Patungo sina Stephanie, Chloe at Joshua sa kanilang uupuan para kumain, at ng makaupo na ay tinanong ni Joshua kung ano ‘yung sinasabi sa kaniya ni Chloe. “Ano ‘yung sinasabi mo kanina?” tanong nito. “Kanina kasi, papunta na kami sa silid naming ng biglang napansin namin na bukas ang pintuan ni Ate Cristina,” kwento ni Chloe ng pabulong, “Oh? Eh ano naman kung naka bukas?” saad naman muli ni Joshua “Patapusin mo muna kasi ano Joshua, hay nako. Pag-katapos noon, sumilip kami. Nagulat si Ate Cristina ng makita kami at para bang may tinatago siya sa kaniyang ginagawa noong oras na iyon. Kasi kung wala siyang tinatago diba dapat hindi siya balisa?” pahayag muli ni Chloe sa kaibigan. “Oo, iyon din ang pinag-tataka ko kasi para siyang natakot noong nakita tayo eh,” saad naman ni Stephanie sa

