Chapter 36: Kapangyarihan

2242 Words
Habang nasa klase pa sina Stephanie at Daniel, naisipan ni Stephanie na mag-tungo sa banyo. Hindi nito alam na sinundan ito ni Sydney. Pag-pasok ni Stephanie sa banyo at habang umiihi ito, doon ay pumasok na si Sydney at nag-lock ng pinto sa banyo. Ng matapos si Stephanie ay nanlaki ang kaniyang mga mata ng nakita niyan nakaabang sa kaniya si Sydney. “A-anong kailangan mo?” tanong nito “Anong kailangan ko? Hindi mo ba titigilan si Daniel? At masaya ka pang nakikipagharutan sa kaniya ahh?” tugon ni Sydney kay Stephanie habang may pang-iinsulto “Ano bang pinagsasasabi mo diyan? Mag-kaibigan lang kami ni Daniel, at kung ano man ang iniisip mo mali ka doon,” saad naman muli ni Stephanie dito “Mag-kaibigan? Mag-kaibigan lang ba ang halos mag-dikit na ang mukha sa sobrang close? Kulang na lang mag-holding hands kayo habang nasa klase!” pahayag ni Sydney kay Stephanie “Girlfriend ka ba niya para diktahan mo ako ng ganiyan? Alam mo, nag-sasayang lang ako ng oras sayo, may klase pa ako,” saad ni Stephanie kay Sydney at binalak ng lumabas ngunit hinawakan bigla ito ni Sydney sa kaniyang braso, “At sinong may sabing lalabas ka? Hindi pa tayo tapos mag-usap, wag kang bastos,” pahayag ni Sydney kay Stephanie “At ako pa ang bastos ah?” tugon ni Stephanie kay Sydney at biglang itinulak ito. “Ahhh!” sigaw ni Sydney, Nagulat si Stephanie sa kaniyang nagawa dahil sobrang lakas ng pag-kakatulak at impact kay Sydney. Napatingin ito sa kaniyang kamay dahil sa pag-tataka dahil hindi normal ang pag-katulak nito sa sobrang lakas. “Tigil-tigilan mo na ako Sydney,” pahayag ni Stephanie kay Sydney at agad na ring umalis ito. Nag-tungo na muli ito sa kanilang classroom, at pag-kakaupo niya ay biglang kinausap ito ni Daniel, “Bakit ang tagal mo ata?” tanong nito “Ah w-wala wala, nag-ayos pa ako eh masyado na akong sabog sa buhok ko,” tugon ni Stephanie sa kaibigan na si Daniel. “Hahaha, okay,” saad naman ni Daniel dito “Okay class, bukas kailangan gawa na ang inyong assignments, wag niyong kakalimutan ha. Goodbye,” pahyaga ng kanilang guro sa kanila “Goodbye sir,” tugon ng mga estudyante. Nag-ayos na ng mga gamit ang dalawa, at hindi nila alam ay nag-tungo na sa kanilang classroom sina Chloe at Joshua. Ng nakalabas na sina Stephanie at Daniel, “Huy! Bakit ang aga niyo ata?” tanong ni Daniel sa mga kaibigang nag-aabang sa labas. “Wala na atang maituro ang teacher namin, hahahaha!” tugon ni Chloe. Napansin ni Chloe ang mukha ni Stephanie na parang hindi okay, “Stephanie? Ang tahimik mo, okay ka lang ba?” tanong nito sa kaibigan “Oo naman, tara na kumain? saan ba?” saad ni Stephanie “Sa labas na lang, may mga klase pa ba kayo after?” tanong ni Daniel sa mga kaibigan “Wala bro,” tugon ni Joshua sa kaibigan “Yun sakto, sa company na kaya naming tayo kumain? Igala ko kayo sa canteen naming doon,” pahayag ni Daniel sa mga kaibigan. “Sige ba, basta wag tayo mag-papagabi ah,” tugon ni Stephanie dito At agad na nag-lakad ang mga ito pababa ng building at nagtungo sa parking lot kung saan nandoon ang sasakyan ni Daniel. Nasa parking lot na sila ng biglang may humawak muli sa braso ni Stephanie, “Akala mo tapos na tayo? Matapos ng ginawa mo sa akin kanina?” pahayag ni Sydney kay Stephanie Inalis ni Stephanie ang pag-kakahawak ni Sydney sa kaniyang braso, “Ano ba? hindi mangyayare sayo yung kanina kung hindi mo ako tinantanan, kung noon hindi kita nilalabanan, ngayon lalabanan na kita, kahit ikamamatay ko pa. Tandaan mo yan,” tugon ni Stephanie kay Sydney Nagulat ang mga kasama nitong kaibigan ng isinagot iyon ni Stephanie kay Sydney, “Tara na Daniel, umalis na tayo baka kung ano pa ang magawa ko sa babaeng ito,” pahayag nito sa kaibigan “S-sige Stephanie, sakay na kayo Chloe Joshua,” tugon ni Daniel sa kaibigan. Sumakay na ang mag-kakaibigan sa sasakyan ni Daniel at umalis na parang walang nakitang Sydney sa kanilang mga mata. “Girl? Yun na yun?” pahayag ni Gabriella sa kaibigan si Sydney “Hindi ko akalaing masasabi iyon ni Stephanie, hindi siya ganoon before,” saad naman ni Sofia “Akala niya tapos na kami ah, akala niya lang yun,” tugon ni Sydney sa mga kaibigan, “Tara na,” pag-aaya ni Sydney patungong canteen. Nag-mamaneho si Daniel patungo sa kanilang kompanyang C’ Media Digital, “Parang hindi ikaw yung nakita naming Stephanie kanina,” pahayag nito sa kaibigan “Oo na, sobrang tapang mo, totoo ba yun?” tanong ni Chloe sa kaibigang si Stephanie “Hindi ko alam kung ano yung nasabi k okay Sydney, pakiramdam ko punong-puno na ako doon lumabas ang galit ko kahit hindi ko pa nararanasan iyon dati,” tugon ni Stephanie sa mga kaibigan. “Ano bang nangyari sa inyo kanina? Ano yung sinasabi niya?” tanong naman ni Joshua kay Stephanie “Nasa klase kasi kami kanina ni Daniel, binalak kong mag-cr dahil ihing-ihi na ako. Nagulat na lang ako noong nasa cr ako, nandoon na din si Sydney. Galit na galit sa akin dahil nagseselos sa amin ni Daniel,” pahayag ni Stephanie sa mga kaibigan “Abnormal na talaga ang babaeng iyon,” saad ni Daniel ng malaman iyon. “Kaya ka pala matagal sa CR kanina, yun pala ang nangyari,” saad muli nito “Oo, tapos naitulak ko siya noong ayaw pa niya ako paalisin, iyong pag-katulak ko hindi normal,” pahayag muli ni Stephanie sa mga kaibigan “Anong ibig mong sabihin na hindi normal?” tanong ni Joshua sa kaibigan “Sobrang lakas ng pag-kakatulak ko, hindi ko alam kung bakit ganoon,” tugon ni Stephanie sa tanong ni Joshua. “Hala Stephanie, mukhang hindi okay yan ah,” sagot ni Chloe sa kaibigan “Kalmahan niyo lang guys, baka sobrang nabigla lang si Stephanie kanina kaya nag-kaganoon siya,” pahayag naman ni Joshua sa mga kaibigan “Basta sabihan mo kami Stephanie ah kung ano nararamdaman mo o kung ano pa man ang nangyayari sayo, baka maya-maya kung mapaano ka na hindi pa naming alam,” saad naman ni Daniel sa kaibigan “Oo, huy malapit na tayo no?” pahayag naman ni Stephanie “Oo, gutom na ako,” tugon naman ni Daniel Pumasok na sila sa parking lot ng kompaniya nina Daniel, at ng nakaparada na ay isa-isang nagsibabaan. Sinundan muli nina Stephanie, Chloe at Joshua si Daniel patungo sa canteen an sinasabi nito, at habang nasa elevator na ay hindi mapakali si Joshua. “Ready na ba kayo?” tanong ni Daniel sa mga kaibigan, “Oo,” sagot naman ni Stephanie Napansin ni Chloe ang itsura ni Joshua na parang hindi mapakali, “Joshua? Okay ka lang? hindi ka mapakali diyan ah,” tanong nito sa kaibigan “Okay lang ako, ano ba, medyo kinakabahan lang,” tugon ni Joshua sa kaibigang si Chloe “Bakit ka naman kakabahan? Kakain lang naman tayo ah?” tanong muli ni Chloe sa kaibigan “Ehhh, basta! Wag ka ng matanong, lalo akong kinakabahan eh,” tugon muli ni Joshua kay Chloe “Guys guys, pikit na kayo bilis,” utos ni Daniel sa mga kaibigan ng papalapit na ang floor ng kanilang pupuntahan. At agad namang pumikit ang mag-kakaibigan. “Pwede namang hindi na pumikit eh, daya naman,” pahayag ni Chloe habang nakapikit ang mga mata nito “Shhh, basta close your eyes,” saad naman muli ni Daniel Nang nandoon ana sila sa floor ng canteen ay unang lumabas si Daniel, “Okay guys, open na,” pahayag nito sa kaniyang mga kaibigan At isa-isang binuksan nila ang kani-kanilang mga mata. Nanlaki ang mata ng mag-kakaibigan ng makita ang itsura ng canteen ng kompanya nina Daniel. “Wowwwww! Brooo!” reaksyon ni Joshua sa nakita “Daniel, ang ganda, canteen ba talaga ito?” tanong ni Stephanie sa kaibigan “Oo naman,” tugon naman ni Daniel “Ang ganda Daniel, kaya ko ng dito tumira eh,” pahayag naman ni Chloe sa kaibigan. “Wala eh, artistic talaga siguro family naming kaya ganiyan na grabe gumawa ng design si dad,” pahayag ni Daniel sa mga kaibigan “So ibig sabihin Daniel, magaling ka din sa arts?” tanong ni Chloe sa kaibigang si Daniel “Ahm, slight?” tugon ni Daniel kay Chloe, sinimulan na nila lakarin ang canteen, “Simula bata pa lang ako at noong nasa states pa kami, lagi kong nakikita dad ko na may gawang design sa kaniyang computer sa office niya. Hanggang sa napagkainteresan ko, naattract ako,” kwento ni Daniel sa mga kaibigan “Bakit hindi mo mag-try tapos dito ka narin magtrabaho?” tanong ni Stephanie sa kaibigan si Daniel “E di ba nga galit ako kay dad? Kaya nawawalan ako ng gana magtrabaho dito, pero alam niyo minsan iniisip ko ano kaya ang dahilan ni dad para mag-kaganon kay mom,” pahayag muli ni Daniel sa mga kaibigan “Baka may dahilan dad mo o sa sobrang stress at pagod sa trabaho nag-kaganoon na talaga. Hindi mo ba naitatanong dad mo kung may problema? Para kung meron, matulungan mo. Malay mo, mawala yung stress niya?” saad naman ni Chloe sa kaibigan “Hindi ko pa natatry, nauna kasi yung galit ko sa kaniya dahil sa pinakita niya sa akin na kung ano-anong ginagawa niya kay mom, you all know naman kung gaano ko kamahal si mom at alam kong nakita niyo na yun,” tugon muli ni Daniel sa mga kaibigan “Oo, naiintindihan ka namin. Hayaan mo Daniel, lilipas din yan. Wala namang problema ang hindi nalulutas,” saad ni Stephanie sa kaibigan “Siguro nga, tara na kumain? tara doon kay ate, ikukuha ko kayo pag-kain,” pahayag ni Daniel sa mga kaibigan. “Kami na Daniel, nakakahiya naman,” tugon ni Stephanie sa kaibigan “Ano ka ba, bisita ko kayo, saglit lang ah,” pahayag muli ni Daniel Nag-tungo si Daniel sa cashier para mag-order ng pagkain, “Hi ate, kuha ako ng 4 na pag-kain. Kahit ano diyan, may bisita lang po ako,” pahayag ni Daniel sa nag-titinda “Ay Sir Daniel, saglit lang po. Kami na po ang mag-dadala doon sa inyo,” tugon ni ate na nasa cashier “Thank you ate,” saad naman ni Daniel Umalis na si Daniel at bumalik sa kanilang lamesa kung saan nandoon ang kaibigan niya, “Napakabait talaga ng anak ni Sir Carter no?” pahayag ng nag-titinda. “Oo nga eh,” tugon naman ng kasama nito “So guys, hintayin na lang natin ah, gusto niyo ba ng drinks or dessert?” pahayag ni Daniel sa kaniyang mga kaibigan “Pwede rin, saan ba?” tanong ni Joshua. “Ayan, nasa likod mo, dito ko na kayo pinaupo para hindi na malayo ang lalakadin natin pag kukuha niyan. Don’t worry, free yan,” tugon ni Daniel sa kaibigan na si Joshua “Free? Seryoso ka ba?” tanong ni Chloe sa kaibigan habang hindi makapaniwala “Oo, kuha ka ng madami ah,” tugon naman ni Daniel At agad na tumayo ang dalawa ni Chloe at Joshua para kumuha ng desserts. “Thank you ah?” pag-papasalamat ni Stephanie sa kaibigang si Daniel “Ano ka ba, sabi ko naman sa inyo basta kayo,” tugon ni Daniel sa kaibigan “Hinding-hindi pa kasi talaga naming ito nararansan,” pahayag muli ni Stephanie sa kaibigan “Ngayon nararanasan niyo na, masaya ako ngayon kasama kayo,” tugon muli ni Daniel kay Stephanie. Bumalik sina Chloe at Joshua na madaming dalang chocolates at ice-cream. “Tingnan mo Stephanie, ang dami. Ikinuha ko na rin kayo ni Daniel,” masayang pag-kakasabi ni Chloe sa mga kaibigan “Salamat Daniel ah,” pahayag ni Joshua sa kaibigan “You’re welcome, enjoy lang kayo. Di ba sabi ni mom, wag mahihiya,” tugon ni Daniel sa kaibigan “Grabe yung ipinaparanas mo sa amin ngayon Daniel, hindi na kami kukutyain nito ng ibang tao dahil wala pang ibang karanasan,” saad naman muli ni Chloe “Hindi ko kayo hahayaang i-bully ng ibang tao no, hindi nila alam kung sinong kahaharapin nila,” tugon naman muli ni Daniel Habang nag-uusap usap sila ay biglang dumating na ang kanilang mga pag-kain at ito ay napakadami, “Daniel, bakit ang dami? May iba ka pa bang bisita na darating?” tanong ni Stephanie sa kaibigan “Ha? Wala na ah, tayo ang kakain ng lahat ng yan,” tugon ni Daniel sa kaibigang si Stephanie “Seryosoooo ka?!” tanong ni Chloe ng magulat sa sinabi ni Daniel “Daniel sobrang dami niya, paniguradong tatawagin ako niya ng kalikasan,” saad ni Joshua “Hahaha, nakahanda ang banyo para sa iyo,” tugon ni Daniel kay Joshua Nag-sitawanan sila ng nasabi iyon ni Joshua, masayang kumain ang mag-kakaibigan kasama si Daniel. Ipinaparanas lahat ni Daniel ang saya sa mga kaibigan, habang si Sydney naman ay galit na galit kay Stephanie. Kaya’t habang nag-sasaya ang mag-kakabigan sa taas ng kompanya nina Daniel ay nakaabang sina Sydney sa labas ng kompanya ng mga ito ng hindi nila alam.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD