GALIT kong pinatay ang gripo pagkatapos kong maghugas ng kamay. Nagbuntong-hininga ako at pilit kong inaalis ang selos na nararamdaman ko. Hindi dapat ako magalit kasi nakaraan na iyon ni Beckett at alam ko naman na marami ang babaeng nagdaan sa kanya bago ulit kami nagkita. Muli akong nagpakawala ng buntong-hininga bago nagpasyang lumabas ng comfort room. Napahinto ako nang may isang lalaki ang humarang sa daan. "Ciao, signora, ti ho appena visto poco fa e hai catturato i miei occhi." Napatanga lang ako sa kanya kasi hindi ko naman maintindihan ang mga sinasabi niya. "What? Sorry, I don't understand you," sagot ko. Akmang hahawakan niya ako nang may galit na nagsalita sa likuran niya. "Try to touch her and you're dead," it's Beckett. "Are you with this woman?" kunot noo namang tan

