Chapter 32 : Binabalak

1124 Words
May napansin ang nanay ni Daniel kay Stephanie habang nagkekwentuhan sila. “Ija? Hindi ka ba masaya?” tanong ng nanay ni Daniel kay Stephanie Biglang napatingin si Stephanie sa nanay ni Daniel at hindi nakaimik kaya’t si Daniel nalang ang sumagot, “Mom, may hindi maipaliwanag na sakit si Stephanie eh. At kaya kami nandito ngayon para malaman kung ano pabang ibang sagot para mag-karoong ng emosyon si Stephanie,” tugon nito. “Pero alam niyo po tita, kahit ganyan po siya. Alam po naming na masaya siya,” saad naman din ni Chloe sa nanay ni Daniel. At napatungo si Stephanie sa narinig niya sa kaniyang mga kaibigan at unti-unting naluha. Lumapit ang nanay ni Daniel kay Stephanie, “Alam mo ija, it’s okay. Hindi kita itatakwil dito sa bahay naming kahit ganiyan ka pa. Alam mo, oo mahirap yan pero tandaan mo ito, you are special okay?” pahayag ng nanay ni Daniel “Salamat po tita,” tugon ni Stephanie sa nanay ng kaibigan At pinunasan ng nanay ni Daniel ang mga luha sa mata ni Stephanie na parang isang anak. “Sige na, kumain na kayo at gawin niyo na ang kailangan niyong gawin okay? Don’t be shy kung may kailangan kayo,” pahayag ni Mrs. Carter sa kanila, “Daniel, sabihan mo lang ako or sina yaya kung may need ka okay?” pahayag naman nito sa kaniyang anak. Lumabas na ito ng kwarto at biglang umimik si Joshua, “Daniel, ang bait ng mama mo,” pahayag ni Joshua, napatingin naman sakaniya si Daniel “Oo sobrang bait ni mom, kaya sobrang lapit ng loob naming sa isa’t-isa eh,” tugon ni Daniel “Alam mo Daniel, napatingin ako sa mga mata ng mama mo at sobrang kakaiba ang naramdaman ko,” saad naman ni Chloe “Ano naman iyon?” tanong naman ni Stephanie “Hindi ko alam, pero napakabait niya talaga,” tugon ni Chloe kay Stephanie “Siguro kung nag-kamagulang ako ng ganiyang kabait at mapagmahal sa anak, hinding hindi ko rin siya hahayaang masaktan, kagaya ng ginagawa mo Daniel. Napaka-swerte mo bro,” pahayag ni Joshua sa kaibigan “Ako rin, kaya Daniel wag na wag mo bibiguin ang nanay mo kahit hindi kayo okay ng papa mo,” saad naman ni Chloe kay Daniel “Hahahaha, opo. Kaya tara na magtingin ng libro niyong dala, try ko rin magresearch about diyan,” tugon naman ni Daniel sa mga kaibigan. Nag-simula na sila sa kanilang gawain, habang si Mrs. Carter ang nanay ni Daniel ay may malalim na iniisip, “Ibig sabihin hindi langsiya  ang nag-karoon ng ganoong sakit? Anong ibig sabihin nito?” tanong ng pabulong sa kaniyang sarili “Maam? Okay lang po ba kayo?” tanong ng mang ang katulong sa bahay ng napansin si Mrs. Carter na malalim ang iniisip at napatingin naman agad ito dito. “Oo mang, pwede mo ba ako ikuha ng tinapay at tubig? Parang nagugutom yata ako,” pahayag ni Mrs. Carter “Opo opo maam, ikukuha ko napo kayo,” tugon ni mang kay Mrs Carter at agad na bumaba ng hagdan at nagtungo sa kusina. Ng umalis si Mang ay bumalik ang isip ni Mrs. Carter kay Stephanie. “Hindi kaya siya ang anak ni…” pabulong muli nito sa kaniyang isip. Habang abala ang mag-kakaibigan at nasa bahay ng pamilyang Carter ay nakaupo ang matrona na si Hilda sa kaniyang upuan sa kaniyang silid at isa ring malalim ang iniisip, “Matrona? Ayos lang po ba kayo?” tanong ni Cristina dito “Oo naman, may dapat ba akong ikabahala?” tugon ni Hilda kay Cristina, “W-wala po,” saad naman ni Cristina at muling bumalik sa kaniyang ginagawa. “Cristina? May alam ka ba kung anong oras ang uwian nina Stephanie? Ganoon din si Chloe at Joshua?” tanong ni Hilda kay Cristina “Hindi po matrona,” tugon ni Cristina. “Sige, ah! Alam ko na, tawagan mo si Sydney, itanong mo kung alam niya kung anong oras ang uwian nina Stephanie, baka alaman niya,” utos ni Hilda kay Cristina “Sige po matrona, masusunod po. Lalabas po muna ako at kukunin ang telepono sa silid,” tugon ni Cristina kay Hilda. “Sige,”  pahayag ni Hilda. Agad namang nagtungo si Cristina sa kaniyang silid kung saan nandodoon ang kaniyang telepono, at ng nakuha na niya ay agad nitong binuksan ang telepono at tinawagan ang numero ni Sydney. “Hello?” pahayag ni Cristina ng sinagot ni Sydney ang kaniyang telepono “Hello? Cristina? Bakit?” tanong ni Sydney kay Cristina “May ipinapatanong lang ang matrona, kung alam mo raw kung anong oras ng uwian nina Stephanie, Chloe at Joshua?” tugon ni Cristina kay Sydney “Wala eh, I don’t have any idea. Pero kung si Daniel ang tatanungin mo, I think 5pm,” pahayag ni Sydney kay Cristina “Sige, salamat,” saad naman ni Cristina. At sabay na namatay na ang telepono. Ng matapos ang pag-uusap ay nag-tungo agad ito sa silid ng matrona, ngunit ng nasa pintuan na siya ay tila may narinig siyang kakaiba na para bang may kausap ito sa loob ng silid niya. Malakas ang pag-kakarinig niya ngunit hindi niya maintindihan ang mga sinasabi ng kausap ng matrona, kaya’t noong nawala lamang ang nag-sasalita saka siya kumatok sa pintuan. “Matrona?” pahayag ni Cristina sa pintuan, Dali-dali pinatago ang kausap niya, “Magtago ka,” pabulong nito “Pasok Cristina,” utos ng matrona kay Cristina Nakapasok na si Cristina, “Matrona, nakausap ko na po si Sydney ngunit wala raw po siyang ideya kung anong oras ang uwian nina Stephanie, ngunit ang alam lang po niya ay kay Daniel,” pahayag ni Cristina sa matrona. “Sino si Daniel? Iyon ba yung kaibigan nina Stephanie na palaging dinadaanan sila?” tanong ng matrona kay Cristina “Opo matrona, siya po iyong may dalang sasakyang tuwing umaga na natigil sa harapan ng bahay ampunan,” tugon naman ni Cristina “Osige, may iuutos ulit ako sa iyo,” pahayag ng matrona, “Ano po iyon?” tanong ni Cristina “Alam kong sa edad mo ay may alam ka sa computer at iyon ang ginagamit ng mga kabataan ngayon, maaari mo bang alamin kung sino ang mga magulang ni Daniel o kahit epilyedo niya, alamin mo,” pahayag ng matrona kay Cristina. “Sige po matrona, masusunod po,” tugon ni Cristina sa matrona. Umalis na si Cristina sa silid ng matrona at napapaisip kung ano ang binabalak nito sa mag-kakaibigan at bakit kailangan niyang malaman ang epilyedo at pamilya ng binatang si Daniel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD