Panibagong umaga na naman at naunang nagising si Stephanie sa kanila ni Chloe. Alas singko pa lamang ay nagayak na si Stephanie, ng makatapos ito maligo ay ginising na rin niya agad si Chloe para kumilos. “Chloe, gising na 5am na,” pahayag ni Stephanie sa kaibigan, Ng marinig iyon ni Chloe ay agad-agad na bumangon ito at inihanda agad ang kaniyang mag damit at nilinis ang kaniyang higaan. Pag-katapos noon ay dali-daling tumakbo ito patungo sa banyo para maligo. “Bakit ka madaling-madali? Hindi ka naman ganiyan ah?” pahayag muli ni Stephanie sa kaibigan. “Wala lang!” mahinang pasigaw ni Chloe sa kaibigan. Ng makaayos na ng sarili si Stephanie at nakaupo na lamang ito sa kaniyang higaan ay natapos na ring maligo si Chloe, nag-taka ito bakit napakabilis nitong kumilos ganoon din ang pa

