Chapter 42: Galit

1159 Words
Papalapit palang ng paaral si Sydney kasama ang kaniyang mga magulang, ay walang tigil ang pag-mumura dito ni Mr. Jackson sa kaniyang anak. “Tandaan mong pag-katapos na pag-katapos nito, I’ll bring you back sa states. Doon ka hanggang sa magtino ka! Napakatigas ng ulo mo,” pahayag ni Mr. Jackson sa kaniyang anak na si Sydney, “Dad naman, I won’t let you na ibalik ng states si Sydney lalo na’t siya lamang mag-isa doon,” tugon ni Mrs. Jackson sa kaniyang asawa, Hindi umimik si Sydney sa mga sinabi ng kaniyang ama sa kaniya, at nang nakaparada na ang kanilang sasakyan sa parking lot ay isa-isa na ang mga ito na bumaba. Pag-kababa nila ay maraming nag-titinginan kayna Sydney dahil sa kasama nito ang kaniyang mga magulang, ngunit hindi na lamang ito pinapansin. Nang nakaparada na din sina Daniel at nakababa na ang kasama nito na sina Stephanie ay napa-tingin sina Chloe kay Sydney. Napalingon naman si Sydney at napatingin kay Chloe, sinamaan nito ng tingin. “Ang sama ng tingin sa akin ni Sydney, mukhang ako pa ang may kasalanan sa kaniyang ginawang kayabang,” pahayag ni Chloe ng makita ang mukha ni Sydney “Hayaan mo na, alam naman natin kung sinong tama at mali diba? Chillax kalang diyan Chloe,” tugon naman ni Joshua sa kaniyang kaibigan, “Oo nga Chloe, mas mabuti nan a maranasana niya yan para matauhan siya,” saad naman ni Daniel, Habang si Stephanie ay habol ang tingin kay Sydney, “tara na, baka mahuli pa tayo sa klase,” pahayag nito sa mga kaibigan, At nag-lakad na ang mga ito patungo sa lobby kung saan doon sila nag-hihiwahiwalay. “Una na kami Stephanie Daniel,” pag-papaalam ni Chloe sa mga kaibigan, Ng biglang tinawag ang dalawa ni Chloe at Joshua ng nurse, napatingin din naman ang dalawa ni Stephanie at Daniel ng marinig iyon “Chloe, Joshua, sumama kayo sa akin,” pahayag ng nurse “Ahm, b-bakit po?” tanong naman agad ni Chloe sa nurse, “Kailangan na mag-salita kayo dahil kayo ang nasa insidente, wag kayo matakot kasama niyo ako dahil ako ang nakakita sa nagawa ni Sydney,” pahayag muli ng nurse sa dalawa “Ahm, s-sige po,” tugon ni Joshua sa nurse, “Tara na Chloe,” pahayag ni Joshua at hinila ang kaibigan, Sumunod ang dalawa ni Joshua at Chloe sa guidance kung saan nandodoon sina Sydney, Gabriella at Sofia kasama ang kani-kanilang magulang, nang makapasok sila sa guidance kasama ang nurse ang masama ang tingin ni Sydney kay Chloe. “Good morning maam, sila pong dalawa ang estudyante na nasa clinic kahapon,” pahayag ng nurse sa head ng guidance na si Mrs. Abarintos “Sige, maupo na kayo,” tugon ni Mrs. Abarintos. “Sino ba talaga ang nag-simula ng gulo kahapon nurse?” tanong nito “Si Sydney po, kitang-kita po ng mga mata ko, dumating lang ang dalawa sa harapan ko at biglang dumating ang grupo nila ng biglang nag-kasagutan na. Hihingi lamang ng gamot ang dalawang batang ito ng biglang lalabanan na ni Sydney ang mga ito,” pahayag ng nurse “Totoo ba yun Chloe? Joshua?” tanong ni Mrs. Abarintos “Opo maam, hindi po naming alam kung anong kailangan nila sa amin, pero kaya po yan ganiyan dahil ng kaibigan naming si Stephanie na walang ginawa kundi ang manahimik lang,” tugon ni Joshua. Tumingin si Joshua sa magulang ni Sydney, “Hindi niyo po ba alam na ang anak niyo ay isa sa mga nang-bubully sa kapwa naming estudyante? Alam po naming walang maramdaman o emosyon ang kaibigan naming, pero ang saktan niya ng paulit-ulit kahit hindi niya maramdaman iyon ay nararamdaman namin,” pahayag muli ni Joshua kayna Mr. Jackson, “Pagpasensyahan niyo na ang anak ko, hindi ko alam na ganito pala ang ginagawa nito dito,” tugon ni Mr. Jackson kayna Joshua at Chloe. “Ayos lang po yun, sanay na po kami sa pinag-gagagawa sa amin ng anak niyo, at kay Sofia naman po, Tita, hindi ko po alam na ganiyan na pala ang anak niyo, kahit na hindi kayo ang totoong magulang hindi niyo alam na kapag nauwi sa inyo ganiyan na ang pag-uugali,” pahayag naman ni Chloe “Sorry Chloe,” tugon ng magulang ni Sofia “At diyan po sa anak niyong driver ng dalawang yan, si Gabriella, sana sabihan niyo din po yan, kahit saan sinusundan po kami makapanakit lang,” pahayag muli ni Joshua “Hayaan niyo, pag-babawalan ko na itong si Gabriella, I won’t let this happen again, Pagpasensyahan niyo na,” tugon ng nanay ni Gabriella. “Okay, ngayon nag-kaalaman na, you three girls, you’re all suspended for 2weeks. May i-aasign kami sa inyo sa 2weeks na iyon at required kayo na pumasok pa rin, bukas na bukas dumeretso kayo ulit dito sa akin, okay?” pahayag ni Mrs. Abarintos kayna Sydney, “And kayo naman Chloe at Joshua, you may go back to your classrooms, kapag tinanong kayo ng teacher niyo kung bakit kayo late, sabihin niyo galing kayo dito okay? Salamat sa oras niyo,” pahayag muli ni Mrs. Abarintos kayna Chloe at Joshua. Tumayo sina Chloe at Joshua, “Salamat po maam, salamat po nurse,” pahayag ng dalawa. At lumabas na sa guidance office, nag-tungo agad ang mga ito sa kani-kanilang classroom. Habang sina Sydney at ang mga kaibigan niya ay pinapagalitan parin ng kani-kanilang magulang. “Sydney! You! Tayo na sa sasakyan!” pahayag ng ama niya at hinila ito sa kaniyang braso, “Pa, wag mong saktan si Sydney,” saad naman ni Mrs. Jackson sa kaniyang asawa Nang nasa parking lot na ang pamilyang Jackson ay isinakay agad ni Mr.Jackson ang kaniyang anak na si Sydney sa likuran, “And you ma! Sumakay kana,” pahayag naman nito sa kaniyang asawa, Habang nag-mamaneho ay galit na galit parin ang ama ni Sydney sa kaniya, “Anong ginawa ko sayo para maginga ganiyan ka?! Ano! Sydney?!” sigaw ng kaniyang ama sa kaniya, “W-wala dad, I’m sorry,” tugon ni Sydney sa kaniyang ama, “Sorry!? Anong magagawa ng sorry mo?! Sa tingin mo matutuwa ako sa ginagawa mo!? Na ikaw pala ang may pasimuno palagi!?” saad muli ng kaniyang ama sa kaniya, “Dad, w-wala naman akong ginagawa eh, nag-sisinungaling sila,” tugon muli ni Sydney sa kaniyang ama, “Kailan nag-sinungaling ang taga bahay ampunan? Kailan!? Pinalaki sila ng mga madre ng maayos, tapos sasabihin mo nag-sisinungaling?” pahayag muli ng kaniyang ama, “Dad, please stop,” pahayag naman ni mrs. Jackson, “No ma! Gusto kong mapag-sabihan ang anak mo! Ang hirap kasi sayo, masyado mong inispoiled! Tingnan mo kung paano siya lumaki! You think I’m happy right now!? Feeling ko wala akong kwentang ama!” saad naman ni Mr. Jackson sa kaniyang asawa,
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD