Natapos na ang klase nina Chloe at Joshua, ganoon din ang klase ni Stephanie at Daniel. Nag-kita kita ang mga ito sa lobby, pababa pa lamang si Chloe at Joshua sa hagdan ay nakita kaagad sila nina Stephanie. “Yan na sila,” pahayag ni Daniel ng nakita sina Chloe Napatingin naman si Stephanie, “Hmm? Parang may mali sa mukha noon,” saad naman ni Stephanie ng makita ang mukha ni Chloe, Nang kasama na nina Stephanie sina Chloe ay tinanong ni Stephanie ang kaibigan niya, “Oh? Bakit ganiyan mukha mo? Kamusta guidance niyo kanina?” “Okay na okay!” tugon ni Chloe na ikinagulat nina Daniel, “So how was it?” tanong naman ni Daniel “Ayun, galit na galit ang magulang ni Sydney sa kaniya, grabe pala magalit tatay noon noh?” pahayag ni Joshua sa mga kaibigan, “Hayaan na natin, ang mahalaga may na

