys! Umilaw ang sasakyan nina Daniel! Wait,” pahayag ni Sofia sa mga kaibigan, “What? Seryoso ka ba dyan sa sinasabi mo?” tanong ni Gabriella sa kaibigan “Yes, I’m sure na umilaw ‘yung sasakyan nila. I think si Daniel na iyon,” tugon ni Sofia sa kaibigan “Gabriella, patayin mo muna ang makina ng sasakyan. Let’s see kung sina Daniel na yan at kung aalis na sila,” pahayag ni Sydney sa kaibigang si Gabriella “Okay,” tugon ni Gabriella at pinatay muna nito ang kaniyang sasakyan. Habang nag-hihintay sina Sydney ay nagulat ito sa kanilang nakita, “What the?!” sigaw nito Nakita niyang si Mr. Carter an gang sumakay sa sasakyan ni Daniel, “Akala ko ba nandito si Daniel?” tanong ni Sofia sa kaibigan, “Ang alam ko din! Sinundan natin ang sasakyan kaya’t imposible na hindi sila pumunta dito!” tugon ni Sydney sa kaibigan habang galit na galit, “Alam mo girl, tara na. Nag-sasayang lang tayo ng oras dito alam mo yun? sa dinami-raming lalaki sa mundo, kay Daniel ka pa talaga nagpaka-tanga,” pahayag ni Gabriella sa kaibigan “Tara na girl,” saad ni Sofia sa kaibigan Nag-paandar na ng kaniyang sasakyan si Gabriella, at lumabas na galing parking lot. Puno parin ng galit si Sydney ng makita niyang hindi si Daniel ang mag-mamaneho ng sasakyan nito kundi ang kaniyang ama. Hindi nila alam ay nakamasid sa kanila ang mag-kakaibigan ni Daniel. Ng makaalis sina Sydney, nagtawanan ang mag-kakibigan. “Galing mo doon Daniel,” pahayag ni Joshua sa kaibigan “Buti nga napansin agad ni Chloe na nandoon ang sasakyan nina Gabriella eh, na sinasakya nila nina Sydney,” tugon naman ni Daniel sa kaibigan. “Ano ka ba, si Stephanie ang nag-turo sa akin, mas malinaw mata ni Stephanie sa akin no,” saad naman ni Chloe sa mga kaibigan “So si Stephanie pala ang may dahilan ng lahat, at dahil diyan mag-ice cream muna tayo bago ko kayo ihatid sa inyo. Pang-palamig lang ng ulo,” pahayag ni Daniel sa mga kaibigan “Sige ba!” tugon ni Joshua sa kaibigan Masayang nag-wagi ang mag-kakaibigan patungo sa malaking sasakyan ni Daniel, at isa-isang sumakay sa sasakyan nito. Nag-simula ng mag-paandar si Daniel ng kanyang sasakyan at lumabas na sa kanilang parking lot. Habang nag-mamaneho ay biglang nagsalita ito, “Buti nakita mo Stephanie na nandyan ang sasakyan nina Sydney no?” pahayag ni Daniel sa kaibigan, “At buti na lang mabait ang dad mo, kung hindi doon tayo nakasakay sa isa mong sasakyan,” tugon naman ni Stephanie sa kaibigan “Oo ng Daniel, akala ko ba nakakatakot papa mo,” saad naman ni Joshua sa kaibigan, “Hay, minsan mabait at minsan naman monster. Hindi ko alam kung anong nakain niya, para pumayag. Baka dahil kasama ko kayo,” tugon ni Daniel sa mga kaibigan “Siguro sa mga oras na ito, galit na galit si Sydney dahil hindi siya nag-wagi sa kaniyang plano. Akalain mo yun, hinintay pala tayo ng ganoong katagal simula pa noong pag-karating natin dito,” pahayag ni Chloe sa mga kaibigan “Basta talaga magawa niya ang kanyang pinaplano, hindi talaga siya maiinip no? kakaiba talagang babae yun, grabeng pag-katanga sayo bro,” saad naman ni Joshua “Buti tiningnan muna natin sa CCTV kung anong oras pa sila andon, hahaha!” pag-kakasabi naman ni Daniel “Alam niyo, itigil niyo na yan. Ang mahalaga ngayon, wala siyang napag-tripan ngayon at maganda ang pag-kakalabas natin sa parking lot, at.. salamat sayo Daniel,” tugon naman ni Stephanie “Wala yun! so saan tayo mag-icecream?” tanong bigla ni Daniel sa kaniyang mga kaibigan, Masayang nag-uusap usap ang mag-kakaibigan habang nag-mamaneho si Daniel, habang mga masasaya ang mga ito ay galit na galit parin si Sydney. “Alam ko na, kausapin ko nalang ulit ang matrona nila para malaman nila ano ginagawan ina Stephanie after class, ewan ko na lang kung hindi sila mamura,” pahayag ni Sydney sa mga kaibigan, “Sis? Hindi ka ba napapagod na habul-habulin sina Daniel dahil lang kay Stephanie?” tanong ni Sofia sa kaibigan “As long as nakakasama ni Daniel si Stephanie kahit saan hindi ako mapapagod,” tugon ni Sydney sa kaibigang si Sofia Hindi nalang nakaimik ang dalawa ni Sofia at Gabriela sa isinagot ni Sydney sa kanila, at agad naring tinawagan ni Sydney si Cristina na kanang kamay ng matrona na si Hilda para ipaalam ang nalalaman nila kayna Stephanie at ganoon din sa kanilang kaibigan. “Hello Cristina?” pahayag ni Sydney “Oh hello? Wala dito ang matrona eh, may tipon-tipon sila,” tugon agad ni Cristina habang hindi pa naitatanong ni Sydney kung nasaan ang matrona, “Ah, okay, update me kapag kasama mo na ang matrona,” tugon naman ni Sydney “Sige Sydney,” saad naman muli ni Cristina sa dalaga. At ibinaba ni Sydney ang telepono ng may galit parin, “Ugh! Sumabay pa ito!” sigaw nito “Hindi mo nakausap?” tanong ni Gabriella, “Hindi,malalagot talaga sila sa akin bukas!” tugon ni Sydney sa kaibigan “Bakit kasi hindi mo nalang hayaan? At grabe ka makahabol kay Daniel ah, ano ba kailangan mo sa kaniya?” tanong ni Gabriella kay Sydney “Hindi mo alam kung gaano na ako katagal nag-hihintay kay Daniel! At wala kang pakielam kung ititigil ko o ipagpapatuloy ko ang ginagawa ko!” tugon muli ni Sydney sa kaibigan “Oh! Guys, chill. Dito ba naman, mag-aaway pa kayo? Hayaan mo na Sydney, may bukas pa naman. Everyday napasok ang mag-kakaibigan na iyon, wala ka pa dito. Kaya don’t worry girl, dami mo pa time,” saad ni Sofia ng nag-sisimula ng mag-kasagutan ang dalawang kaibigan “Sabihan mo ‘yang isa mong kaibigan na watch her words dahil hindi niya alam kung sino ang kinakalaban niya,” pahayag ni Sydney kay Sofia ng pigilan silang dalawa. Hindi nalang umimik si Gabriella sa mga nasabi ni Sydney sa kaniya, at pinag-patuloy nalamang niya ang kaniyang pag-mamaneho. Nakarating na sina Daniel sa isang ice cream shop, “Maganda ba?” tanong ni Daniel sa mga kaibigan, “Oo, kanino ito?” tanong agad ni Chloe sa kaibigang si Daniel, Pag-pasok pa lamang ay maganda ang ibinati sakaniya ng stuff doon, “Good Afternoon sir!” “Good Afternoon, miss pwedeng paki-assist sila sa kanilang uupuan. Ako ang pipili ng kanilang ice cream for them, Thank you,” pahayag ni Daniel sa stuff na nag-welcome sa kanila, “Okay sir,” tugon nito Sinundan nina Stephanie ang stuff kung saan dinala sila sa isang VIP sits doon, habang si Daniel naman ay nag-tungo sa mga flavors ng ice cream para pumili. “Hi sir, kamusta po? Ano po gusto nila?” tanong ng stuff na nasa flavor section “Kuya, bigyan mo ako ng masarap na ice cream na magugustuhan ng mga kaibigan ko, apat kami, dumaan ba dito si mom?” pahayag ni Daniel sa stuff. “Okay po sir, ako na po bahala sa ice cream. Ah, si maam po? Opo dumaan po siya dito kasama po si mamang,” tugon ng stuff “Okay, thank you ah. Pakidala nalang sa sits namin,” saad ni Daniel sa stuff Tumango at nginitian ito ng kanilang stuff. Hindi alam ng mag-kakaibigan nina Stephanie, na pag-mamayari ni Daniel ang malaking ice cream shop ang D’ Carter Ice Cream Shop. Nag-tungo na si Daniel sa kaniyang mga kaibigan, papaupo pa lang si Daniel ay napaimik si Chloe, “Daniel ang ganda dito, kilala mo ba ang may-ari nito?” tanong nito Napangiti si Daniel ng nasabi iyon ni Chloe sa kaniya, kaya’t nag-taka naman si Chloe, ganoon din si Stephanie at Joshua. “Bakit ka napangit bro?” tanong ni Joshua sa kaibigang si Daniel “Ah w-wala wala, ito? Ice Cream shop ko ito,” tugon ni Daniel sa mga kaibigan. “Weh? Nag-bibiro ka lang eh,” saad naman ni Chloe “Gusto niyo ng proof?” tanong ni Daniel sa mga kaibigan “Oo, syempre. Para maniwala kami,” tugon ni Joshua sa kaibigan, Sa loob ng ice cream shop, ay may designs ng ice cream at bukod doon may family pictures, solo picture niya at may malaking nakalagay na pangalan ng shop niya. “Tumingin kayo sa likod niyo,” pag-turo ni Daniel sa kanila Nagulat ang mag-kakaibigan na si Daniel nga ang may-ari ng malaking ice cream shop, “Seryoso ka?!” gulat na patanong ni Chloe sa kaibigan “Oo nga, tingnan mo D’ Carter Ice Cream Shop. Ibig sabihin noon, Daniel Carter. Tapos tingnan niyo itong picture ko, bata-bata pa ako diyan ng kaunti, naniniwala na ba kayo?” pahayag ni Daniel sa mga kaibigan. “Kaya pala kahit saan, may kinakain tayong ice cream, may kaibigan pala tayong may shop ng ice cream,” saad ni Stephanie sa mga kaibigan. Natawa si Daniel sa sinabi ni Stephanie, “Bata palang kasi ako, mahilig na ako sa ice cream lalo na noong nasa states ako. Pagkatapos, binalak ni papa na gawan ako ng ice cream shop at ipangalan sa akin ang shop na ito. Yung designs dito? Ako pumili nito, gumawa si dad ng napakaraming designs, at kung ano daw ang piliin ko, yun ang gagawin niya sa shop na ito, kaya ito ang kinalabasan,” paliwanag ni Daniel sa kaniyang mga kaibigan “Wow, ang galing,” tugon ni Chloe ng mapamangha sa storya ni Daniel “Hindi ko parin akalain na sa iyo ‘to,” pahayag ni Joshua sa kaibigan. “Sa akin nga po bro, noon sabi ko ibebenta ko na ito. Kaso noong nalaman ko na nadaan palagi dito si mom kapag bored siya sa bahay, kaya wag na lang. Nakita ko kasing masaya si mom na kumakain ng ice cream lalo na kapag kasama niya ako,” saad naman muli ni Daniel sa mga kaibigan. “Eh yung dad mo? Kumain na ba dito?” tanong naman ni Stephanie “Ah, si Dad, oo naman syempre. Lalo na kapag stress, dito siya dumedertso, minsan dito mag-cocoffee,” tugon ni Daniel sa tanong ng kaibigang si Stephanie. “Alam mo, mukhang mahal ka naman ng dad mo eh. Siguro nasstress lang siya sa trabaho kaya nag-kaganoon,” pahayag ni Chloe sa kaibigan. “Hayaan niyo na, hinahayaan ko nanga lang muna siya. Ang iniisip ko nalang muna palagi si mom,” tugon ni Daniel sa mga kaibigan, Sa gitna ng kanilang pag-uusap-usap ay biglang dumating na ang kanilang ice creams. “Ayaaaan na!” pahayag ni Chloe ng makita ang ice cream, “Wow, mukhang masarap bro ah,” saad naman ni Joshua “Tikman niyo muna, kapag hindi masarap ibabalik ko, hahahaha,” tugon ni Daniel sa mga kaibigan, “Sa tingin palang Daniel masarap na, paano nalang kapag tinikman na ang icecream,” pahayag naman ni Stephanie “Sabay sabay tayo ah,” pahayag ni Chloe “Okay, okay.. 1,2,3!” pagbilang ni Daniel at sabay-sabay ngang kumain ang mag-kakaibigan. Hindi akalain ng mag-kakaibigan na ganoon kasarap ang original ice cream nina Daniel. Kaya’t napasarap ang kain ng mga ito ganoon din si Daniel. “Kapag gusto niyo pa, sabihin niyo lang sa akin ah,” pahayag nito sa mga kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD