Chapter 31 : Katanungan sa Isip

1100 Words
Habang nakamasid si Stephanie sa daan, ay hinawakan ni Daniel ito sa balikat niya. “Stephanie? Ang lalim ng iniisip mo ah, are you okay?” tanong ng kaibigan sa kaniya. “Ahm, okay lang,” tugon ni Stephanie “Tell me, ano iniisip mo?” tanong naman muli ni Daniel. “Pakiramdam ko napapagod ako kahit hindi naman ako nakakaramdam, nakakasawa kasi ang paulit-ulit na mag-tataka ka, magtatanong kung bakit ganito ang mundo sa akin,” tugon ni Stephanie sa kaniyang kaibigan. At napatingin naman si Chloe at Joshua kay Stephanie, ganoon din si Daniel habang napatahimik. “Hindi ba kayo napapaisip? Ikaw Chloe at Joshua? Hindi ba kayo napapaisip na parang may binabalak sayo ang matrona, na bakit galit na galit ang nasa paligid ko lalo na si Sydney? Hindi ba tahimik naman mundo ko dati?” pahayag ni Stephanie “Naiintindihan ka naming Stephanie, kahit kung sa amin naman yan nangyari, ganiyan din panigurado ang mararamdaman at masasabi namin. Dahil hindi madaling maging ikaw,” saad ni Chloe “Sobrang hindi madali maging ako, kaya ‘yung sinasabi mo na sana wala ka nalang ding nararamdaman. Hindi maganda yun, sobrang hirap Chloe," pahayag naman ni Stephanie. Unti-unting naluluha si Stephanie sa kaniyang mga iniisip at nasasabi, at napansin naman iyon ni Daneil dahil katabi niya ito. “Don’t cry Stephanie, may mag rason talaga siguro kaya nang-yayari ito,” pahayag ni Daniel kay Stephanie ng bigla nitong pinunasan ng luha. Napatingin ang dalawa ni Chloe at Joshua at nagulat sa ginawa ni Daniel, “Ay taray may papunas ng luha,” biglang pahayag ni Chloe sa dalawa ni Daniel at Stephanie. At biglang umiwas naman si Stephanie sa ginawa ni Daniel at muling tumingin na lamang sa kanilang dinaraanan. Ganoon din si Daniel. Malapit na sina Daniel sa kanilang bahay kasama ang kaniyang mga kaibigan, at ng nasa tapat na sila ay bumusina ito para buksan ang kanilang gate. Binuksan ng kanilang guard ang gate at habang papasok sila ay napamasid agad si Chloe sa bintana dahil sa sobrang ganda ng nakita niya. “Daniel, ang ganda ng bahay niyo,” pahayag ni Chloe sa kaibigan “Oo nga bro, gawin mo na lang akong kapatid,” pahayag din ni Joshua. Napangiti naman si Daniel sa mga nasabi ng kaniyang mga kaibigan. Tumigil na ang kanilang sasakyan at isa-isa ng bumaba ang mga ito, “Ya, si mom po?” tanong ni Daniel sa kaniyang yaya “Nasa loob po sir, hinihintay na kayo sa sala,” tugon ng yaya niya sa kaniya. “Tara guys, ipapakilala ko kayo sa mom ko, alam kong excited na siya na makilala kayo,” pag-aaya ni Daniel sa mga kaibigan papasok sa loob ng kanilang bahay. Isa-isang pumasok ang mga ito sa bahay nina Daniel, at hindi maiwasan na mapalingon sa paligid ang mag-kakaibigan. Ng biglang napansin ni Stephanie ang nanay ni Daniel. “Magandang hapon po,” pag-bati ni Stephanie sa nanay ni Daniel. Biglang napatingin sina Chloe at Joshua, “Mom, friends ko po,” pag-papakilala ni Daniel sa kaniyang mga kaibigan. “Hi po,” pag-bati nina Chloe at Joshua. “Good afternoon sa inyo, kayo pala ang mga kaibigan ni Daniel na ikinekwento niya palagi sa akin,” pahayag ng nanay ni Daniel “Mom,” saad ni Daniel ng bigla niyang sinenyasan ang kaniyang ina. “Ikaw Daniel ah, kinekwento mo pala kami sa mama mo, di naman kami nainform,” pabiro ni Chloe kay Daniel Napangiti ang nanay ni Daniel sa mga ito, “Kumain na ba kayo? Nagmiryenda? Ipag-hahanda ko kayo,” pahayag muli ng nanay ni Daniel sa mag-kakaibigan. “Ay w-wag na po, mag-aabala pa kayo,” tugon ni Stephanie sa nanay ni Daniel. “Ano ka ba ija, It’s okay. Feel at home okay? Wag mahihiya. Daniel, ikaw na bahala sa kanila ah? Kakausapin ko si yaya at si mang para sa kakainin niyo okay? Enjoy kayo,” pahayag ng nanay ni Daniel sa kanila. “Thank you po,” tugon ng mag-kakaibigan. “Thank you mom,” pahayag naman ni Daniel, at nginitian ito ng kaniyang nanay. “Tara guys, para makapagsimula na tayo,” pag-aaya ni Daniel sa kaniyang mga kaibigan. Dinala ni Daniel ang kaniyang mga kaibigan sa guest room, upang kahit may binabasa at hinahanap sila ay pwede silang makapag-pahinga ng komportable dahil bukod sa may lamesa na malaki doon ay may kama rin. Pag-pasok nila ay nagulat muli si Chloe sa nakita, “Wow, ang ganda Daniel, ang gandaaa talaga,” pahayag muli nito. Sinapok ni Joshua ang kaibigiang si Chloe, “Kanina ka pang ganiyan, paulit-ulit, Hahahha!” pahayag ni Joshua. “Eh maganda naman talaga eh!” tugon ni Chloe kay Joshua “Oh, mag-aaway  na naman kayo, tandaan niyo wala tayo sa school o sa bahay ampunan ah,” pahayag ni Stephanie sa kaniyang mga kaibigan. “Hahaha, hayaan mo sila. It’s okay, di ba nga sabi ni mom feel at home,” saad naman ni Daniel kay Stephanie at nginitian ito. Ng biglang may kumatok sa pintuan nila, “Sino po sila?” tanong ni Daniel “Sir, pag-kain po na pinapaabot ni maam,” tugon ng yaya nina Daniel Binuksan ni Daniel ang pintuan at inabot ang dala-dala ng kaniyang yaya na mga pag-kain, “Thank you yaya,” pag-papasalamat ni Daniel “Guys, kain muna kayo,” pahayag ni Daniel sa kaniyang mga kaibigan, “Hindi ba nakakahiya Daniel, sobra na ito,” saad ni Stephanie sa kaibigan Biglang pumasok sa loo bang nanay ni Daniel ng marinig ang sinabi ni Stephanie, “Ija, Don’t be shy. Alam niyo ba, ngayon lang nag-karoon ng bisita dito si Daniel? Hindi ko nga akalain na may dadalhin siya dito eh, kase this was the first time, at masaya ako,” pahayag ng nanay ni Daniel “Talaga po?” tugon ni Chloe ng marinig iyon, “Yes ija, kaya kung makakabalik kayo dito kahit anong oras o araw pa yan wag kayong mahihiya,” pahayag ng nanay ni Daniel “Ampunin niyo na po ako, Hahahaha,” pabiro ni Joshua “Bakit hindi ijo,” tugon ng nanay ni Daniel. “Hahahha! Sabi ko sayo Joshua eh!” saad naman ni Daniel ng marinig iyon sa kaniyang nanay. “Hindi na nahiya si Joshua, kahit kailan talaga,” pahayag ni Chloe sa kaibigan. Masayang nag-kekwentuhan at nagbibiruan ang mag-kakaibigan nina Daniel kasama ang kaniyang nanay sa guest room kung saan doon sila nakatigil. Ng biglang may itinanong ang nanay ni Daniel kay Stephanie..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD