LAKAD-TAKBO ang ginawa ko habang hilahila si Alessandro na umiiyak na dahil sa higpit ng pagkakahawak ko sa kamay niya. Ang lalaki panay sunod din sa amin at hindi kami tinatantanan. "Jordan!" narinig kong tawag niya sa pangalan ko na kinahinto ko. I know that voice. Nilingon ko siya. Doon tinanggal ng lalaki ang sumbrero niya. It's Martin. Pero bakit sila nito sinusundan? "M-Martin?" tinago ko si Alessandro sa likuran ko. "Nandito ka rin pala." "Bakit parang nagmamadali kayo?" "Ahh may pupuntahan pa kasi kaming importante," pagsisinungaling ko. "Mama, balik po tayo 'dun. Gusto ko pa po manood ng show," pangungulit sa akin ni Alessandro. "Siya ba ang anak mo, Jordan?" Sinilip niya si Alessandro na nasa likuran ko. "O-oo." Nangunot ang noo ni Martin. "Why he looks like..." "Sige,

