Chapter 41: Parusa

1086 Words
Nakarating na si Sydney at nang makababa siya ay napansin niyang napakatahimik ng bahay kaya naisipan niyang tawagin ang kanilang katulong, ngunit pag-pasok nito ay sumalubong sakaniya ang kaniyang ama sa pintuan, Sinampal ni Mr. Jackson ang kaniyang anak na si Sydney habang nakatingin lamang ang ina nito dahil alam nito na wala siyang magagawa sa anak, “Ikaw! Sinasabi ko sayo na wag kang gagawa ng katangahan lalo na sa paaralan!” sigaw ng ng kaniyang ama sa kaniya, “W-wala naman po akong ginawa dad,” tugon ni Sydney habang nakatungo sa kaniyanga ama, “Eh ano yung sinabi sa akin ng guidance?! Palalabasin mo na sinungaling sila?! Wag mo kaming gawing tanga ng mommy mo Sydney!” sigaw muli ng kaniyang ama sa kaniya, “Pero dad, w-wala nga-,” pahayag muli ni Sydney sa kaniyang ama ng biglang naputol ang kaniyang sinasabi, “Nasa States ka pa lang ganiyan ka na! Anong ineexpect mo? Maniniwala pa ako sa mga dahilan mo?!” Sigaw ng kaniyang ama sa kaniya, Agad nitong hinablot ang buhok ni Sydney at kinaladkad, “Halika dito! Ikukulong kita!” pahayag muli ng kaniyang ama sa kaniya, “Dad, wag mong saktan ang anak natin, wag mong gawin yan,” pag-mamakaawa ni Mrs. Jackson sa kaniyang asawa dahil sa naaawa ito sa kaniyang anak, “Daaaad, pleaaase masakit, tama na,” pahayag ni Sydney sa kaniyang ama, “Gagawin ko ang gusto ko hanggang sa matauhan ka! You’ll stay at the basement as long as I want!” sigaw ni Mr. Jackson kay Sydney, at ikinulong na ito sa basement. “Bukas pupunta tayo sa guidance, this time ibabalik na kita sa States, sinisira mo ang pangalan natin,” pahayag muli ng kaniyang ama sa kaniya, At agad na sinarhan ni Mr. Jackson ang pintuan sa basement at ikinulong si Sydney doon hanggang sa mag-kinabukasan, “Dad please, let me out,” pag-mamakaawa ni Sydney “Hindi ka makakalabas diyan hanggat hindi ka natatauhan, mark my word Sydney,” tugon ng kaniyang ama sa kaniya, Nang marinig iyon ni Sydney ay umiyak ito dahil sa nasasaktan sya at bukod doon ay dahil sa galit, naupo ito sa sulok at masama ang tingin nito sa pintuan. “Kasalanan mo ito Stephanie! Kasalanan mo! Hindi ko hahayaang okay ka, tapos ako hindi! Mag-kamatayan na kung mag-kamatayan!” sigaw ni Sydney Pabalik sa taas si Mr. Jackson habang ang kaniyang asawa naman ay nag-mamakaawa, “Dad, pakawalan mo na si Sydney. Please, hindi ka ba naaawa sa anak natin?” pahayag ni Mrs. Jackson sa kaniyang asawa, “Mildred, hindi k aba nag-iisip? Ang hirap kasi sayo inispoiled mo ang anak mo! Anong nangyari? Yan nag-kaganyan, nagffeeling mayaman!” tugon ni Mr. Jackson sa kaniyang asawa, “Please I beg you, let her out,” saad muli ni Mrs. Jackson, “Sorry hon, I won’t,” tugon ni Mr. Jackson. Tinalikuran na nito ang kaniyang asawa at nag-tungo na muli sa kaniyang opisina. Hindi napigilan ni Mrs. Jackson na hindi humagulhol sa iyak dahil sa nakita niya ang kaniyang anak na ikinulong ng kaniyang asawa sa basement dahil sa nagawa nitong kasalanan. Lumipas ang gabi, umaga na naman at nagising si Daniel dahil sa kinatok ito ng kaniyang ama, “Anak, gising ka na ba?” tanong ni Mr. Carter habang kinakatok ang pintuan ni Daniel, Napabangon naman si Daniel sa sobrang aga na ginising siya ng kaniyang ama, at sabay na binuksan nito ang kaniyang pinto, “Yes dad? Ano yun?” tanong nito sa kaniyang ama, “May class k aba today?” tanong muli ng kaniyang ama sa kaniya, “Yes dad, why?” tugon naman ni Daniel sa kaniyang ama, “After class pumunta ka sa company, tagpuin mo ako doon,” pahayag ng ama ni Daniel “Okay, can I bring my friends?” tanong ni Daniel sa kaniyang ama, “Yes ofcourse, if you want to,” tugon naman ng kaniyang ama sa kaniya, “Okay dad, thanks,” pahayag naman ni Daniel at sinarhan na niya ang kaniyang pinto. Mag 5am na kaya hindi na niya sinubukang matulong muli, kumilos na siya at naligo. Nag-ayos ng kaniyang sarili at kumain ng almusal. Habang siya ay nasa baba na kumakain ng kaniyang almusal ay maaga ring nagising ang kaniyang ina, “Anak? Aga mo ah,” pahayag ni Mrs. Carter kay Daniel, “Yes mom, ganito na po ako nagising kasi dinadaanan ko palagi sina Stephanie para hindi na sila mag-lakad and also para hindi ako mag-isa pumasok,” tugon ni Daniel sa kaniyang ina, “Good to know, nakaalis na ba dad mo?” tanong naman muli ni Mrs. Carter sa anak niyang si Daniel, “Yes mom, pinapapunta nga ako sa company at nag agree naman ako, isasama ko rin pala mom sina Stephanie,” tugon muli ni Daniel sa kaniyang ina, “Okay anak, mag-iingat nalang kayo palagi ah? Wag magiging pasaway,” pahayag muli ni Mrs. Carter kay Daniel, “Opo naman mom, aalis na ako mom baka malate pa kami, I love you!” pahayag ni Daniel at agad na hinalikan sa noo ang kaniyang ina, Napangiti naman si Mrs. Carter, masaya ito na nakikita niya ang kaniyang anak na masaya habang nakakasama niya sina Stephanie, Chloe at Joshua. Nag-patuloy na ito sa kaniyang pag-kain ng almusal. Patungo na si Daniel kayna Stephanie para sunduin ang mga ito, nang bigla niyang napansin ang sasakyan ng pamilyang Jackson. Bukas ang bintana nito at nakita niya na sakay si Sydney doon, “Pasaan kaya sila?” pag-tataka nito habang nag-mamaneho. Tumigil na ito sa kanto kung saan nito tatagpuin ang mga kaibigan, nakita agad siya nila Joshua kaya’t mabilis na nakasakay ang mga ito sa sasakyan ni Daniel. Nang makasakay ang mga ito at pinaandar na muli ni Daniel ang kaniyang sasakyan ay kinausap niya ang mga kasama, “Guys, nakita ko kanina ang sasakyan nina Sydney. Kasama niya mga magulang niya,” pahayag ni Daniel sa mga kasama, Nagulat si Chloe nang marinig iyon, “Hala! Feeling ko pa-school sila,” tugon agad ni Chloe, “Feeling ko din dahil sa ginawa niya kahapon,” saad naman ni Joshua Napaisip naman si Stephanie sa pinag-uusapan ng mga kaibigan, “Mapapa-guidance ba talaga si Sydney?” tanong nito sa mga kasama, “Oo, hindi naman kukunin ng nurse ang mga School ID nila kung hindi sila patatawagin sa guidance,” tugon ni Chloe sa kaibgang si Stephanie.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD