Habang nakahiga si Stephanie sa isang kama sa kwarto ng clinic, ay nandoon si Daniel na nag-babantay sa kaniya habang sina Chloe at Joshua naman ay nasa kani-kanila ng klase. Maya-maya pa ay nagising na si Stephanie, unti-unti niyang iminulat ang kaniyang mga mata at nakita niya si Daniel na nakaupo sa tabi niya. “N-nasaan ako?” tanong ni Stephanie ng makita niyang nasa isa siyang kwarto “Nasa clinic ng school Stephanie, nahimatay ka na lang bigla kanina. Are you okay now? Tawagin ko ang nurse, wait. Diyan ka lang,” tugon ni Daniel sa kaibigan at agad na lumabas ito para tawagin ang nurse. Sinubukan ni Stephanie na bumangon ngunit hinang-hina pa rin ito sa nangyari sa kaniya. At maya-maya ay biglang bumalik na si Daniel kasama ang nurse. At habang inaasikaso na ng nurse ay kinausap ito

