Chapter 29 : Misunderstanding

1127 Words
Habang nasa klase sila ay pinag-titinginan sila ng mga kaklase nila hanggang sa matapos, at napansin naman iyon ni Stephanie. “Daniel? Bakit parang pinag-titinginan tayo?” pag-tatakang tanong nito. Napatingin naman sa paligid si Daniel, at ganoon din ang napansin niya. “Alam ko na, baka dahil sa napansin ni Sir kanina,” tugon naman nito. “Natatakot ako, baka hanggang sa pag-labas natin ganito ang isipin nila,” pahayag muli ni Stephanie “Ano ka ba, alam naman nating ang totoo eh. At saka, bakit ka matatakot, ako bahala sa iyo,” tugon muli ni Daniel. Biglang umimik ang kanilang guro ng bigang nag-bell. “Okay class, dismiss. Please mag-review kayo para bukas dahil may quiz tayo,” pag-papaalam sa kanila ng kanilang guro. “Yes sir,” sabay-sabay na tugon ng mag-kakakaklase Ng makaalis na ang kanilang guro, ay nag-ayos na ng mga gamit si Stephanie at ganoon din si Daniel. “Bakit ang tahimik mo?” tanong ni Daniel “W-wala, naiilang ako sa mga nag-titinginan sa atin,” tugon ni Stephanie. “Tumingin ka nga sa akin, Look, Don’t mind them okay? Alam natin ang totoo, at wala silang alam. Isipin na nila ang gusto nilang isipin, wala naman silang magagawa sa gusto nilang isipin eh,” tugon ni Daniel sa kaibigan. Hindi nalang nakaimik si Stephanie at tumango na lamang sa it okay Daniel, “Tara na? I’m sure nag-hihintay na sina Chloe at Joshua sa lobby,” pag-aaya ni Daniel sa kaibigang si Stephanie. At sumama na si Stephanie kay Daniel, tumungo sila patungo sakabilang building sa lobby kung saan doon lagi ang kanilang tagpuan. Habang nag-lalakad ang dalawa ni Stephanie at Daniel ay patuloy parin silang pinag-titinginan ng mga estudyante sa kanilang paligid. Hanggang sa may nag-parinig, “Mag-jowa pala? Paano?” pahayag ng isang babae, at narinig iyon ni Daniel. “Hey ikaw miss! Ano problema mo? Don’t you ever talk anything about us, kasi wala ka namang pake,” pahayag ni Daniel sa isang babae na napakinggang niya. At biglang sumigaw si Daniel sa kanilang paligid, “Hey Everybody! Anong pake niyo para pag-usapan or pag-chismisan kami? E ano naman kung girlfriend ko si Stephanie? Ako ba kayo? Nakasalalay ba sainyo ang desisyon ko? Kung wala, please! Stop that non sense okay?!” pahayag nito. Agad na umalis sina Daniel habang hila-hila nito si Stephanie, “Bakit mo ginawa iyon?” tanong nito. “Kasi yun yung paraan para tigilan ka nila, ayokong ginaganyan ang nakakasama ko! At kung okay lang sayo iyon, sa akin hindi,” tugon ni Daniel sa kaibigan. “Sa tingin mo titigilan ako ng ibang tao? Sa tingin mo hindi sila magagalit sa akin lalo na’t ngayon, parang pinalabas mo na mag-jowa tayo?” saad ni Stephanie kay Daniel. “Look, Stephanie. Hindi mo kasi ako naiintindiha, hahayaan mo nalang ba na saktan ka nila, pag-usapan at bullyhin? Kaibigan kita, at ayoko sa lahat na ginaganiyan ka. Kung nag-karoon ka ng ibang kaibigan before at hinayaan ka nilang ganiyan, ibahin mo ako,” tugon muli ni Daniel. Hindi na nakaimik si Stephanie sa sinabi ni Daniel, At hinila na siya muli patungo sa kabilang building sa lobby. Papalapit na sila sa lobby at nakita nila si Chloe, “Oh, Chloe, kaibigan mo, pag-sabihan mo si Stephanie,” pahayag ni Daniel kay Chloe at iniwan ito doon. Nagulat naman si Chloe sa action na pinakita ni Daniel. “Stephanie? Ano nangyari doon? Bakit galit na galit?” pag-tatakang tanong ni Chloe kay Stephanie. “Wala, hayaan mo na. Mamaya na natin pag-usapan, nasaan si Joshua?” tugon nito sa kaibigan, “Nandoon pa ata sa classroom nila, p-pero pasaan si?” tanong muli ni Chloe “Chloe, mamaya na nga. Tara na kay Joshua, puntahan na natin, baka kung saan pa iyon pumunta,” pahayag ni Stephanie kay Chloe. At nag-lakad silang dalawa patungo kay Joshua kung saan nandodoon ang kanilang classroom, papalapit pa lamang sila ay nakita nina Stephanie at Chloe si Joshua na kalalabas pa lamang. “Ayun si Joshua oh,” pahayag ni Chloe At agad namang nag-punta ang dalawang ito sa kaibigan. “Oh? Bakit kayo lamang dalawa?” tanong ni Joshua sa dalawa. “Eh kasi, e--,” tugon sana ni Chloe ngunit naputol ito, “Umalis, hayaan mo muna,” tugon naman ni Stephanie sa kaibigan. “Tara puntahan natin siya?” pag-aaya ni Joshua sa dalawa, “Wag na, hayaan niyo muna siya. Tara na sa canteen, tara kumain,” pahayag ni Stephanie kay Joshua kasabay ang pag-pigil nito na pumunta kay Daniel. Hindi na umimik muli si Joshua at pinakinggan na lamang ang sinabi ni Stephanie sa kaniya. Kaya’t nag-tungo sila sa canteen para doon kumain. Habang nag-lalakad ay napansin ni Joshua na tila tahimik si Stephanie, kaya’t kinausap nito si Chloe. “Napapaano ba ‘to?” tanong ni Joshua kay Chloe ng pabulong, “H-hindi ko alam, ayaw nga pag-usapan si Daniel eh, kahit ako tanong ng tanong kanina, ganyan din ang mga isinasagot,” tugon ni Chloe kay Joshua. “Mukhang nag-away sila ah, hindi kaya?” tanong ni Joshua sa kaibigan. Ng nasa canteen na sila nakapila at kukuha ng pag-kain ay napalingon si Stephanie sa paligid at nagulat siay sa kaniyang nakita, si Daniel na nakain mag-isa. Agad namang kinausap nito ang dalawa ni Chloe at Joshua. “Tara sa labas kumain, ayoko ng ulam dito,” pag-aaya ni Stephanie sa dalawa ni Chloe at Joshua. “B-bakit? Nandidito na tayo dito na nalang,” tugon ni Joshua. “Oo nga, nag layo-layo pa ng lalakarin natin,” tugon din naman ni Chloe. Hindi na nakaimik si Stephanie at hinayaan nalamang sa gusto ng dalawang kaibigan. Habang nakapila at nakakuha na ng pag-kain ang tatlo ay nag-hanap na ng lamesa ang mga ito. Habang nag-hahanap ay napansin ni Joshua si Daniel na nasa iisang lamesa at nakain. “Huy si Daniel oh, tara?” pahayag ni Joshua Napalingon naman si Stephanie at Chloe, “tara doon,” pag-aaya ni Chloe. Nagpunta agad ang dalawa ni Joshua at Chloe, habang nahuli naman si Stephanie. Ng nasa lamesa na si Chloe at Joshua na nakatayo ay umimik ito, “Pwede ba makiupo?” tanong ni Joshua. “Kung okay lang?” tanong din naman ni Chloe. “Oo naman, upo kayo,” tugon ni Daniel sa dalawang kaibigan, at napatingin naman si Daniel kay Stephanie at hindi nag-pansinan. Kumakain ng tahimik ang mag-kakaibigan, at napapatingin si Joshua at Chloe sa dalawa ni Daniel at Stephanie. Kumakain lamang ng deretso ang dalawa at kahit sina Joshua at Chloe ay hindi pinapansin. Kaya’t ganon nalamang din ang ginawa ng dalawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD