PAGKALIPAS ng dalawang araw, nagagawa ko ng bumangon at makapaglakad ng maayos. Kahit hindi tinatanggap ng tyan ko ang pagkain ay pinipilit kong kumain para mabilis akong makes. Iyung lalaking tumulong sa akin ay hindi pa ulit bumabalik kaya tanging mga nurse doctor lang ang tumitingin sa akin. Ibinilin daw ni Mr. Monte Alfeo na alagaan daw ako ng mabuti at alam kong hindi basta-bastang hospital ang pinagdalhan sa akin ng estrangherong lalaking iyon. Gusto kong tawagan si Apple pero may pumipigil sa akin na gawin iyon. Iniisip ko na baka may nagmamanman sa kanya at baka malagay pa ang buhay niya sa kapahamakan. Mabuting ako na lang at wala ng madamay pa. Nasa gitna ako ng pagmumuni nang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang lalaking tinatawag nilang Mr. Monte Alfeo. "Good morning, Sign

