Nagt-tungo si Cristina sa kaniyang silid at dahil parang opisina na ang kaniyang silid ay meron na din siya doong computer na kung saan lahat ng trabaho ng pinapagawa ng matrona ay mas mabilis niyang magawa. Nag-bukas na ito ng computer at agad na nag-hanap tungkol sa binatang si Daniel, ngunit ng patagal siya ng patagal sa pag-hahanap ay naisip niyang mahirap hanapin ang batang iyon. “Paano ko ba hahanapin ang batang ito, ano pa kaya ang pwedeng paraan?” tanong nito sa kaniyang sarili. Habang nagtatype si Cristina ay naisip nito si Sydney dahil nabanggit nito si Daniel. “Alam ko na,” pahayag ni Cristina Agad-agad na tinawagan ni Cristina ang numero ni Sydney sa kaniyang telepono, at agad din namang nasagot ni Sydney iyon. “Hello?” pahayag ni Sydney ng kaniyang sinagot ang kaniyang t

