KINABUKASAN, nang magkita kami ni Beckett parang walang nangyari kahapon. Parang normal na lang dito na may nakakakitang nakikipag-s*x ito sa iba. Pwes ako hindi. Hindi maalis sa isip ko ang tagpo kahapon; kung paano nakapatong ang babae sa kandungan ni Beckett at kung papaano paligayahin ng babae si Beckett. Naalala ko tuloy iyung gabing may nangyari sa amin five years ago. Hindi ko maikakaila kung gaano kagaling si Beckett pagdating sa kama. Bigla akong pinamulahan ng mukha sa isiping iyon. Bakit ba ako nag-iisip ng kahalayan? Napatingin ako sa elevator nang bumukas iyon at iniluwa si Martin. Napatingin ako sa pinto ng opisina ni Beckett dahil baka bigla itong sumilip at makita si Martin. Pero bakit nga ba ako matatakot? Siya nga nagagawang makipag-s*x sa opisina nito. Ako, kakausap

